Julian A. Banzon (1908 - 1988)
Isang Pambansang Siyentipiko sa larangan ng Biophysical Chemistry
Isang Filipinong imbentor ng gasolina na nagmumula sa Niyog. Siya din ay natatanging Filipinong nagsulong ng teknolohiya ng pagproproseso ng Niyog. Siya rin ang nagpasimula ng Food Science and Technology sa Unibersidad ng Pilipinas.
Kilala rin siya dahil sa kanyang pagbigay karangalan sa punong niyog bilang isang mainam na mapagkunan ng pagkain.
Ipinanganak noong Marso 25, 1908 si Julian Banzon sa Balanga, Bataan. Siya ay panganay sa labingpitong magkakapatid. Si Manuel ang kanyang ama at si Arcadia naman ang kanyang ina.
Nag aral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) at nakapagtapos ng BS Chemistry (1930) sa edad na 22.
Dahil sa kanyang mga ambag, siya ay pinarangalan bilang:
Outstanding Chemistry Graduate ng UP Chemical Society noong 197
Chemist of the Year noong 1978
Distinguished Alumnus Award ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1986.
Ilan sa kanyang mga aral ay ang mga sumusunod:
Maaaring makagawa ng bigas mula sa cassava;
Maaaring makagawa ng iba't ibang uri ng gatas mula sa niyog bilang kapalit ng mga mamahaling gatas mula sa iba't ibang bansa gaya ng:
- filled milk
- toned milk
- vegetable milk
- synthetic milk
Maaaring magamit ang gata ng niyog upang ang gatas ng baka ay maging mas masarap na inumin
Matapos makapag-aral ay nagturo si Julian sa Kolehiyo ng Agrikultura sa UP, siya ay nabigyan ng scholarship sa University of Iowa, Estados Unidos para sa kanyang Doctorate Degree (Biophysical Chemistry). Ang kanyang dissertation ay maytitulong "Fermentative Utilization of Cassava-Butyl Acetonic Fermentation and Production of Alcohol."