Showing posts with label Aktres. Show all posts
Showing posts with label Aktres. Show all posts

Monday, November 9, 2009

Melanie Marquez

Melanie Marquez




Si Mimilanie Laurel Marquez ay isang artista sa telebisyon at pelikula dito sa Pilipinas. Ngunit bukod dito, siya ay isa ring prodyuser, manunulat ng kanyang libro, at nag-eendorso rin ng mga produkto. Bago mag-artista, siya ay nanalo sa Miss International at naging isang modelo. Taong 1979 nang siya ay lumaban sa ibang bansa dala-dala ang pangalan ng Pilipinas at nagwagi ng 1979 Miss International sa Tokyo, Japan.

Matapos noon, ipinagpatuloy naman niya ang kanyang karera sa pamamagitan ng pagpasok maging sa pagmomodelo sa iba't ibang larangan, na naglagay sa kanya bilang modelo maging sa harapan ng mga magasin sa loob at labas ng bansa. Hindi naglaon, napabilang siya bilang isa sa mga supermodel sa buong mundo, nilakbay niya ang Estados Unidos at Europa, pero nagbalik din siya.

Gloria Diaz

Gloria Diaz





Si Gloria Aspillera Diaz o mas kilala bilang si Gloria Diaz sa mundo ng telebisyon at pelikula sa Pilipinas ay kinikilalang isang mahusay na aktres. Bago siya maging isang premyadong aktres, siya muna ay nakilala bilang kauna-unahang Pilipina na nagwagi at nakapag-uwi ng korona ng Miss Universe

Thursday, October 1, 2009

Nida Blanca (Dorothy Jones)

Nida Blanca




Si Dorothy Acueza Jones ay mas kilala bilang si Nida Blanca. Siya ang tinaguriang Debbie Reynolds ng Filipinas. Hindi lamang sa husay sa pag-arte hinangaan ang aktor na ito kundi maging sa pagsayaw. Nagluksa ang industriya ng pelikulang Filipino nang biglang paslangin ito ng mga di-kilalang salarin.