Rafael "Paeng" Nepomuceno
Si Rafael "Paeng" Nepomuceno ay Filipinong bowler na nasa unang hanay ng pandaigdigang manlalaro, at maibibilang sa isa sa matatagumpay na atletang nag-ambag nang malaki upang sumulong ang bowling sa Filipinas. Kinikilala rin siya bilang pinakamagaling na bowler sa buong mundo nang makamit niya nang anim na ulit ang pandaigdigang kampeonato. Humamig ng mahahalagang parangal si Paeng, at kabilang dito ang medalya ng Legion of Honor mula sa pangulo ng Filipinas at Presidential Medal of Merit. Ginawaran din siya ng limang ulit na "Atleta ng Taon" ng Philippine Sports Association (PSA), at pagkaraan ay nakamit ang PSA Hall of Fame. Kikilalanin din ng Senado at Mababang Kapulungan ng Filipinas si Paeng bilang "Pinakamahusay na Filipinong Atleta sa Anumang Panahon."
No comments:
Post a Comment