Thursday, May 21, 2009

Leon Ma. Geurrero III



Si Leon Ma. Francisco Guerrero III ay isang manunulat na gumawa ng isang mahalagang talambuhay ukol kay Jose Rizal, ang The First Filipino, noong 1963. Isinalin din niya mula Espanyol patungong Ingles ang autobiograpiya ni Rizal na may titulong The Young Rizal, at ang Noli Me Tangere (Touch Me Not), 1961 at El Filibusterismo (Subversion), 1965.

Talambuhay

Ipinanganak siya noong 24 Marso 1915 sa Ermita, Maynila at supling nina Alfredo Leon Guerrero at Filomena Francisco, ang unang babaeng parmasyotika. Ang lolo niya ay ang nobelistang si Gabriel Beato Francisco. Samantalang ang kanyang kapatid, si Carmen Guerrero-Nakpil, ay isa ring manunulat. Ang pintor na si Lorenzo Ma. Guerrero ay kanya ring ninuno; ang mga makata at manunulat na sina Fernando Ma. Guerrero at Manuel Guerrero ay kanyang tiyuhin; ang makatang sina Nilda Guerrero-Barranco at Evangeline Guerrero-Zacarias, at ang manunulat at direktor na si Wilfrido Ma. Guerrero ay kanyang mga pinsan.

Siya ay ikinasal kay Anna Coromina noong 1938, at nang siya ay namatay, nagpakasal muli si Guerrero kay Margaret Burke kung saan siya ay may isang anak.
 
Edukasyon

Nagtapos siya ng hayskul noong 1931, at nakuha niya ang kanyang Batsilyer sa Sining, bilang summa cum laude noong 1935 sa Ateneo de Manila. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Batas, bilang summa cum laude sa Philippine Law School at pumasa sa pagsusulit para sa pagkaabogasya noong 1939. Nagsimula siyang magsulat sa kolehiyo bilang myembro ng pahayagan; at habang siya ay nasa paaralang pang-abogasya, sumali siya sa Philippines Free Press.
Mga Akda

    * His Honor, The Mayor, 1934
    * Last Days of Corregidor
    * Passion and Death of the USAFFE, 1943
    * Twilight in Tokyo, 1946
    * We Filipinos, 1984

Mga Parangal

    * Pinakamataas na gantimpala sa Rizal Biography Contest noong 1961
    * Premio Zobel para sa El si y el no (The Yes and the No), 1963
    * doctorate in the humanities, honoris causa mula sa Lyceum of the Philippines, 1971

Ilang araw bago siya namatay noong 24 Hunyo 1982, siya ay ginawaran ng Order of Mabini ni Pres. Ferdinand Marcos.