Showing posts with label Pulitiko. Show all posts
Showing posts with label Pulitiko. Show all posts

Tuesday, September 6, 2011

Manny "Pacman" Pacquiao

Manny Pacquiao





Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, (ipinanganak ng Disyembre 17, 1978), ay isang Filipino na boksingero at pulitiko. Siya ay kilala sa palayaw na "Pacman". Siya ang kauna-unahang boksingero sa kasaysayan ng boksing na naging kampiyon sa walong pangunahing titulo sa pitong iba't-ibang klase ng timbang — Flyweight, Super Bantamweight, Featherweight, Super Featherweight, Lightweight, Light Welterweight and Welterweight. Siya din ang kauna-unahang boksingero na linyal na kampiyon sa apat na iba't-ibang klase ng timbang

 Kampiyon sa:

  • Flyweight
  • Featherweight
  •  Super Featherweight
  • Light Welterweight

Si Pacquiao ang kasalukuyang Kampiyon ng WBO World Welterweight (Super Champion) at Kampiyon ng The Ring Junior Welterweight. Siya din ay naitala sa listahan ng The Ring, ESPN, Sports Illustrated, NBC Sports, at About.com bilang pinakamahusay at pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.

Si Pacquiao ang dating Kampiyon ng IBO World Junior Welterweight, Kampiyon ng WBC World Lightweight, Kampiyon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampiyon ng WBC World Super Featherweight, Kampiyon ng The Ring World Featherweight, Kampiyon ng IBF World Junior Featherweight at Kampiyon ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion.

Ang Rekord ng mga laban ni Pacquiao:

52 Panalo, 3 Talo, 2 Draws, 38 Knockouts

1995

01-22 -- Edmund Enting Ignacio, Mindoro Occidental, Philippines, W 4
03-18 -- Pinoy Montejo, Mindoro Occidental, Philippines, W 4
05-01 -- Rocky Palma, Cavite, Philippines, W 6
07-01 -- Dele Decierto, Mandaluyong, Philippines, TKO 2
08-03 -- Flash Simbajon, Mandaluyong, Philippines, W 6
09-16 -- Arman Rocil, Mandaluyong, Philippines, KO 3
10-07 -- Lolito Laroa, Makati, Philippines, W 8
10-21 -- Renato Mendones, Puerto Princesa, Philippines, TKO 2
11-11 -- Rodulfo Fernandez, Mandaluyong, Philippines, TKO 3
12-09 -- Rolando Tuyugon, Manila, Philippines, W 10

1996

01-13 -- Lito Torrejos, Paranaque City, Philippines, TKO 5
02-09 -- Rustico Torrecampo, Mandaluyong, Philippines, KO by 3
04-27 -- Marlon Carillo, Manila, Philippines, W 10
05-20 -- Jun Medina, Manila, Philippines, TKO 4
06-15 -- Bert Batiller, General Santos City, Philippines, TKO 4
07-27 -- Ippo Gala, Mandaluyong, Philippines, TKO 2
12-28 -- Sung-Yul Lee, Muntinlupa, Philippines, TKO 2

1997

03-08 -- Michael Luna, Muntinlupa, Philippines, KO 1
04-24 -- Wook-Ki Lee, Makati, Philippines, KO 1
05-30 -- Ariel Austria, Almendras, Philippines, TKO 6
06-26 -- Chokchai Chockvivat, Mandaluyong, Philippines, KO 5
09-13 -- Melvin Magramo, Cebu, Philippines, W 10
12-06 -- Panomdej Or Yuthanakorn, South Cotabato, Philippines, KO 1

1998

05-18 -- Shin Terao, Tokyo, Japan, TKO 1
12-04 -- Chartchai Sasakul, Bangkok, Thailand, TKO 8 (Nanalo ng WBC Flyweight Title)

1999

02-20 -- Todd Makelin, Kidapawan, Philippines, TKO 3
04-24 -- Gabriel Mira, Quezon City, Philippines, KO 4
(Retained WBC Flyweight Title)
09-17 -- Medgoen Singsurat, Nakhon Si Thammarat, Thailand, KO by 3
(Pacquiao failed to make weight, lost WBC Flyweight title)
12-18 -- Reynante Jamili, Manila, Philippines, TKO 2

2000

03-04 -- Arnel Barotillo, Manila, Philippines, KO 4
06-28 -- Seung-Kon Chae, Manila, Philippines, TKO 1
10-14 -- Nedal Hussein, Antipolo City, Philippines, TKO 10

2001

02-24 -- Tetsutora Senrima, Manila, Philippines, TKO 5
04-28 -- Wethya Sakmuangklang, Kidapawan City, Philippines, TKO 6
06-23 -- Lehlohonolo Ledwaba, Las Vegas, NV, TKO 6
(Won IBF Super Bantamweight Title)
11-10 -- Agapito Sánchez, San Francisco, CA, Tech Draw 6
(For WBO Super Bantamweight Title) (Retained IBF Super Bantamweight Title)

2002

06-08 -- Jorge Eliecer Julio, Memphis, TN, TKO 2
(Retained IBF Super Bantamweight Title)
10-26 -- Fahprakorb Rakkiatgym, Davao City, Philippines, KO 1 (Retained IBF Super Bantamweight Title)

2003

03-15 -- Serikzhan Yeshmangbetov, Manila, Philippines, TKO 5
07-26 -- Emmanuel Lucero, Los Angeles, CA, TKO 3
(Retained IBF Super Bantamweight Title)
11-15 -- Marco Antonio Barrera, San Antonio, TX, TKO 11

2004

05-08 -- Juan Manuel Marquez, Las Vegas, NV, D 12
(For WBC Featherweight Title)
(For IBF Featherweight Title)
12-11 -- Fahsan (3K Battery) Por Thawatchai, Rizal, Philippines, TKO 4

2005

03-19 -- Erik Morales, Las Vegas, NV, L 12
09-10 -- Hector Velazquez, Los Angeles, CA, TKO 6

2006

01-21 -- Erik Morales, Las Vegas, NV, TKO 10
07-02 -- Oscar Larios, Manila, Philippines, W 12
11-18 -- Erik Morales, Las Vegas, NV, KO 3

2007
04-14 -- Jorge Solis, San Antonio, TX, KO 8
10-06 -- Marco Antonio Barrera, Las Vegas, NV, W 12

2008

03-15 -- Juan Manuel Marquez, Las Vegas, NV, W 12 (Won WBC Super Featherweight Title)
06-28 -- David Diaz, Las Vegas, NV, TKO 9 (Won WBC Lightweight Title)
12-06 -- Oscar De La Hoya, Las Vegas, NV, TKO 8

2009

05-02 -- Ricky Hatton, Las Vegas, NV, KO 2
11-14 -- Miguel Cotto, Las Vegas, NV, TKO 12
(Won WBO Welterweight Title)

2010

03-13 -- Joshua Clottey, Arlington, TX, W 12
(Retained WBO Welterweight Title)
11-13 -- Antonio Margarito, Arlington, TX, W 12 (Won Vacant WBC Light Middleweight Title)
Major World Titles:

    * WBC Flyweight World Champion (112 lbs)
    * IBF Junior Featherweight World Champion (122 lbs)
    * The Ring Featherweight World Champion (126 lbs)
    * WBC Super Featherweight World Champion (130 lbs)
    * The Ring Junior Lightweight World Champion (130 lbs)
    * WBC Lightweight World Champion (135 lbs)
    * The Ring Junior Welterweight World Champion (140 lbs)
    * WBO Welterweight World Champion (147 lbs)
    * WBC Super Welterweight World Champion (154 lbs)

Minor World Title:

    * IBO Junior Welterweight World Champion (140 lbs)

Lineal Championship Titles:

    * Lineal Flyweight World Champion (112 lbs)
    * Lineal Featherweight World Champion (126 lbs)
    * Lineal Super Featherweight World Champion (130 lbs)
    * Lineal Light Welterweight World Champion (140 lbs)

Regional/International Titles:

    * OPBF Flyweight Champion (112 lbs)
    * WBC Super Bantamweight International Champion (122 lbs)
    * WBC Super Featherweight International Champion (130 lbs)

Special Titles:

    * WBC Emeritus Champion
    * WBC Diamond Champion
    * WBO Super Champion

Si Pacquiao ang kinakatakutan ni Floyd Mayweather Jr. na makalaban sa ring. Laging binabanggit ni Mayweather ang pangalan ni Pacquiao sa tuwing pinapanayam ito ng mga reporter. Ngunit kapag hinamon ni Pacquiao ng laban sa ring, agad nakakapag-isip si Mayweather ng mga dahilan at plano upang maiwasan kalabanin si Pacquiao.
Sa nakalipas na May 7, 2011, si Pacquiao ay matagumpay na naidepensa ang kanyang titulo bilang WBO World Welterweight champion laban kay Shane Mosley sa pamamagitan ng unanimous decision sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Estados Unidos.

Sinabi ni Bob Arum na ang susunod na laban ni Pacquiao ay sa MGM Grand ulit na mangyayari sa  November 5, 2011 o kaya sa Thomas and Mack Center sa November 12, 2011. Haharapin niya sa ikatlong pagkakataon si Juan Manuel Marquez

Kasalukuyang nag eensayo si Pacquiao para sa nalalapit niyang laban kay Juan Manuel "El Dinamita" Marquez

Friday, March 26, 2010

Manuel A. Roxas



Si Manuel Acuna Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko sa Pilipinas. Siya ay nagsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas mula Mayo 1946 hanggang sa kanyang kamatayan noong Abril 1948.
Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. 

Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. 

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio Osmena. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. 

Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base. Siya ay sinundan ni Elpidio Quirino.

Monday, March 22, 2010

Cory Aquino



Si María Corazón Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (Enero 25, 1933—Agosto 1, 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabingisang pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992).At tinaguriang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. 

Siya ay kabiyak ni Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino.

Pumanaw ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino noong Agosto 1, 2009 sa edad na 76. Nilibing siya noong Agosto 5, 2009. Tinuturing siyang Bayani ng sa ika-5 ng Agosto. Siya itinuturing na Bayani ng Rebolusyong EDSA ng 1986 na nagbalik sa malayang pamamahala sa Pilipinas. Bagamat nagsimula sa buhay politika bilang isang "karaniwang maybahay", kinikilala na siya ngayon ilang isang Simbolo ng Demokrasya sa buong Daigdig. Siya ang biyuda ng martir na si dating Senador Benigno Aquino. Inulan siya ng parangal sa pamamagitan ng mga dilaw na laso at konpeti bilang pagkilala sa kanyang dakilang kabayanihan.

Sunday, March 21, 2010

Jose P. Laurel


 




Si Jose Paciano Laurel y Garcia (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay pangulo ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.

Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915. Siya ay agad namatay . Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.

Saturday, March 20, 2010

Ferdinand E. Marcos



Si Ferdinand E. Marcos ang itinuturing na isa sa pinakamatalinong naging pangulo ng bansa, hindi lamang sa temang akademiko kundi pati sa kanyang ginawa upang mapanitili niya ang sarili sa posisyon sa loob ng mahigit dalawampung taon. Siya ang Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat silang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan.

Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Palagi siyang mayroong karangalang nakukuha magmula sa elementarya hanggang sa magtapos siya ng mataas na paaralan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas Siya nagtapos ng Mataas ng Paaralan noong 1933. Sa pamantasan ding iyon siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso, 1939. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis.

Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate at pagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong Pamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas.
Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo dito, si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo.

Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino at kahusayan ay pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala. Tinanghal siyang lawyer of the year at hinangaan ng mga kapwa abogado.

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naglingkod siya sa hukbong sandatahan ng Pilipinas. Nakasama siya sa Martsa ng Kamatayan at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng digmaan sa Kuta Santiago at Capas, Tarlac. Naging meydor siya bago bumalik sa sibilyang buhay.
Nagsimula ang kanyang pagpasok sa pulitika nang matapos ang digmaan. Kumandidato siya sa pagka- kongresista ng Ilocos Norte at siya ay nanalo. Ang unang pinagtuunan niya ng pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan at sa buong bansa na rin.

Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at naging assistant minority floor leader sa kongreso. Dito niya nakalapit si Daniel Romualdez na pinsan ni Imelda. Sa pamamagitan ni Daniel ay nagkakilala sila ni Imelda na naging Miss Manila (Ginang Maynila). Sinasabi na naging makulay ang pag- iibigan nina Ferdinand at Imelda. Ikinasal sila sa Huwes noong Mayo 1, 1954. Sina dating pangulong Ramon Magsaysay ang nagging ninong nila sa kasal. Tatlo ang kanilang naging anak, sina Imee, Ferdinand Jr. at Irene.  Hindi na napigil ang pag- imbulog ni Marcos sa larangan ng pulitika. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kongresista noong 1957 at senador naman noong 1959. Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulo naman si Eugenio Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas. Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, “Magiging Dakilang muli ang bansang ito!”  Totoo sa kanyang slogan, pinangatawanan ni Marcos ang pagbangon sa bansa mula sa mahirap na kalagayan nito. Nahaharap noon ang bansa sa malalaking suliranin tulad ng kakapusan ng salapi para sa edukasyon , tanggulang bansa, mga pagawain at para sa kalusugan. Gayunman, nakapagpagawa siya ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice.  

Ang mga magsasaka ay nabigyan ng mga kaalamang teknikal ukol sa modernong pagsasaka. Marami rin siyang naipagawang mga kalsada, tulay at School building. Nilabanan niya ang smuggling at sinimulan ang pakikipaglaban sa mga NPA.  Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcos bilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong ito ay unti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng malalaking problemang kinakaharap ng bansa. Tumaas ang presyo ng langis at kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin. Marami ang naghirap at nagutom. Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya at eskandalo.

Nagkaroon ng madadalas at malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng mga estudyante at taong simbahan. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Tulay ng Mendiola.  Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rallyista ang Partidong Liberal o Liberal Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa. Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar (Martial Law). Marami na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda, pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile.  Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa isang referendum noong Enero 19, 1973.  Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa Batas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban sa gobyerno. Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa gobyerno.  Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga tao ang maluhong pamumuhay ni Ginang Imaelda Marcos at ng mga anak nito. Marami ang nagsasabi na sa nararamdamang kahirapan ng bayan ay hindi na dapat namumuhay ang Unang Ginang na tila ba ito ay nasa isang mayamang bansa. Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao. Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga dayuhang mamumuhunan, pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge, Philcite at iba pa. Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan.  Gayunman ay hindi nawala ang takot sa mga mamamayan. Maraming mga opisyal ng pamahalaan at mga military ang kinatakutan ng mga tao adahil umabuso sa kapangyarihan. Lalong nagging mahigpit ang militar sa karapatang pantao. Ipinasara ang mga palimbagan ng diyaryo at magasin pati na ang mga istasyon ng radio at telebisyon. Wala nang maririnig sa radyo at telebisyon ay pawing mga papuri sa gobyerno.  Nagkaroon ng pakunwaring wakas ang Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045 na nilagdaan ni Marcos.

Sa kabila ng pagtatapos ng Martial Law ay hindi nahinto ang paglaganap ng kapangyarihan ng komunista sa bansa. Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng Presidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang kanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1986 at nakalaban niya si Cory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa.  Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman ang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman ng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At naganap ang makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Marcos.  Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga Amerikano sa Estados Unidos upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap sa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino.

Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sa bansa ang kanyang bangkay t inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyang sinilangang bayan. Namatay siya sa gulang na 72.

Friday, March 19, 2010

Manuel L. Quezon




Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan noong 1893.

Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.

Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.

Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.

Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin County, New York noong Agosto 1, 1944 sa gulang na 66. Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.

Thursday, March 18, 2010

Carlos P. Garcia




Carlos Polistico Garcia (1896 - 1971), presidente ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. 

Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939 - 1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.

Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.

Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.  Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.  Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75.

Wednesday, March 17, 2010

Ramon D. Magsaysay



Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramon "Monching" Magsaysay (Agosto 31, 1907 - Marso 17, 1957) ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang sa kanyang kamatayan.

Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.

Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbo ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.

Tuesday, March 16, 2010

Diosdado Macapagal



Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Duktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambodia.

Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal Arroyo, ang kasalukyang presidente ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal Arroyo, at Diosdado Macapagal Arroyo, Jr.

Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sa Pamantasan ng Santo Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.

Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22, 1962, at sa pagbubuo ng Maphilindo.

Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.  Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971.  Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.

Monday, March 15, 2010

Eldipio R. Quirino


Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890 - Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang ikaanim na pangulo ng Pilipinas. Nagsilbi siya mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953.

Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. 

Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.

Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.  Siya ang unang Ilokanong pangulo.

Sunday, March 14, 2010

Emilio Aguinaldo

Emilio Aguinaldo







Ipinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22, 1869 sa bayan ng Kawit, Cavite sa Luzon sa panahong kolonya ng Espanya ang Pilipinas, ang ikapitong anak ng alkalde ng bayan. Sa edad na 15, sa tulong ng isang paring Jesuit, nagpatala siya sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila, kung saan siya nag-aral ng medisina.

Nagbalik si Aguinaldo sa Luzon at tumulong panguiinahan ang isang pag-aalsa na sa kaunting panahon ay nagtaboy sa mga Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng napakasunduan, ipinatapon si Aguinaldo sa Hong Kong noong 1888. Doon pinag-aralan niya ng taktikang pangmilitar ng mga Britanya at nagtipon ng mga armas, at palihim na bumalik sa Luzon ilang taon ang lumipas.

Noong 1895 sumapi si Aguinaldo sa Katipunan, isang lihim na samahan na pinamumunuan noon ni Andres Bonifacio, na may layuning patalsipokkin ang mga Espanyol at palayain ang Pilipinas. Kasama ni Dr. Jose Rizal, inumpisahan niya ang digmaan laban sa mga Espanyol noong 1896, at ginapanan niya ang pamumuno sa kilusan pallgkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. Nakipaglaban ang mga Espanyol sa pamamagitan ng pwersang militar at panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde. Tinanggap ni Aguinaldo ang alok na pera at ginamit ito sa pagbili ng dagdag na armas para sa rebelde sa halip na bumalik sa pagkakatapon.

Noong 1898, nagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano at napikapag-ugnayan si Aguinaldo sa mga Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa una nakatanggap lamang siya ng magkakahalong mensahe, ngunit nakipaglaban kaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga Espanyol kasama ng paglilipat ng maghigit na 15,000 nahuling tropang Espanyol ay si Admiral George Dewey. Gayon pa man, ang pakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay higit na apektado nang hindi sila nagpakita ng kagustuhang tulungan ang Pilipinas na maging malaya at nagsimulang sakupin ang bansa gaya ng ginawa ng mga Espanyol noon. Walang tulong ninuman, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 at inihalal siya ng Kapulungan ng Saling-batas ng Pilinas bilang pangulo noong Enero 1, 1899. Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga tropang Amerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban sa Estados Unidos noong Pebrero 4, 1899.

Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang kanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. Isang malungkot na desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil matapos siyang ipagtanggol ng kanyang mga magigiting na heneral, tulad ni Gen.Gregorio del Pilar, sumuko lamang siya nang hindi lumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko nang matagal na panahon, hanggang 1935 nang ipahayag siya na kakandidato siya bilang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas; tinalo siya ni Manuel L. Quezon sa halalan.

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gumawa si Aguinaldo nakakahiyang pahayag sa radyo ng kanyang pagsuporta sa mga Hapon. Pagkatapos makuhang muli ng mga Amerikano ang Pilipinas, dinakip siya sa pakikipagtulungan sa kaaway, ngunit sa paglilitis nalaman na pinuwersa lamang siya upang gawin ang kanyang mga pahayag (binantaan siya ng mga Hapon na papatayin ang kanyang pamilya), at nalinis din ang kanyang pangalan. Namuhay siyang nakita ang kanyang panghabang-buhay na hangarin, ang kalayaan ng kanyang bansa na natamo noong 1946, at noong 1950 nagsilbi siya ng isang termino sa Council of State bago siya muling namahinga. Namatay siya sa atake sa puso sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod ng Quezon noong Pebrero 6, 1964 sa edad na 94.

Friday, November 27, 2009

Manny Villar



Si Manuel Bamba Villar ay isang pulitiko at negosyante na ipinanganak noong Disyembre 13, 1949 at kabilang sa listahan ng mga pinakamayamang Pilipino ng Forbes Asia noong Oktubre 2007.

Siya ngayon ang kasalukuyang Pangulo ng Senado ng Pilipinas.

Talambuhay

Si Villar ay ang ikalawa sa siyam na anak nina Curita Bamba, isang seafood dealer, at Manuel Montalban Villar Sr., isang empleyado ng gobyerno. Ipinanganak noong Disyembre 13, 1949 sa Moriones, Tondo, Maynila, nagsimula siyang magtrabaho sa murang edad bilang katulong ng kanyang ina sa pagtitinda ng pagkaing-dagat (seafood) sa Divisoria. Sa kanyang pagsusumikap ay siya na rin ang nagpaaral sa sarili. Nagtapos siya ng elementarya sa Holy Child Catholic School noong 1962 at ng hayskul sa Mapua Institute of Technology noong 1966.

Isa pa rin siyang working student pagdating ng kolehiyo bilang seafood trader. Matapos ng ilang taon ay nakatapos rin siya ng undergraduate at master's degree sa Business Administration and Accountancy sa Unibersidad ng Pilipinas. Sinubukan rin niyang magtrabaho sa prestihiyosong Sycip, Gorres, Velayo & Co. (SGV & Co.), ngunit umalis din kinalaunan upang ipagpatuloy ang kanyang negosyong seafood delivery. Sa maikling panahon ay nagtrabaho rin siya bilang financial analyst sa Private Development Corporation of the Philippines, ngunit nagbitiw din agad sa tungkulin at nagsimula ng panibagong negosyo na kaugnay sa construction.

Sa kanyang negosyo sa construction niya napag-isip-isip na simulan ang muling pagtatayo ng isa pang negosyo--ang pagbebenta ng bahay at lupa. Simula noon ay itinuring si Villar bilang isa sa mga haligi ng industriya ng real estate sa Pilipinas.

Buhay pulitika

Noong 1992 ay sinubukan niya ang swerte sa larangan ng pulitika--tumakbo siya bilang Kongresista ng Las Piñas at Muntinlupa, at nanalo. Naatasan naman siya bilang Tagapangulo ng Kongreso noong 1998, at ginamit ang kanyang mga nalalaman sa ekonomiya at pamamahala (management) bilang bahagi ng economic team ng Kongreso.

Pagdating ng 2001 ay sinubukan niyang tumakbo para sa isang posisyon sa Senado, at muling nanalo. Sa suporta ng kanyang mga kapwa senador ay naihalal siya bilang Pangulo ng Senado noong Hulyo 2006. Humawak rin siya ng mga posisyon sa iba't ibang komite.

Bilang politiko, patuloy ang kanyang pagtataguyod ng kahalagahan ng sipag at tiyaga upang maabot ang mga pangarap ng mga Pilipino.

Mga parangal at pagkilalang natanggap

Dahil sa kanyang mga nagawa bilang isang matagumpay na negosyante at pulitiko, tumanggap siya ng iba't ibang parangal at pagkilala mula sa iba't ibang organisasyon:

    * Pangulo, Partido Nacionalista.
    * Itinampok sa Far Eastern Economic Review dahil sa kanyang tagumpay bilang isang negosyante. Kaugnay nito ay naitampok rin ang kanyang talambuhay sa mga sikat na magasin tulad ng Asiaweek, Forbes, AsiaMoney at Asian Business Review.
    * Philippine Jaycess Ten Outstanding Young Men Award, 1986
    * Agora Award for Outstanding Achievement in Marketing Management, 1989
    * Philippine Institute of Certified Public Accountants Most Outstanding CPA, 1990
    * Most Outstanding UP Alumnus, 1991
    * Honoris Causa sa iba't ibang kolehiyo:
          o Doctor of Science, Adamson University
          o Doctor of Humanities, Bataan Polytechnic State College
          o Doctor of Humanities, Bulacan State University
          o Doctor of Humanities, Cagayan State University
          o Doctor of Humanities, Central Luzon State University
          o Doctor of Humanities, Foundation University (Dumaguete)
          o Doctor of Humanities and Entrepreneurship, Laguna State Polytechnic College
          o Doctor of Development Management, Pangasinan State University
          o Doctor of Business Administration, Nueva Ecija University of Science and Technology
          o Doctor of Entrepreneurial Management, Ramon Magsaysay Technological University
          o Doctor of Humanities, Romblon State College
          o Doctor of Public Administration, Tarlac State University
          o Doctor of Humanities, Wesleyan University-Philippines
          o Doctor of Technology in Entrepreneurial Management, WVCST

Thursday, November 12, 2009

Fidel V. Ramos



Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez.


Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Msters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.

Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award.

Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider - opososyon si Benigno S. Aquino Jr.

Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkobsa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa.

Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran.

Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

Wednesday, November 11, 2009

Manuel L. Quezon




Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan noong 1893.


Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.

Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.

Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.

Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin County, New York noong Agosto 1, 1944 sa gulang na 66. Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.



Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.

Tuesday, November 10, 2009

Mar Roxas



Si Manuel "Mar" Araneta Roxas (Ipinanganak noong Mayo 13, 1957) ay isang senador ng Pilipinas na apo ng dating presidente Manuel Roxas at anak ng dating senador na si Gerry Roxas.


Iniluklok siya sa puwesto noong 2004, at nagtamo ng 19,237,888 na mga boto--ang pinakamataas na bilang na nakuha ng sinumang kandidato sa kasaysayan ng halalan sa bansa.


Talambuhay


Si Roxas ay ipinanganak sa Maynila at isa sa tatlong anak nina Judy Araneta at Gerardo "Gerry" Roxas. Ang iba pa ay sina Maria Lourdes at ang namayapang kongresistang si Gerardo Roxas Jr.


Nakapagtapos ng elementarya at hayskul si Roxas sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1970 at 1974, at nakakuha ng antas sa Economics mula sa Wharton School of Economics ng University of Pennsylvania noong 1979. Matapos nito ay nagtrabaho siya sa New York bilang investment banker, at sa Allen and Company kung saan siya ay naging assistant vice president.


Sa kainitan ng isyung politikal sa Pilipinas noong dekada 80, bumalik siya ng bansa noong Disyembre 26, 1985 upang sumanib sa alyansang sumusuporta kay Cory Aquino matapos magtawag ng isang snap election si Ferdinand Marcos. Bilang suporta, isa rin si Roxas sa naglunsad ng mga serye ng talakayan kasama ang mga Amerikanong mangangalakal noong nagpunta si Cory Aquino sa Estados Unidos noong Setyembre 1986.


Noong mamatay ang kanyang kapatid na kongresista na si Gerardo Roxas Jr. sa sakit na kanser, napagdesisyunan ni Mar Roxas na tumakbo sa halalan upang halinhan sa pwesto ang kanyang kapatid.

Buhay pulitika


Bago siya pumasok sa mundo ng pulitika, sinimulan na niya ang pagtataguyod sa mga isyu ng edukasyon, kabuhayan (sa pamamagitan ng small and medium enterprise), kalusugan, at katapatan sa gobyerno.


Nagsimula ang kanyang karera bilang pulitiko sa kanyang pagtakbo bilang kongresista noong 1993, kung saan ginawa niyang panukala ang karapatan sa mura at de-kalidad na mga gamot at pagtatanggol sa mamimili. Sa kanyang termino, naitalaga siya bilang Majority Floor Leader.


Ang ilan sa mga batas na kanyang isinulat bilang miyembro ng Kamara ay ang mga sumusunod:


    * Republic Act No. 8759 - Pagkakaroon ng Public Employment Service Office sa bawat munisipalidad na magsisilbing employment facilitation and information center;

    * Republic Act No. 8748 - Mga pagbabago sa Special Economic Zone Act;

    * Republic Act No. 8756 - Pagtatayo ng regional headquarters ng mga kumpanya upang mahikayat ang mga ito na maglaan ng maraming trabaho para sa mga Pilipino;

    * Republic Act No. 7880 (Roxas Law) - Pantay-pantay na paghahati ng educational capital budget sa lahat ng mga probinsya.


Matapos magsilbi sa Kongreso, naatasan siya noong panunungkulan ni Joseph Estrada bilang kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI). Bilang kalihim ng DTI, isinulong niya ang pagkakaroon ng SME (small and medium enterprise) lalo na sa mga palengke, na itinuturing niya bilang mahalagang bahagi ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Dahil sa pagmumungkahing ito ay tinawag siyang Mr. Palengke. Patuloy pa rin ang kanyang pagtataguyod sa karapatan ng mga mamimili sa pamamagitan ng Presyong Tama, Gamot Pampamilya kung saan nakinabang ang milyun-milyong Filipino na nangangailangan ng mura at de-kalidad na gamot.


Habang naglilingkod bilang kalihim ng DTI, tuloy pa rin ang kanyang pagtataguyod sa karapatan sa edukasyon sa pamamagitan ng paglulunsad ng Personal Computers for Public Schools (PCPS) kung saan nabigyan ang 2,000 pampublikong paaralan ng 30,000 na mga kompyuter sa buong bansa.



Sa kanyang pagtakbo sa Senado, umani siya ng pinakamaraming bilang ng boto ng kahit sinong kandidato at kanya pa ring ipinagpatuloy ang mga programang kanyang nasimulan. Siya ang nagpasimuno sa pagsasabatas ng Republic Act No. 9502, o ang Cheaper and Quality Medicines Act of 2008.

Personal na buhay




Siya ngayon ay ikinasal sa sikat na brodkaster ng ABS-CBN na si Korina Sanchez



Mga parangal na natanggap



    * Kinilala si Roxas noong 1996 ng World Economic Forum bilang isa sa mga Global Leaders of Tomorrow".

    * Kasama si Roxas sa isang lathala ng Asiaweek magazine noong 1999 bilang Political Leader of the New Millenium.

    * Ginawaran siya ng gobyerno ng Singapore bilang panlabing-anim na Lee Kuan Yew Fellow.

    * Ipinagkaloob ng E-Services Philippines noong Pebrero 16, 2007 kay Roxas ang E-Champion Award bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa upang gawing sikat na outsourcing destination ang Pilipinas.

    * Binigyang-parangal rin si Roxas noong Setyembre 18, 2007 ng Palanca Awards Gawad Dangal ng Lahi ni CP Group Chairman Carlos Palanca III, Palanca Foundation Director General Sylvia Palanca-Quirino, at Deputy Director General Christine Quirino-Pacheco bilang pagkilala sa kanyang mga katangian bilang isang lider.

Joseph Ejercito Estrada


Joseph Estrada / Jose Marcelo Ejercito





Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap, ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong Unang Republika.



Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero, at ni Maria Marcelo.

Si Ejército Marcelo ay ipinanganak sa Tondo, ang isa sa mga mahihirap bahagi ng Manila. Siya ay ang anak ng Emilio Ejército, Sr (1898-1977), isang maliit na sweldong pamahalaan kontratista, at María Marcelo (1905-2009), isang maybahay. Siya ang ikawalo sa 10 mga magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Antonio Ejercito (1932-2005), Emilio Ejercito, Jr (George Estregan) (1939-1988), Dr. Pilarica Ejercito, abogado Paulino Ejercito, Petrocinia E. de Guzman, Marita , at Jesse Ejercito.

Asawa niya (ang dating Doktor at unang ginang ng bansa na naporma-senador) na si Luisa Pimentel at nagkaroon ng tatlong anak: Jose Ejercito, Jr. (mas mahusay na kilala bilang "Jinggoy Estrada"; dating Alkalde ng San Juan naporma senador / kasal kay Precy Vitug), Jackie Ejercito (kasal kay Beaver Lopez), at Jude Ejercito (kasal kay Weng Ocampo). Joseph Estrada matugunan ang kanyang asawa Loisa Pimentel habang nagtatrabaho bilang isang katulong sa National Center for Mental Health (NMCH) sa Mandaluyong City.

Siya rin ay may mga anak mula sa apat na sa labas ng matrimonyo relasyon, kasama Joseph Victor "JV" Ejercito (mula sa mga taong tanyag sa lipunan Guia Gómez) na gunawa rin ng pangalan para sa kanyang sarili sa pulitika sa para sumusunod sa mga yapak ng kanyang ama bilang kasalukuyang alkalde ng San Juan City . Pagsanjan, Laguna Mayor Emilio Ramon P. Ejercito III, na kilala sa Philippine Showbiz na si George Estregan, Jr, o ay Ejercito, ay ang kanyang pamangking lalaki.

Sa panahon ng 2000 pagtataluwalagsa pamamaraan, nagkaroon si Estrada ng maraming panlabas ng relasyon at mga anak.



Bilang isang aktor at direktor

Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula.

Bilang pulitiko

Pinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll.



Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.


Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “Three Outstanding Senators of the Year”. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992.


Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Tuesday, July 21, 2009

Juan M. Flavier



Si Juan Martin Flavier ay isang politiko sa Pilipinas. Dati siyang Sekretaryo ng Kagawaran ng Kalusugan at isang senador. Nagsanay siya bilang isang manggagamot at tumanggap ng degri sa medisina mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1960 at may Master sa Kalusugang Pampubliko mula sa Pamantasang Johns Hopkins. Bago maitalaga bilang Sekretaryo ng Kalusugan, naglingkod muna siya para sa mga mamamayan ng baryo sa Nueva Ecija at Kabite. Naging pangulo siya ng Philippine Rural Reconstruction Movement noong 1977. Mula 1978 magpahanggang 1992, siya ang pangulo ng International Institute of Rural Reconstruction.

Edukasyon

Nagtapos siya ng elementarya at ng hayskul sa Lungsod ng Baguio. Tumanggap siya ng duktorado sa pagkamanggagamot mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1960. Nahalal siya bilang isa sa mga Ten Outstanding Young Men of the Philippines noong 1967 dahil sa kaniyang mga nagawa para sa pagpapaunlad ng mga pook na may katayuang rural.

Sa Kaunlarang Panlipunan

Itinuturing na isang pandaigdigang dalubhasa sa pagpapaunlad ng komunidad si Flavier. Naging pangalawang-pangulo siya ng departamento ng kalusugan sa International Institute of Rural Reconstruction sa Silang, Kabite, kung saan naging tungkulin niya ang pagsasanay ng mga tauhan. Nagsilbi rin siya bilang tagapayo sa isang pribadong kumpanya at tatlong tanggapang pampamahalaan ng Pilipinas. Kabilang dito ang Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) o Pararam (pinaikling pangalan ng organisasyon PRRM, at mula sa Pilipinong bigkas ng mga titik na P-R-R-M), ang Presidential Arm on Community Development, ang Department of Social Welfare, at ang Technical Committe on Community Development of the Philippine Senate. Nagtrabaho siya para sa Pararam ng walong taon, kung saan naging pangulo siya nito mula 1967 hanggang 1968.

Pulitika

Noong 1992, itinalaga siya ni Pangulong Fidel V. Ramos para maging Sekretaryo ng Kagawaran ng Kalusugan. Pinasimulan ni Flavier ang iba't ibang mga programang pangkalusugan katulad ng Oplan Alis Disease, Kontra Kolera, Stop TB, Araw ng Sangkap Pinoy, Family Planning at Doctor to the Barrios Program.

Noong 1995, tumakbo siya sa pagka-senador sa ilalim ng tiket ng administrasyon. Muli siyang nahalal bilang senador noong 2001, kung kailan pumangalawa siya sa hanay ng 12 mga nagwaging mga kandidato. Sa Senado, inakdaan niya at tinangkilik ang mga lehislasyong katulad ng Traditional Medicine Law (Batas Pangnakagawiang Panggagamot), Poverty Alleviation Law (Batas na Nagaangat mula sa Kahirapan), Clean Air Act (Batas Pang-malinis na Hangin), at Indigenous People's Rights Act (Batas Pang-karapatan ng mga Mamamayanang Indihena).

Mga aklat

    * Doctor to the Barrios (Manggagamot sa mga Baryo)

Tuesday, April 21, 2009

Gilbert Teodoro



Si Gilberto "Gilbert" Teodoro, Jr. ang bagong hirang na Kalihim ng Kagawaran ng Pambansang Depensa (Department of National Defense).

Talambuhay at Edukasyon

Si Teodoro ang nag-iisang anak nina Gilberto C. Teodoro, Sr., dating tagapamahala ng Social Security System, at ni Mercedes Cojuangco, dating miyembro ng Batasang Pambansa. Si Teodoro ay madalas iniuugnay sa kanyang tiyuhing si Eduardo Cojuangco, Jr., pinuno ng San Miquel Corporation.

Pagkatapos ng sekundaryang edukasyon sa Xavier School, siya ay maagang pumasok sa politika nang maging presidente ng Kabataang Barangay sa Tarlac noong 1980, at sa Kabataang Barangay Federation ng Gitnang Luzon noong 1985. Siya ay naging miyembro rin ng Sangguniang Panlalawigan ng Tarlac mula 1980 hanggang 1986.

Nagtapos si Teodoro ng kursong Bachelor of Science in Commerce, Major in Financial Institutions sa De La Salle University noong 1984. Nakakuha rin siya ng kursong abogasiya sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan siya ginawarang ng Dean's Medal for Academic Excellence. Nanguna si Teodoro sa bar exams noong 1989, bilang pinakabatang nanguna sa bar sa buong bansa.

Sa loob ng pitong taon, nahasa ang kanyang galing sa pagiging abogado sa EB Mendoza Law Firm. Matapos ang pitong taong karanasan, kumuha siya ng masteral degree sa Harvard Law School sa Estados Unidos. Nakapasa siya ng New York State Bar exams noong 1997.

Si Teodoro ang asawa Monica Louise Prieto, kinatawan ng Tarlac, at ama ni Jaime Gilberto Teodoro.

Karera

Siya ang pinakabatang kalihim na pumuwesto sa kagawaran sa edad na 43, nang siya ay hinirang noong Agosto 2007. Bilang pinuno ng Kagawaran ng Pambansang Depensa, siya ay nagsikap sa paggawa ng mga reporma upang gawing responsibo ang depensa at militar sa mga pangangailangan at hangarin ng mga Pilipino.

Bago siya naging kalihim, siya ay tumayong kinatawan ng unang distrito ng Tarlac sa tatlong magkakasunod na termino mula 1998. Sa kapulungan, nakuha niya ang puwestong Assistant Majority Leader (Ikalabing-isang Kongreso) at pinuno ng Nationalist People’s Coalition House Members. Siya rin ay naging miyembro ng House Contingent to the Legislative-Executive Development Advisory Council.
Halalan 2010

Isa si Teodoro sa mga tatakbo sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa darating na pambansang eleksyon sa Mayo 2010.

Kaugnayan

    * Integrated Bar of the Philippines - Miyembro
    * University of the Philippines Alumni Association - Miyembro
    * University of the Philippines Law Alumni Association - Miyembro
    * Harvard Alumni Association - Miyembro
    * Harvard Law Alumni Association - Miyembro
    * Philippine Military Academy Alumni Association - Miyembro
    * Philippine Air Force AC AA - Miyembro
    * Philippine National Police Foundation Inc. - Tagapamahala
    * Philippine Air Force Reserve - Koronel
    * National Defense College - Lecturer
    * AFP, General Command and Staff Course - regular assistant professor
    * Department of National Defense - Kalihim

Friday, February 13, 2009

Lope K. Santos



Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.


Talambuhay

Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.  Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.


Personal

Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero, 1900, at nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.



Pulitika

Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.


Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:

Balarila ng Wikang Pambansa
Banaag at Sikat, isang nobela