Tuesday, April 21, 2009

Gilbert Teodoro



Si Gilberto "Gilbert" Teodoro, Jr. ang bagong hirang na Kalihim ng Kagawaran ng Pambansang Depensa (Department of National Defense).

Talambuhay at Edukasyon

Si Teodoro ang nag-iisang anak nina Gilberto C. Teodoro, Sr., dating tagapamahala ng Social Security System, at ni Mercedes Cojuangco, dating miyembro ng Batasang Pambansa. Si Teodoro ay madalas iniuugnay sa kanyang tiyuhing si Eduardo Cojuangco, Jr., pinuno ng San Miquel Corporation.

Pagkatapos ng sekundaryang edukasyon sa Xavier School, siya ay maagang pumasok sa politika nang maging presidente ng Kabataang Barangay sa Tarlac noong 1980, at sa Kabataang Barangay Federation ng Gitnang Luzon noong 1985. Siya ay naging miyembro rin ng Sangguniang Panlalawigan ng Tarlac mula 1980 hanggang 1986.

Nagtapos si Teodoro ng kursong Bachelor of Science in Commerce, Major in Financial Institutions sa De La Salle University noong 1984. Nakakuha rin siya ng kursong abogasiya sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan siya ginawarang ng Dean's Medal for Academic Excellence. Nanguna si Teodoro sa bar exams noong 1989, bilang pinakabatang nanguna sa bar sa buong bansa.

Sa loob ng pitong taon, nahasa ang kanyang galing sa pagiging abogado sa EB Mendoza Law Firm. Matapos ang pitong taong karanasan, kumuha siya ng masteral degree sa Harvard Law School sa Estados Unidos. Nakapasa siya ng New York State Bar exams noong 1997.

Si Teodoro ang asawa Monica Louise Prieto, kinatawan ng Tarlac, at ama ni Jaime Gilberto Teodoro.

Karera

Siya ang pinakabatang kalihim na pumuwesto sa kagawaran sa edad na 43, nang siya ay hinirang noong Agosto 2007. Bilang pinuno ng Kagawaran ng Pambansang Depensa, siya ay nagsikap sa paggawa ng mga reporma upang gawing responsibo ang depensa at militar sa mga pangangailangan at hangarin ng mga Pilipino.

Bago siya naging kalihim, siya ay tumayong kinatawan ng unang distrito ng Tarlac sa tatlong magkakasunod na termino mula 1998. Sa kapulungan, nakuha niya ang puwestong Assistant Majority Leader (Ikalabing-isang Kongreso) at pinuno ng Nationalist People’s Coalition House Members. Siya rin ay naging miyembro ng House Contingent to the Legislative-Executive Development Advisory Council.
Halalan 2010

Isa si Teodoro sa mga tatakbo sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa darating na pambansang eleksyon sa Mayo 2010.

Kaugnayan

    * Integrated Bar of the Philippines - Miyembro
    * University of the Philippines Alumni Association - Miyembro
    * University of the Philippines Law Alumni Association - Miyembro
    * Harvard Alumni Association - Miyembro
    * Harvard Law Alumni Association - Miyembro
    * Philippine Military Academy Alumni Association - Miyembro
    * Philippine Air Force AC AA - Miyembro
    * Philippine National Police Foundation Inc. - Tagapamahala
    * Philippine Air Force Reserve - Koronel
    * National Defense College - Lecturer
    * AFP, General Command and Staff Course - regular assistant professor
    * Department of National Defense - Kalihim

1 comment:

  1. I recently came across your blog and have been reading along. I thought I would leave my first comment. I don't know what to say except that I have enjoyed reading. Nice blog. Anyway, I'm been looking for topics as interesting as this. Looking forward to your next post.


    -pia-

    http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Ramon_N._Guico%2C_Jr

    ReplyDelete