Monday, December 24, 2012

Kapitan Juan Pajota



Si Kapitan Juan Pajota ay isang Pilipinong pinuno ng gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 

Kasama siya noon sa Pagsalakay sa Cabanatuan, isang pagkilos na naganap sa Pilipinas noong Enero 30, 1945 sa pagitan ng mga Pilipinong gerilya at mga Bantay Gubat ng Pamahalaan ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos (United States Army Rangers) na nagdulot sa mga pagpapalaya sa mga Amerikanong Bilanggo ng Digmaan (Prisoners of War POWs) na mahigit sa 516, mula sa isang kampo ng bilanggo ng digmaan ng mga Hapones malapit sa Cabanatuan.

Si Kapitan Juan Pajota ay nagmula sa Nueva Ecija, siya ay sumapi sa hukbong Gerilya kung tawagin ay USAFFE, isa siya sa mga kawal na kasama sa tinaguriang Fall of Bataan sa kalaunan siya ay naging pinuno ng mga gerilya.

Matapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumipat si Pajota sa Estados Unidos. Namatay siya nang atakehin sa puso noong 1976.

Isinalarawan ang katauhan ni Kapitan Juan Pajota sa pelikula ni John Dahl noong 2005 na The Great Raid (Ang Dakilang Pagsalakay). Ang batikang aktor na si Cesar Montano ang gumanap bilang Pajota.

Sunday, December 16, 2012

Talambuhay Ni Henry Sy Sr.



Si Henry Sy, Sr  ay ipinanganak noong ika 25 ng  Disyembre 1924 sa Xiamen China. Siya ay isang Chinese Pilipino na negosyante pinangunahan niya ang pagtatatag ng SM Malls, siya din Presidente ng SM Prime Holdings. Siya ang tinaguriang pinakamayaman sa Pilipinas.

Edukasyon

Nagtapos siya sa hayskul sa paaralang Chiang Kai shek College at at nagtapos ng Associate of Arts sa Far Eastern University noong 1950.

Negosyo

Noong 1958, itinatag ni Henry Sy Sr. ang isang maliit na tindahan ng sapatos sa Quiapo , Manila na pinangalanan niyang SM o Shoe Mart.  Noong Nobyembre 1972, ang maliit na tindahan ng sapatos naging SM Quiapo , ang unang SM department store at  December 25, 1985, itinatag niya ang kanyang unang SM Supermall , ang SM City North EDSA .

Mga anak
  • Teresita Sy-Coson
  • Henry Sy, Jr.
  • Hans Sy
  • Herbert Sy
  • Harley Sy

May Kumpanya na pag mamay-ari
  • SM Prime Holdings
  • SM Investments Corporation
  • Banco de Oro Universal Bank
  • Belle Corporation
  • Highlands Prime, Inc

Mga natanggap na awards

  • Management Man of the Year" by the Makati Business Club – 1999
  • Honorary Doctorate in Business Management by De La Salle University in January 1999
  • 40 Richest Filipinos of 2008
  • Forbes magazine Heroes of Philanthropy 2009
  • 1st Chinese-Filipino recipient of the PCE Big Brother of Filipino Entrepreneurs award (2006)
  • 1st Chinese-Filipino recipient of the PRA President's Award (2005)

Wednesday, December 12, 2012

Lakandula



Si Lakandula ay kilala bilang matapang na hari ng Tondo bago pa man dumating ang mga kastila.

Matapang niyang ipinaglaban ang tondo mula sa pananakop ng mga kastila noong 1570.

Kasama sina Rajah Matanda at Rajah Sulayman, ipinagtanggol nila ang Delta ng Ilog Pasig sa panahon ng pananakop ng mga kastila.

Ayon sa Notaryong Espanyol na si Hernando Riquel, ipinakikilala ni Lakandula ang kanyang sarili sa pangalang “Bunao Lakandula” samakatuwid ang kanyang pangalan ay “Bunao”. Nang siya ay maging Kristiyano siya ay binigyang pangalan na “Carlos Lakandula”.  Ang isang pang katawagan kay Lakandula ay “Gatdula”. Siya ay minsang natatawag na “Rajah Lakandula” ngunit ito ay mali sa kadahilanang ang “Rajah” ay kapareho lang naman ng “Lakan”.

Kamatayan

Kakaonti lamang ang mga nasusulat na nagbibigay kaalaman kung kailan namatay si Lakandula. Ngunit ayon kay Scott isang Historian, Umano pumanaw si Lakandula tatlong taon ang nakalipas ng pumanaw si Rajah Matanda kung saan naitalang namatay noong 1572.

Mga Kaanak

Ang lahi ni Lakandula ay halos matatagpuan sa ngayun ay kung tawagin ay probinsiya ng Pampanga siya ay mayroong anim na supling na sina:
  • Don Dionisio Capulong, panganay na anak, ang  Datu ng Candava, at tinatawag na "Batang Dula";
  • Don Magat Salamat, naging Lider ng Tondo kasabay ng kanyang pinsan na si Agustin de Legazpi matapos pumanaw si Lakandula, kung saan pinatay ng mga Espanyol dahil sa kanyang pakikidigma sa mga espanyol sa digmaang Espanyol at mga Lakan noong 1588
  • Don Phelipe Salonga, ang  Datu ng Pulu;
  •  Doña Maria Poloin, ang nag iisang anak na babae , na ikinasal kay Don Alonso Talabos;
  • Don Martin Lakandula, naging Paring Augustinian noong 1590
  • Don Luis Taclocmao (o Salugmoc), napatay noong  1603 sa kasagsagan ng Rebelyong Intsik.

Mga Kaanak sa Bagong Panahon

  • Dating Presidente  Diosdado Macapagal, ama ng dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo
  • Dating Senador  Jovito Salonga
  • Gonzalo Puyat, dating  nangungunang  Industrialista ng bansa
  • Dating Senador Gil Puyat
  • Lea Salonga, isang internasyunal Singer Aktres

Saturday, December 1, 2012

Juan Dela Cruz


Ang Juan de la Cruz ay isang pagsasagisag o katawagan na ginagamit sa Pilipinas upang katawanin ang mga Pilipino. Ito ay halos katumbas ng Uncle Sam at John Doe ng mga Amerikano. 

Kadalasang inilalarawan si Juan dela Cruz na nakasuot ng katutubong Salakot, Barong Tagalog, pantalon, at tsinelas. Ginagamit din ang terminong Juan dela Cruz upang banggitin ang pangkalahatang pag-iisip ng mga Pilipino. Ang katawagang ito ay nilikha ni Robert McCulloch Dick, isang mamamahayag na nagtatrabaho sa Manila Times noong unang bahagi ng ika-1900, pagkatapos niyang matuklasan na palasak ang katawagang ito para sa pangkalahatang Filipino.

Ang pangalan ay galing sa Wikang Kastila na nangangahulugang "Juan ng Krus". Karamihan sa mga Pilipino ay gumagamit ng mga apelyidong Kastila dahil sa 333 taong pananakop nito sa Pilipinas. Malaki rin ang naging papel ng Simbahang Katolika sa pagpapangalan ng mga sanggol, na halos karamihan sa binibinyagang sanggol ay ipinapangalan mula sa mga santo.

Kadalasang tinatawag ng mga aktibista si Juan dela Cruz bilang biktima ng imperyalismong Amerikano, dahil na rin sa dami ng mga karikaturang editoryal noong panahong Amerikano kung saan laging inilalarawan si Juan dela Cruz kasama si Uncle Sam.