Showing posts with label Bayani. Show all posts
Showing posts with label Bayani. Show all posts

Wednesday, December 12, 2012

Lakandula



Si Lakandula ay kilala bilang matapang na hari ng Tondo bago pa man dumating ang mga kastila.

Matapang niyang ipinaglaban ang tondo mula sa pananakop ng mga kastila noong 1570.

Kasama sina Rajah Matanda at Rajah Sulayman, ipinagtanggol nila ang Delta ng Ilog Pasig sa panahon ng pananakop ng mga kastila.

Ayon sa Notaryong Espanyol na si Hernando Riquel, ipinakikilala ni Lakandula ang kanyang sarili sa pangalang “Bunao Lakandula” samakatuwid ang kanyang pangalan ay “Bunao”. Nang siya ay maging Kristiyano siya ay binigyang pangalan na “Carlos Lakandula”.  Ang isang pang katawagan kay Lakandula ay “Gatdula”. Siya ay minsang natatawag na “Rajah Lakandula” ngunit ito ay mali sa kadahilanang ang “Rajah” ay kapareho lang naman ng “Lakan”.

Kamatayan

Kakaonti lamang ang mga nasusulat na nagbibigay kaalaman kung kailan namatay si Lakandula. Ngunit ayon kay Scott isang Historian, Umano pumanaw si Lakandula tatlong taon ang nakalipas ng pumanaw si Rajah Matanda kung saan naitalang namatay noong 1572.

Mga Kaanak

Ang lahi ni Lakandula ay halos matatagpuan sa ngayun ay kung tawagin ay probinsiya ng Pampanga siya ay mayroong anim na supling na sina:
  • Don Dionisio Capulong, panganay na anak, ang  Datu ng Candava, at tinatawag na "Batang Dula";
  • Don Magat Salamat, naging Lider ng Tondo kasabay ng kanyang pinsan na si Agustin de Legazpi matapos pumanaw si Lakandula, kung saan pinatay ng mga Espanyol dahil sa kanyang pakikidigma sa mga espanyol sa digmaang Espanyol at mga Lakan noong 1588
  • Don Phelipe Salonga, ang  Datu ng Pulu;
  •  Doña Maria Poloin, ang nag iisang anak na babae , na ikinasal kay Don Alonso Talabos;
  • Don Martin Lakandula, naging Paring Augustinian noong 1590
  • Don Luis Taclocmao (o Salugmoc), napatay noong  1603 sa kasagsagan ng Rebelyong Intsik.

Mga Kaanak sa Bagong Panahon

  • Dating Presidente  Diosdado Macapagal, ama ng dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo
  • Dating Senador  Jovito Salonga
  • Gonzalo Puyat, dating  nangungunang  Industrialista ng bansa
  • Dating Senador Gil Puyat
  • Lea Salonga, isang internasyunal Singer Aktres

Sunday, November 11, 2012

Agueda Kahabagan



Si Agueda Iniquinto Kahabagan ay kilala bilang si "Henerala Agueda".

Siya ay nagmula sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Kinikilala si Henerala sa kanyang katangi-tanging katapangan
Siya ay nakikitang nakadamit ng puti at may dalang Gulok at Riple sa magkabilang kamay habang nakikipaglaban

Si Henerala ay kinomisyon ni Heneral Miguel Malvar upang pamunuan ang isang kawan ng mga sundalo noong Mayo 1897. Siya ay isa sa mga nanguna kasama si Heneral Artemio Ricarte sa pagsalakay ng Garrison ng mga Espanyol sa San Pablo, Laguna noong Oktubre 1897. 

Pinaniniwalaan na si Heneral Pio del Pilar  ang nagrekomenda na mabigyang Titulo bilang Honoraryang Henerala si Henerala Agueda. Siya ang nag-iisang naitalang Henerala sa listahan ng mga Heneral ng Republika ng Pilipinas. Natamo niya ang ranggo noong Enero 4, 1899.

Thursday, September 15, 2011

Artemio Ricarte



Artemio Garcia Ricarte
"Vibora" (Viper)
October 20, 1866 — July 31, 1945

Si Artemio Ricarte ay isang Heneral na filipino ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano. Ikinokosidera din siya bilang Ama ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army). Kilala si Artemio Ricarte bilang Heneral na kailanman ay hindi sumumpa o umayon sa pamumuno ng Amerika sa Pilipinas mula 1898 hanggang 1946.

Si Artemio Ricarte ay ipinanganak sa Batac, Ilocos Norte noong ika-20 ng Oktubre, 1866. Ang Kanyang mga magulang ay sina Faustino Ricarte at bonifacia Garcia. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Batac at nagpatuloy ng pag-aaral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran kung saan siya ay nagtapos ng Batsilyer ng Arte. At nag aral din sa Unibersidad ng Santo Tomas at Escuela Normal kung saan nagtapos siya ng kurso sa pagtuturo. Siya ay itinalaga sa bayan ng San Francisco de Malabon (General Trias, Cavite sa ngayun) upang mag superbisa ng isang paaralang primarya. Habang nasa cavite, nakilala niya si Heneral Mariano Alvarez na isa ring guro at kasali sa Pag-aaklas ng Cavite noong 1872.

Sumali si Artemio Ricarte sa Katipunan sa ilalim ng Koseho ng Magdiwang kung saan siya ay binigyan ng ranggo na Tenyente-Heneral at tinawag sa kapangalang "Vibora".

Ng Matapos ang Rebolusyong Pilipino noong Agosto 31, 1896, pinangunahan ni Artemio Ricarte ang paglusob sa mga natitirang Garison ng mga Espanyol sa San Francisco de Malabon kung saan tinalo niya ang pwersang Espanyol at tinangay ang ilang guwardiya sibil bilang mga Bilanggo ng Digmaan.


Digmaang Pilipino-Amerikano

Noong simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano siya ang Pinuno ng Operasyon(Chief ng Operations )ng pwersang Pilipino sa ikalawang sona sa paligid ng Maynila. Noong Hulyo 1900 siya ay nahuli sa Maynila at ipinatapon sa Guam kasama si Apolinario Mabini.

Pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano

Noong 1903, sina Ricarte at Mabini ay pinapayagang makabalik sa sa Pilipinas sa sa kundisyon na sila ay manunumpa ng katapatan sa bansang Amerika. Dumaong ang kanilang sinasakyang USS Thomas mula sa guam sa daungan ng Maynila. Nang hiniling sa kanila na gawin ang panunumpa, agad tumalima si Mabini sa panunumpa ngunit si Ricarte tumanggi. Dahil doon, si Ricarte ay pinalaya parin ngunit pinagbawalan na makatuntong sa Pilipinas. Ni hindi man lang tumuntong sa lupa si Ricarte ay agad na ipinatapon sa Hongkong sakay ng Barkong "Galic".

Noong Disyembre 1903, si Ricarte ay nagbalik sa Pilipinas bilang isang takas na pasahero sa barkong "Wenshang". Binalak niya na pagsamahing muli sa mga dating mga miyembro ng hukbo na kanyanag nakasama sa Rebosyung Pilipino. Sa pulong sa ilang mga dating kasapi at mga kaibigan, tinalakay niya ang kanyang pangkalahatang plano at ang pagpapatuloy ng rebolusyon. Pagkatapos sinabi niya sa pulong, ang ilan sa mga miyembro na nakaanib na sa mga Amerikano, partikular na ang dating General Pio del Pilar.
Dahil dito, ang gobyernong Amerikano ay naglaan ng pabuya sa sinumang makakahuli kay Artemio Ricarte patay man o buhay sa halagang $10,000.00. Sa mga sumunod na linggo, si Ricarte ay naglakbay sa buong gitnang Luzon at sinusubukang makakuha ng supporta para sa kanyang mga adhikain.

Noong unang bahagi ng 1904, Ricarte ay tinamaan ng isang sakit at siya ay naratay ng halos 2 buwan. Habang nagpapagaling, isang dating kasamahan na si Luis Baltazar ang nagsuplong sa Philippine Constabulary ng kanyang kinaroroonan sa Mariveles, Bataan. Marso 29, 1904, ng si Ricarte ay naaresto at ibinilanggo. Ginugol niya ang anim na taon sa Bilibid, habang nakakulong, siya nakakatanggap mula sa dating mga kasamahan sa rebolusyon at ilang kilalang mga Amerikano kabilang na ang dating Bise-Presidente ng Estados Unidos na si Charles W. Fairbanks.

Dahil sa mabuting asal, si Ricarte ay nagsilbi lamang 6 ng kanyang 11 taon na pagkakakulong. Noong Hunyo 26, 1910 siya ay inilabas mula sa Bilibid Prison. Ngunit bago lumabas ng Bilibid, kailangan niya munang manumpa sa gobyernong Amerikano ngunit siya ay tumanggi. Dahilan upang muli siyang ipatapon sa Hong Kong.

Ang kanyang pangalan ay paulit-ulit na nasangkot sa tuwing may pag-aalsa sa Pilipinas. Upang maging matahimik ang kanilang buhay kasama ang kanyang asawa, sila ay lumipat sa Yokohama, Japan. Habang nasa bansang Hapon, si Ricarte ay nagbukas ng isang maliit na restawran, na ang pangalan ay “Karihan Luvimin” at bumalik sa pagtuturo. Siya din ay sumulat ng librong "Himagsikan Nang manga Pilipino Laban sa Kastila" (Ang Revolution ng mga Pilipino Laban sa mga Espanyol) at inilathala sa Yokohama, Japan noong 1927.

Noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig( World War II) at sinimulang sakupin ng Japan ang Pilipinas, si Ricarte ay bumalik sa Pilipinas upang makatulong sa mga kapwa Pilipino. Noong Disyembre 1944, si Ricarte ay sapilitang nagtayo ng grupong Makapili sa utos ng mga mananakop na Hapon.

Pagkamatay

Bago pa matapos ang Ikalawang Digmaang pandaigdig at natatalo na ang mga Hapon, si Ricarte ay inalok ni Colonel Ota, na lumikas papuntang Japan ngunit si Ricarte ay tumanggi, at nagsasabing:

"Hindi ko kailangang magkubli sa bansang Hapon sa mga oras na ito at kritikal na sandali sapagkat ako ay kailangan ng aking mga kababayan, Mananatili ako rito hanggang sa aking huling hininga”

Dahil sa matinding pagtatago laban sa mga pwersang Amerikano at Filipino na mga umaatake sa kanya sa kadahilanang siya daw ay kakampi ng Bansang Hapon, nagkasakit si Ricarte at noong Hulyo 31, 1945 sa Hungduan, Mountain Province, Ifugao, si Ricarte namatay sa edad na 78. 

Ang kanyang libingan ay natagpuan noong 1954 ng 9 taon mula ng siya ay mamatay na nahukay ng mga Treasure Hunters. Ang kanyang labi ay hinukay at dinala sa Maynila upang ilibing sa Libingan ng mga Bayani.
Noong Abril 2002, sa parehong lugar kung saan siya namatay, naglagay ng isang bantayog ang National Historical Institute sa pamumuno ni Gg. Ambet Ocampo kasama ang isang apong babae ni Artemio Ricarte na si Gng. Teodoro.

Salaysay ng kasaysayan

  • Noong 1972, ang isang bantayog ang itinayo para kay Artemio Ricarte sa Yamashita Park sa Yokohama, Japan
  • Ang bahay kung saan ipinanganak si Artemio Ricarte ayginawang Pambansang dambana sa Batac City,
  • Isang bantayog din ang inilagay sa Poblacion, General Trias, Cavite para kay General Artemio Ricarte para sa mga naging laban at mga mabuti niyang nagawa sa Cavite

Wednesday, February 3, 2010

Felipe Calderon




Si Felipe Calderon ay isang abogado at edukador na nagkaroon ng mahalagang papel sa kasaysayan ng bansa. Siya ang awtor ng Konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas lalong kilala sa tawag na Konstitusyon ng Malolos.

Siya ay isinilang sa Santa Cruz de Malabon (ngayon ay Tanza, Cavite) noong ika-4 ng Abril, 1868. Pangalawa siya sa anim na anak nina Jose Calderon at Manuela Roca, isang mestisang Kastila-Filipina na taga-Santa Ana, Maynila. Ang pinakamatanda niyang kapatid ay si Fernando Calderon na isang doctor, naging Direktor ng Philippine General Hospital at naging Dekano pa rin ng Kolehiyo ng Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas.

Nagtapos si Felipe ng elementarya sa isang pribadong paaralan. Sa kabila ng kanilang kahirapan ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Naglalakad siya sa pagpasok araw-araw nang nakapaa. Kipkip niya ang kanyang tsinelas at saka lamang niya ito isinusuot pagdating sa paaralan. Dahil sa kanyang angking talino ay malugod sa kanya ang mga·paring Hesuita kava siya ay binigyan ng iskolarsyip na pati ang tirahan at pagkain ay libre.

Natapos niya ang kursong Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila. Nais ng kanyang ina na siya ay maging pari subalit ang nais niya ay maging abogado siya. Pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas para mag-aral ng abogasya. Nagtrabaho siya sa iba't ibang pahayagan subalit hindi siya nagtatagal sa kanyang gawain dahil sa kanyang damdaming makabayan. Tulad halimbawa, sa isang pagkakataon nang siya ay isa sa bumubuo ng pamunuan ng pahayagang La Opinion, nang malaman niyang si Wenceslao Retana, isang anti-Filipino ay darating upang siyang maging editor ng pahayagan, nagbitiw siya sa kanyang tungkulin kahit alam niyang kailangang-kailangan niya ang trabaho. Para sa kanya higit na mabuti na mawalan ng trabaho kaysa makasama sa trabaho ang isang kaaway ng mamamayang Pilipino.

Upang may pagkakitaan, nagturo siya ng mga anak ng mayayaman. Sobrang hirap ng trabaho at kakulangan sa pagkain ang nagpahina sa kanyang katawan. Nang magpatingin siya sa doctor, sinabi sa kanya na dapat siyang magpahinga, at kung hindi siya ay magkakasakit ng tuberculosis. Nabigyan siya ng pagkakataong mangibang bansa nang bigyan siya ng isang mayamang mangangalakal ng pera na ginamit niya sa pagpunta sa Hong Kong, Singapore at India.

Nang siya ay magbalik sa Pilipinas, nanirahan siya sa Bauan, Batangas kung saan ay napangasawa niya si Josefa Amurao, anak ng isang mayaman. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Taong 1893 nang tanggapin niya ang katibayan ng pagtatapos sa Licentiate Jurispundencia. Naglingkod siya sa tanggapan ni Cayetano

Arellano at nang sumunod na taon ay nagpraktis ng Batas sa Cavite.

Muli siyang nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas ng mga kurso sa Pilosopiya, Literatura at mga likas na Agham (Chemistry, Mathematics at Physics). Hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral dahil sa pagsiklab ng Himagsikan.

Isa si Calderon sa mga inaresto at nakulong sa Fort Santiago pagkatapos ng Unang Sigaw sa Balintawak bagama't madali rin siyang nakalaya. Sa kanyang paglaya ay bumalik siya sa Maynila at namuhay nang tahimik kasama ng kanyang pamHya.

Mayo, 1898 nang mabalitaan niyang nagballk na si Emilio Aguinaldo sa Cavite mula sa Hong Kong. Pinuntahan niya ito at inalok ang kanyang tulong. Agad namang tinanggap ito ni Aguinaldo. Madali siyang itinalaga ni Aguinaldo bilang delegado ng Palawan sa Kongreso sa Malolos na ginanap sa simbahan ng Barasoain. Tatlumpung taong gulang pa lamang siya noon suhalit kinilala na ang kahusayan niya sa siyensiya na pamamahala at Batas.

Sinulat ni Calderon ang burador (draft) ng Konstitusyon at isinumite sa Kongreso. Pinagtibay naman ito sapagkat nakahihigit daw ito sa Constitutional Program of the Philippine Republic na ginawa ni Apolinario Mabini.

Ito ang dahilan kung bakit ibinigay sa kanya ang karangalan bilang Ama ng Malolos Constitution. Ang pagpapatibay sa "Constitutional Draft" na ginawa ni Calderon ay nilagdaan ni Aguinaldo noong Enero 21, 1899.

Sa kabila ng pagiging abala niya bilang isang abogado, nagsulat din siya ng talambuhay ng kanyang mga kaibigan tulad nina Jose Ma. Basa at Lorenzo Guerrero. Sumulat din siya ng mga sanaysay pangkasaysayan tulad ng kinilalang El Mas de Agosto en la Historia Patria (1896-1906), Documentos para Historia Fillpinas, Los Ultimos Dia del Regimen Español en Filipinas. Ang pinakarnahusay niyang sinulat pangkasaysayan ay ang Mis Memorias Sabre la Revolucion na nalimbag at nalathala sa anyong aklat.

Si Calderon tulad ni Rizal ay mahilig sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1905 ay itinatag niya ang Asosacion Historia de Filipinas. Noong 1904 ay itinatag niya ang Sarnahan ng mga Mananagalog (Association of Tagalog Writers) sa tulong ng mga kilalang rnanunulat na Tagalog. Ang layunin ay palaganapin ang wikang Tagalog. Matibay ang kanyang paniniwala na Tagalog at hindi Kastila o Ingles ang dapat na maging wikang pambansa ng mga Pilipino.

Pagkatapos ng dalawang taon, nagtatag nanaman siya ng sarnahan para sa proteksyon ng mga sanggol na tinawag na La Proteccion de la Infancia. Sa larangan ng edukasyon, ang tanging kontribusyon ni Calderon ay ang pagkakatatag ng Escuela de Derecho (School of Law) sa Maynila na siyang unang kolehiyo sa Batas dito sa Pilipinas. Dito ay nagturo siya ng Batas. Nagturo din siya sa Liceo de Manila at Institute de Muheres ng kasaysayan, ekonomiks, sosyolohiya, algebra at matematika.

Dahil sa maagang namatay ang kanyang asawa, muli siyang ikinasal sa isang maganda at batang-batang istudyante niya sa Escuela Derecho. Nagkaroon siya ng dalawang anak na babae na ang mga pangalan ay Concepcion at Cruzing. Hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay, nahanatili siyang mapagbasa at manunulat ng mga artikulong makabayan. Kahit na may karamdaman na at ipinagbawal ng doctor ang pagbabasa, nagbabasa pa rin siya.

Binawian siya ng buhay sa St. Paul Hospital, Maynila noong Hulyo 6, 1908 sa gulang na 40 lamang. Ang kanyang maagang pagpanaw ay ipinagluksa ng kanyang mga kaibigan na sina Rafael Palma, Justice Florentino Torres, Teodoro M. Kalaw at Sergio Osmeña.

Tuesday, December 1, 2009

Benigno "Ninoy" Aquino Jr.



Si Benigno Servillano Aquino Aquino, Jr., mas kilala bilang Ninoy Aquino o Benigno S. Aquino, Jr., ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila (na matapos ay ipinangalang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino bilang parangal sa kanya) pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya ipinatapon. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagka-Pangulo ng kanyang maybahay, si Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong rehimeng Marcos. Ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. May mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si Aquino sa kanyang huling hantungan. Ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong 2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si Noynoy Aquino. At siya ay isa rin sa mga bayani ng Pilipinas. Ang kanyang bantayog ay makikita sa Lungsod ng Makati.

Si Ninoy ay ipinanganak noong ika-27 ng Nobyembre, 1932. Siya ay anak ng dating Assemblyman Benigno Aquino, Sr. at Aurora Aquino-Aquino ng Tarlac. Si Ninoy ay 17 taong gulang lamang ng matanyag sa pagiging isang korespondent ng digmaan sa Korea. Naging pinakabatang nahalal na punong-bayan sa Concepcion, Tarlac. Siya rin ay naging katidong teknikal ng mga pangulong sina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia. Noong panahon ng panunungkulan ni Diosdado Macapagal si Ninoy ay umanib sa Partido Liberal. Siya ang naging pangkalahatang kalihim ng partido na naging daan upang siya ay mahalal na pinakabatang senador noong 1967.

Nang ideklara ang Batas Militar (Martial Law), si Ninoy ay dinakip at nakulong ng maraming taon. Siya ay nagkaroon ng sakit sa puso at pinahintulutan naman na maoperahan sa Estados Unidos. Dahil sa pagnanasang maglingkod sa bayan at sambayanang Pilipino, bumalik si Ninoy sa Pilipinas. Subalit sa kanyang pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang mga adhikain sapagkat pagtuntong pa lang niya sa paliparan ng MIA, siya ay binaril at nalugmok sa Tarmac. Ang kanyang pagkamatay noong Agosto 21, 1983 ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng taong-bayan.

Nag-alsa ang milyung-milyong Pilipino at ito ay tinaguriang "People Power." Napatalsik ang dating Pangulong Ferdinand Marcos at iniluklok ang maybahay ni Ninoy na si Corazon Cojuangco Aquino bilang pangulo ng bansa.


Monday, November 30, 2009

Andres Bonifacio



Si Andres Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.


Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tundo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Melsic subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.


Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de japon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.


Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa himagsikan at digmaan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kanyang itinatag. Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang mangagawa ang pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).


Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may isang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.


Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulong Hari ng Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong Agosto 23, 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang mga cedula.


Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director).


Nang sinubukan ng mga miyembro ng lupon ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang kakayahan ni Andres Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil. Ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaki na si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng Mayo, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis). Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang labi niya.

Sunday, November 29, 2009

Marcelo H. Del Pilar



Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangngalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal at La Frailocracia Filipina. Isinulat rin niya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapangabusong prayle.

Talambuhay

Isinilang si del Pilar sa isang nayon sa Kupang, Bulacan, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaitan. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Marianas noong 1872.

Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Jose at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880.

Naging isang mabuting manananggol si del Pilar. Ar naging dalubhasa sa paghawak ng arnis at pagtugtog ng biyulin, piyano at plawta. Nakilala rin siya sa sagisag na Plaridel, na dinakila at kinilala bilang isang mahusay na dakilang propagandista. Noong 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga pari at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya. Pagdating sa Espanya ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat.

Namatay siya sa sakit na tuberculosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona sa gulang na 46.

Tuesday, November 17, 2009

Wenceslao Q. Vinsons





Si Wenceslao Q. Vinsons ay naging Gobernador at tinitingalang lider ng mga gerilya sa Bicol ay isinilang noong Septyembre 28, 1910 sa Camarines Norte. Matalino siyang anak nina Gabino Vinzons at Engracia Quinito. Naging masigasig na estudyante si Wenceslao mula pagkabata. Tinapos niya ang elementarya sa maliit na bayan ng Indan at naging valedictorian siya ng Camarines Norte High School.

Ang buhay sa kamaynilaan ay totoong pakikipagsapalaran. Ipinakita ni Wenceslao ang talino niya nang makapasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Inihalal siya dito bilang presidente ng Student Council at tinanghal na Editor-in-Chief ng Philippine Collegian. Tinapos niya sa nasabing unibersidad ang Bachelor of Laws.

Noong 1933 ay pumangatlo siya sa bar examination. Ang kagalang-galang na katauhan at ang tayog ng kaisipan ay naging puhunan niya upang maging delegado siya sa Constitutional Convention noong 1934. Sa gulang na 23, nahalal siya bilang namumukod tanging kabataan sa larangan ng pulitika.

Ang pagiging pulitiko at tagapaglingkod sa bayan ay nagkakaugnay. Kapag nagtagumpay ka sa pulitika ay higit na malawak ang maitutulong mo sa mga tao. Ito ang naging panuntunan ni Wenceslao kaya batang-bata pa lang ay tumulong na siyang sumuporta sa mga lider kandidato ng bansa. Sa labanang Aguinaldo bersus Quezon bilang pangulo, masigasig niyang ikinampanya si Aguinaldo. Sa init ng kabataan ni Wenceslao, may mga pagkakataong nadadarang siya sa sining ng pagtatalumpati kaya nahahabla sa libelo at sedisyon. Sa sistematikong pagpapaliwanag niya sa hukom ay lagi at lagi siyang naaabswelto.

Ang katapatang maglingkod sa bayan ang naghatid sa kaniya upang mahalal na Gobernador ng Camarines Norte noong 1940.

Nang dumating ang mga Hapon noong 1941 ay nanawagan si Wenceslao sa mga boluntaryong nais sumama sa grupo ng mga gerilyang itinatag niya. Naniniwala siyang kailangan ang sariling sikap upang labanan ang mga mandirigmang kaaway ng bayan. Bilang isang tunay na lider, gusto niyang pangalagaan ang mga kababayan na nasasakupan sa mga oras ng kagipitan. Ipinag-utos ng Gobernador sa lahat ng may nakaimbak na palay at mais na mamahagi ng mga produkto sa bawat pamilyang nangangailangan nito.  Pinagbawalan niya ang mayayamang mangangalakal na huwag magtamasa ng sobrang tubo sa anumang bagay na ipinagbibili nila. Ang mga may karamdaman naman para sa kaniya ay dapat lang kaagad malunasan ng libreng gamot at instrumentong pangmedisina lalo na sa panahon ng giyera.

Para kay Wenceslao, kung sa panahon ng kapayapaan ay tumutulong ang gubyerno, lalo itong dapat mamuno sa pag-abot ng kamay sa oras na dinidigma ang mga tao. Sa panahon ng labanan, pinagbuklud-buklod ng Gobernador ang mga damdamin ng mga kababayan niya. Pinagsama-sama niya ang mga puso ng mga gerilya. Maraming kaaway na napatay ang mga tauhan ng abugado. Napalawak niya sa buong kabikulan ang mga tagasunod niya. Sa pakikipagtulungan sa iba pang pinuno ng karatig lalawigan ay nakatikim si Wenceslao ng maraming tagumpay sa digmaan. Isa rito ang pagsalakay niya sa mga kulungang panlalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur at Sorsogon kung saan pinakawalan niya ang maraming Pilipino at Amerikanong nabihag ditto.

Ang pasaning krus ay dumating kay Wenceslao nang ituro siya ng isang Makapiling nagngangalang Villaluz bilang lider ng mga gerilya. Sa sobrang galit ng mga Hapon ay pinarusahan ang Gobernador. Tinakot siya ng mga kaaway na papatayin daw kung hindi ibibigay ang listahan ng mga kasamang gerilya na nagsisipagtago sa mga liblib na pook. Inalok ng mga Hapon ang Gobernador na bibiyayaan ng maraming handog itaguyod lang nito ang Co-Prosperity Sphere na itinitindig ng mga singkit. Bigo ang mga Hapon sapagkat nanindigan ang makabayang nagmamahal sa pagka-Pilipino ng mga Pilipino. Sa sobrang galit ni Major Tsuneoka Noburo ay binayoneta ng Hapon ang Gobernador na ikinasawi nito.

Ang katapangan ni Wenceslao Vinzons sa panahon ng kapayapaan at digmaan ay kabayanihang dapat hangaan ng sambayan. Sa panahon ng digmaan, kinalimutan niya ang sariling kapakanan maitindig lamang ang minimithi nating kalayaan. Iyan ang totoong kadakilaan.
           
Para sa mas malawak na kaalaman tungkol kay Wenceslao Q. Vinsons bisitahin ang websayt na ito http://www.freewebs.com/vinzonstree/

Saturday, October 10, 2009

Marcelo H. Del Pilar






Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal en Filipinas at La Frailocracia Filipina. Isinulat rin niya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapangabusong prayle.



Talambuhay


Isinilang si del Pilar sa isang nayon sa Kupang, San Nicholas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaytan. Hilario ang dating apelyido ng pamilya niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isina-Kastila bilang pagsunod sa kautusan ng Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872.

Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas, Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Toksohan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia Filipina.nakipag tulungan si marcelo sa kaniyang mga kakampi upang mapatalsik nila ang mga kalaban.


Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin ang mga prayle sa Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang pambayang demonstrasyon at iniharap sa Gobernador ng Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni José Rizal kagaya ng Noli Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo.

Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat pampulitika ng La Asociacion Hispano-Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino) noong Enero 12, 1889, isang samahang pambayan na binubuo ng mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig ng Kilusang Propaganda. Naglathala din siya ng mga liberal at progresibong artikulo at sanaysay na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas.

Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi kumakain at may panahong hindi natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may panahong namumulot siya ng mga nahithit na sigarilyo sa mga daan. Ang pondo para sa pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong pinansyal na dumarating mula sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong Nobyembre 15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas. Namatay siya sa sakit na tuberkulosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 46.


Thursday, September 17, 2009

Vito Belarmino



Si Heneral Vito Belarmino na taga Silang Cavite ay anak nina Severino Belarmino, pulitiko at ang maybahay nito na si Damiana Loyola..

Masigasig na tinuruan si Vito ng pundasyon sa pag-aaral sa mismong bahay nila kaya nang handang-handa na sa pormal na edukasyon ay ipinadala siya sa Letran. Sa kasamaang palad, pinatigil siya sa pag-aaral nang may lumaganap na nakahahawang peste sa kamaynilaan.

Ang hindi natutuhan nang matagal sa paaralan ay dinaan ni Vito sa pagbabasa at pag-oobserba. Para sa kaniya, ang kahandaang maglingkod sa bayan ang kaganapan ng katalinuhan. Sa praktikal na pananaw na ito ay matapang niyang pinasok ang trabahong pampamahalaan. Matagumpay niyang nagampanan ang mga pusisyong tulad ng teniente mayor, cabeza de barangay, gobernadorcillo at husgado ng kapayapaan.

Ang papel na ginampanan ni Vito bilang rebolusyonaryo ay kahanga-hanga. Isa siya sa mga sumalakay sa kumbento at sa grawdiya sibil ng Silang. Walang takot din siyang rumapido sa Infantry Battalion 72 ng mga Kastila sa Talisay, Batangas. Sa katapangang ipinakita, ibinigay ni Aguinaldo kay Vito ang pamumuno upang itayo ang gobyerno Militar sa Albay. Siya rin ang naatasang maging Military Commander ng Camarines at Sorsogon. Bilang pinuno ng mga nabanggit na lalawigan, naging mapili siya sa mga taong ilalagay sa tungkulin upang matiyak ang tagumpay ng kaniyang pamamalakad. Sapagkat ginamit niya ang talino ng karanasan, tinanggap ng lahat ang kaniyang itinakdang panuntunan.

Sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, kinakitaan na naman ng katapangan si Vito nang isa siya sa namuno upang labanan si Heneral Willian Kobbe sa Albay. Sa kasamaang palad, nakuha ng Amerikano ang Tabaco at Naga at ang kasamang heneral ni Vito ay sumuko. Galit na galit si Vito sa mga Amerikano. Upang makaganti, nagtayo siya ng sariling grupo ng mga gerilya na lumaban sa mga kaaway sa buong kabikulan.

Matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano, muling nagbalik si Vito sa lalawigang kaniyang kinalakihan. Lumabo ang paningin niya hanggang sa mabulag noong 1928. Sa gulang na 76 ay sumakabilang buhay ang matapang na Heneral.



Thursday, September 10, 2009

Vicente Lukban







Ang matapang na rebolusyonaryo ay ipinanganak noong Pebrero 11, 1860. Isa siya sa anim na anak nina Don Agustin Lukban at Dona Andrea Rillos ng Labo, Camarines Norte. Nag-aral siya sa Escuela Pia Publica, sa Ateneo at sa Letran.

Naglingkod siya bilang Oficial Criminalista sa Quiapo. Nang magbalik si Vicente sa Camarines Norte ay nanungkulan siya bilang Juez de la Paz.

Bilang mason, itinayo niya ang Logia Bicolano sa kaniyang lalawigan. Bilang magsasaka at negosyante, itinindig niya ang La Cooperativa Popular ng Governador Heneral. Sapagkat tinitingala siya ng masang Pilipino inakala ng mga Espanyol na makukuha niya ang simpatiya ng mga pobreng magsasaka kaya pinaaresto kaagad siya noong 1896 at pinalaya lamang kasama ng iba pang bilanggong pulitikal noong 1897.
Noon lalong naliwanagan si Vicente sa kawalang katarungan ng pamahalaang Espanya. Bilang pag-aalsa, naglingkod siya bilang tagapayo ni Heneral Aguinaldo. Sumama siya dito bilang exile sa Hongkong mula Disyembre, 1897 hanggang Hulyo, 1898. Sa pagbabalik sa Pilipinas ay itinalaga siya bilang Koronel ng mga rebolusyonaryo sa mga lalawigan ng Camarines at Catanduanes.

Sa sistematikong pag-oorganisa sa mga rebolusyonaryong napailalim sa kanya, ginawa siyang Heneral sa Samar at Leyte.

Naging matapang na lider gerilya si Vicente sa digmaang Pilipino-Amerikano sa Samar. Nakasulat sa kasaysayan ang mga panalo niya sa Catbalogan, Catubig at Catarman.

Sa hirap na dinanas ng mga puti sa kamay ni Vicente ay naghandog ng pabuyang limang libong piso ang mga kaaway madakip lamang ang pinuno. Nang sumuko ang isang hepeng Pilipino sa Masbate ay lalong pinag-alab ni Vicente ang mga sundalo upang matapang na lumaban. Pinalakas niya ang organisasyong militar sa Leyte kahit sumuko na sa mga puti si Ambrocio Mojica.

Para kay Vicente, ang pagsuko ay dapat iwasan kung maiiwasan. Para kay Vicente, ang matitibay lamang ang dapat na mabuhay. Sa katapangang ipinakita ni Vicente sa mga oras ng pakikidigma, inirekomenda siya bilang tagapamahalang pangkalahatan sa Bisaya at Mindanao.

Nang madiskubre ni Captain Jackson ang kinaroroonan ni Vicente sa Catarman ay nagkasagupaan ang dalawang pinuno. Kahit nasugatan ang Pilipino ay inagad nitong makatakas upang hindi mahuli ng mga kaaway. Sa kasamaang palad ay nasukol siya ni Lieutenant Strebler noong Pebrero 19, 1902. Ipinabilanggo siya sa Isla de Talim sa Laguna de Bay.

Nang pakawalan siya ng mga Amerikano at unti-unting nagkahugis ang lipunang Pilipino ay pumasok siya sa pulitika. Nagsilbi siyang Gobernador ng Tayabas mula 1912 hanggang 1915. Pamuli siyang nanalo sa kaniyang puwesto noong 1916 subalit nagkakasakit siya at sumakabilang buhay noong Nobyembre 16, 1916.

Ang katapangan sa paglaban, katapatan sa panunungkulan at karangalan sa oras ng digmaan at kapayapaan ay kalakip ng katauhan ni Vicente Lukban. Maituturing siyang totoong bayani ng alinmang kapanahunan.


Wednesday, August 12, 2009

Vicente Lim



Si Vicente ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong Pebrero 24, 1888. May magandang kabuhayan ang pamilyang pinanggalingan niya. Ama niya si Jose Lim, mayamang Tsino at ina naman niya si Antonia Podico, kilalang negosyante.

Bata pa lang ay napahilig na sa mga laro si Vicente. Naniniwala siyang ang malusog na isipan ay dapat itambal sa malusog ding pangangatawan.

Ang pagpapaunlad ng kaisipan ay sinikap alalayan ni Vicente. Lagi at laging pinahahalagahan niya ang pag-aaral. Ang edukasyong primarya ay kinuha niya sa Calamba; ang intermedya ay pinagpaguran niya sa Tanauan at ang hayskul ay tinapos naman niya sa Sta. Cruz.

Una niyang pinangarap ang maging guro kaya tinapos niya ang kursong Edukasyon sa Philippine Normal School noong 1908. Nauwi sa pagsusundalo ang kapalaran ni Vicente noong maipasa niya ang eksamen para sa mga piling-piling kadete ng US Military Academy.  Tinapos niya ang kurso sa West Point noong 1914.

Unang nanungkulan bilang Second Lieutenant sa serbisyo militar ng Estados Unidos si Vicente. Nang maging First Lieutenant ay ipinadala siya sa Iloilo at sa Corregidor. Ang kurso niya sa edukasyon, ang matataas na mga marka niya sa West Point at ang magagandang puna sa serbisyo ay magagandang punto upang mahirang siyang guro sa Philippine Military Academy noong 1916.

Higit na mahihirap na gawain ang binalikat ni Vicente nang ilipat siya ng pwesto sa Sulu, tapos ay sa Zamboanga at nang huli ay sa Fort McKinley sa Rizal. Ang katatagan sa sarili ay naging dahilan upang hirangin siyang Kapitan noong 1922 at Major noong 1923. Sa mga promosyong tinanggap, inisip niyang kailangan pa niyang makapag-aral upang lalong maging eksperto sa siyensiya militar. Dahil dito, pamuli siyang nagpunta sa Amerika at nag-aral sa Infantry School sa Kansas at sa Army War College sa Washington DC. Ang mga pag-aaral na ito ay isinagawa niya mula 1926 hanggang 1929.

Sa pagbabalik sa Pilipinas ay nanungkulan si Vicente bilang ROTC Commandant ng Colegio de San Juan de Letran. Naging ganap siyang Colonel nang magretiro sa serbisyo noong 1936.

Kahit nakapagbigay na ng humigit dalawampung taon sa US Military Service ay batang-bata pa rin si Vicente sa edad na 47 upang mamahinga. Tinanggap niya ang alok na maging Brigadier General sa Philippine Army.

Ang kahusayan at katapangan ni Vicente ay naipakita niya nang pamunuan niya ang ilang pakikipagdigmaan laban sa mga Hapon mula Abucay hanggang Mt. Natib sa Bataan. Kahit kulang sa tauhan at mga pangangailangang militar, nakipaglaban sila nang buong tapang hanggang mapilitang sumuko noong Abril 9, 1942.

Hindi matanggap ni Vicente na iyuko ang ulo sa mga kaaway. May respeto siya sa sarili bilang militar. May paggalang din siya sa sarili bilang Pilipinong nakikipagdigmaan. Kung hindi makuha sa harapan, naniniwala siyang dapat siyang lumaban sa ibang paraan. Kaya naging aktibo siya sa pailalim na pakikipagdigmaan.

Matapos pakawalan sa Concentration Camp ng Capas, Tarlac, nagkunwari siyang pasyente ng Philippine General Hospital upang makapagbigay ng sikretong impormasyong pandigmaan sa mga kapwa niya gerilya.>
Bagama’t walang pinanghahawakang ebidensiya, alam ng mga Hapon na matinik na kaaway si Vicente. Upang makasama nila ang mahusay na Heneral ay inalok dito   ng   mga   Hapon   ang   posisyong   Chief  of Staff.

Hindi masikmura ni Vicenteng panigan ang mga kaaway. Para sa kanya, hanggang kamatayan ang pakikipagdigmaan.

Bilang Kumander ng Fil-American Guerilla, si Vicente kasama ng ilang kapanalig ay nagbalak magdaan sa Marinduque. Plano niyang pulungin ang maraming gerilya doon, palawakin ang mga mandirigma sa mga lalawigan at palihim na sumakay sa submarinong papuntang Australia. Sa kasamaang palad, sa Mindoro pa lamang ay naharang sila ng mga Japanese Naval Patrol. Nahulihan siya sa sasakyang dagat ng baril, radyo at transmiter. Kasama ang mga kaibigang gerilya ay dinala siya sa Mindoro Oriental at inimbestigahan. Nang malaman ng mga Hapon na pinuno siya ng mga gerilya, si Vicente na may sikretong pangalang Edmund P. Ellsworth ay dinala kaagad sa Maynila at ikinulong sa Fort Santiago. Sa nabanggit na kulungan tinanggap ni Vicente ang sobrang pagpapahirap. Alam ni Vicenteng lumalawak na ang sistemang gerilya sa panahon ng digmaan at kaunting panahon na lang ay darating na ang mga Amerikanong magpapalaya sa bansa. Ang bawat pagpapahirap ay taos pusong tinanggap ni Vicente alang-alang sa bayan. Ang kagimbal-gimbal na oras ay dumating nang ilipat sa Bilibid Viejo si Vicente. Mula sa kulungan ay dinala siya kasama ng mga kapanalig sa Sementeryo del Norte at doon tinanggap ang parusang kamatayan.


Bago tanggapin ang pinakamasakit na parusa ay ipinakisabi ni Vicente sa maiiwang asawa at mga anak na nanindigan siya sa ngalan ng pananagutan, karangalan at kabansaan.

Si Vicente Lim ay mapagmahal na asawa, maalahaning ama, dakilang bayani at marangal na Pilipino sa oras ng kapayapaan at sa panahon ng digmaan.





Saturday, January 17, 2009

Candido Tirona




Si Candido ay ipinanganak noong Agosto 29, 1862 sa Kawit, Cavite. Ama niya si Estanislao Tirona at ina niya si Juana Mata.

Habang nag-aaral sa Maynila ay namatay ang ama ni Candido. Kinakailangang huminto siya sa pag-aaral upang mamahala sa malawak na taniman at palaisdaan.

Ang tawag ng pakikidigma ay dumating kay Candido nang itatag ang Katipunan. Nakilala siya bilang kasapi ng Grupo Magdalo na pinamumunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Malapit siya sa Heneral sapagkat nang manungkulan ito bilang Capitan Municipal ng Kawit ay naging konsehal naman si Candido.

Nang mabunyag sa mga Kastila ang Katipunan ay idineklara ni Gobernador Heneral Ramon Blanco ang martial law sa mga lalawigan. Kasama rito ang Cavite. Ang pagpunta ng maraming tropang Kastila sa Maynila ay sinamantala nina Candido upang patanggalan ng armas ang mga Guardia Civil na natira sa Tribunal.

Nang maghalalan sa Kawit ay nanalo si Candido bilang pangulo. Ang dating presidente na si Heneral Aguinaldo ay kinailangang manungkulan bilang Komandante ng labanan.

Sa tapang na ipinakita sa pakikitunggali sa Imus at Talisay ay tinanghal siyang Kalihim Pandigmaan. Sa kanyang balikat naatang ang pagbibigay ng mga pagkain, bala at armas sa mga Katipunerong lumalaban.

Nang minsang umiikot sa bayan-bayan si Candido ay nakarating sa kaniya ang mensaheng sasalakay sa Binakayan ang mga Kastila. Mabilis na nagtulung-tulong sila nina Heneral Emilio Aguinaldo at Heneral Pio del Pilar upang magtayo ng mga trenches upang mahadlangan ang pagsalakay ng mga kaaway.

Noong umaga ng Nobyembre 10, 1896 ay sumalakay nga ang mga Kastila. Ipinagtanggol ni Candido ang kaliwang bahagi ng Binakayan. Hawak ni Heneral Aguinaldo ang sentro at ang kanang bahagi ay suportado ni Hen. Pio del Pilar.

Pinagbabaril ng mga Kastila ang mga Katipunero. Hindi natinag ang mga Pilipino. Sa tuwing tinatamaan ay lalo silang tumatapang. Sa tindi ng labanan ay pinaalalahanan ni Heneral Aguinaldo si Candido na mag-ingat sa pakikipaglaban

Kahit magkakalayu-layo ang pinamumunuang sundalo ng tatlong pinunong Pilipino ay pinag-ibayo nila ang mga estratehiya nila sa pakikidigma. Nang mahawi ng usok ang labanan ay doon lang napag-alamang kung may limampung Pilipinong nangamatay ay daan-daang Kastila naman ang binawian ng buhay sa kahindik-hindik na tunggalian.

Bagama’t nagsasaya ang mga rebolusyonaryong Pilipino sa pagwawagi ay nalulungkot naman ang lahat na kasama pala sa mga naitumbang Katipunero si Candido.

Kahit mayaman ang angkang kinabibilangan, inialay pa rin ni Candido Tirona ang buhay alang-alang sa ikalalaya ng sambayanan.