Wednesday, February 3, 2010

Felipe Calderon




Si Felipe Calderon ay isang abogado at edukador na nagkaroon ng mahalagang papel sa kasaysayan ng bansa. Siya ang awtor ng Konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas lalong kilala sa tawag na Konstitusyon ng Malolos.

Siya ay isinilang sa Santa Cruz de Malabon (ngayon ay Tanza, Cavite) noong ika-4 ng Abril, 1868. Pangalawa siya sa anim na anak nina Jose Calderon at Manuela Roca, isang mestisang Kastila-Filipina na taga-Santa Ana, Maynila. Ang pinakamatanda niyang kapatid ay si Fernando Calderon na isang doctor, naging Direktor ng Philippine General Hospital at naging Dekano pa rin ng Kolehiyo ng Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas.

Nagtapos si Felipe ng elementarya sa isang pribadong paaralan. Sa kabila ng kanilang kahirapan ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Naglalakad siya sa pagpasok araw-araw nang nakapaa. Kipkip niya ang kanyang tsinelas at saka lamang niya ito isinusuot pagdating sa paaralan. Dahil sa kanyang angking talino ay malugod sa kanya ang mga·paring Hesuita kava siya ay binigyan ng iskolarsyip na pati ang tirahan at pagkain ay libre.

Natapos niya ang kursong Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila. Nais ng kanyang ina na siya ay maging pari subalit ang nais niya ay maging abogado siya. Pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas para mag-aral ng abogasya. Nagtrabaho siya sa iba't ibang pahayagan subalit hindi siya nagtatagal sa kanyang gawain dahil sa kanyang damdaming makabayan. Tulad halimbawa, sa isang pagkakataon nang siya ay isa sa bumubuo ng pamunuan ng pahayagang La Opinion, nang malaman niyang si Wenceslao Retana, isang anti-Filipino ay darating upang siyang maging editor ng pahayagan, nagbitiw siya sa kanyang tungkulin kahit alam niyang kailangang-kailangan niya ang trabaho. Para sa kanya higit na mabuti na mawalan ng trabaho kaysa makasama sa trabaho ang isang kaaway ng mamamayang Pilipino.

Upang may pagkakitaan, nagturo siya ng mga anak ng mayayaman. Sobrang hirap ng trabaho at kakulangan sa pagkain ang nagpahina sa kanyang katawan. Nang magpatingin siya sa doctor, sinabi sa kanya na dapat siyang magpahinga, at kung hindi siya ay magkakasakit ng tuberculosis. Nabigyan siya ng pagkakataong mangibang bansa nang bigyan siya ng isang mayamang mangangalakal ng pera na ginamit niya sa pagpunta sa Hong Kong, Singapore at India.

Nang siya ay magbalik sa Pilipinas, nanirahan siya sa Bauan, Batangas kung saan ay napangasawa niya si Josefa Amurao, anak ng isang mayaman. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Taong 1893 nang tanggapin niya ang katibayan ng pagtatapos sa Licentiate Jurispundencia. Naglingkod siya sa tanggapan ni Cayetano

Arellano at nang sumunod na taon ay nagpraktis ng Batas sa Cavite.

Muli siyang nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas ng mga kurso sa Pilosopiya, Literatura at mga likas na Agham (Chemistry, Mathematics at Physics). Hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral dahil sa pagsiklab ng Himagsikan.

Isa si Calderon sa mga inaresto at nakulong sa Fort Santiago pagkatapos ng Unang Sigaw sa Balintawak bagama't madali rin siyang nakalaya. Sa kanyang paglaya ay bumalik siya sa Maynila at namuhay nang tahimik kasama ng kanyang pamHya.

Mayo, 1898 nang mabalitaan niyang nagballk na si Emilio Aguinaldo sa Cavite mula sa Hong Kong. Pinuntahan niya ito at inalok ang kanyang tulong. Agad namang tinanggap ito ni Aguinaldo. Madali siyang itinalaga ni Aguinaldo bilang delegado ng Palawan sa Kongreso sa Malolos na ginanap sa simbahan ng Barasoain. Tatlumpung taong gulang pa lamang siya noon suhalit kinilala na ang kahusayan niya sa siyensiya na pamamahala at Batas.

Sinulat ni Calderon ang burador (draft) ng Konstitusyon at isinumite sa Kongreso. Pinagtibay naman ito sapagkat nakahihigit daw ito sa Constitutional Program of the Philippine Republic na ginawa ni Apolinario Mabini.

Ito ang dahilan kung bakit ibinigay sa kanya ang karangalan bilang Ama ng Malolos Constitution. Ang pagpapatibay sa "Constitutional Draft" na ginawa ni Calderon ay nilagdaan ni Aguinaldo noong Enero 21, 1899.

Sa kabila ng pagiging abala niya bilang isang abogado, nagsulat din siya ng talambuhay ng kanyang mga kaibigan tulad nina Jose Ma. Basa at Lorenzo Guerrero. Sumulat din siya ng mga sanaysay pangkasaysayan tulad ng kinilalang El Mas de Agosto en la Historia Patria (1896-1906), Documentos para Historia Fillpinas, Los Ultimos Dia del Regimen Español en Filipinas. Ang pinakarnahusay niyang sinulat pangkasaysayan ay ang Mis Memorias Sabre la Revolucion na nalimbag at nalathala sa anyong aklat.

Si Calderon tulad ni Rizal ay mahilig sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1905 ay itinatag niya ang Asosacion Historia de Filipinas. Noong 1904 ay itinatag niya ang Sarnahan ng mga Mananagalog (Association of Tagalog Writers) sa tulong ng mga kilalang rnanunulat na Tagalog. Ang layunin ay palaganapin ang wikang Tagalog. Matibay ang kanyang paniniwala na Tagalog at hindi Kastila o Ingles ang dapat na maging wikang pambansa ng mga Pilipino.

Pagkatapos ng dalawang taon, nagtatag nanaman siya ng sarnahan para sa proteksyon ng mga sanggol na tinawag na La Proteccion de la Infancia. Sa larangan ng edukasyon, ang tanging kontribusyon ni Calderon ay ang pagkakatatag ng Escuela de Derecho (School of Law) sa Maynila na siyang unang kolehiyo sa Batas dito sa Pilipinas. Dito ay nagturo siya ng Batas. Nagturo din siya sa Liceo de Manila at Institute de Muheres ng kasaysayan, ekonomiks, sosyolohiya, algebra at matematika.

Dahil sa maagang namatay ang kanyang asawa, muli siyang ikinasal sa isang maganda at batang-batang istudyante niya sa Escuela Derecho. Nagkaroon siya ng dalawang anak na babae na ang mga pangalan ay Concepcion at Cruzing. Hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay, nahanatili siyang mapagbasa at manunulat ng mga artikulong makabayan. Kahit na may karamdaman na at ipinagbawal ng doctor ang pagbabasa, nagbabasa pa rin siya.

Binawian siya ng buhay sa St. Paul Hospital, Maynila noong Hulyo 6, 1908 sa gulang na 40 lamang. Ang kanyang maagang pagpanaw ay ipinagluksa ng kanyang mga kaibigan na sina Rafael Palma, Justice Florentino Torres, Teodoro M. Kalaw at Sergio Osmeña.