Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III (ipinanganak Pebrero 8, 1960), na kilala bilang Noynoy Aquino o Benigno S. Aquino III, ay isang Pilipinong estadista. Siya ang tanging anak na lalaki nina Benigno Aquino, Jr, ang isang senador nabilanggo at napaslang dahil sa paghadlang ng diktadura ng Presidente Ferdinand Marcos, at ng asawang si Corazon Aquino, na nagsilbi bilang pangulo ng Pilipinas mula 1986-1992.
Edukasyon
Nagtapos si Noynoy ng elementarya at sekundarya sa Ateneo de Manila University. Nagtapos din siya ng BA Economics sa nabanggit na unibersidad.
Karera
Siya ay kasapi ng Liberal Party, na siyang bandera ng oposisyon. Siya ay tumakbong kongresista noong 1998 at nagsilbi bilang Kinatawan ng 2nd District ng Tarlac hanggang 2007. Sa kanyang termino, siya ay nagsilbi sa mga sumusunod na komite:
* Civil
* Politikal
* Human Rights (Vice-Chairman),
* Public Order & Security,
* Transportasyon at Komunikasyon,
* Agrikultura,
* Bangko & Financial,
* karapatan sa pagboto at Electoral Reforms,
* Appropriations,
* Natural Resources,
* Trade & Industry (11th Kongreso)
Noong 2007, naihalal siya bilang senador sa ilalim ng Genuine Opposition, isang koalisyon na binubuo ng mga partido tulad ng Liberal Party.
Apilasyon
* Pacific Asia Network - Dating tagapagtaguyod
* Philippine Cooperative Center - Dating tagapagtaguyod
* National Cooperative Movement - Dating tagapagtaguyod
* Philippine Jaycees - Dating Presidente
* August Twenty-One Movement - Tagapagtaguyod
* Vice Chairman Liberal Party of the Philippines
* Secretary General Liberal Party of the Philippines
* Vice-Pres. for Luzon Liberal Party of the Philippines
* Secretary General Liberal Party of the Philippines
* Chairman of the Board Central Luzon Congressional Caucus
No comments:
Post a Comment