Showing posts with label Politiko. Show all posts
Showing posts with label Politiko. Show all posts

Wednesday, December 2, 2009

Benigno "NoyNoy" Aquino III




Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III (ipinanganak Pebrero 8, 1960), na kilala bilang Noynoy Aquino o Benigno S. Aquino III, ay isang Pilipinong estadista. Siya ang tanging anak na lalaki nina Benigno Aquino, Jr, ang isang senador nabilanggo at napaslang dahil sa paghadlang ng diktadura ng Presidente Ferdinand Marcos, at ng asawang si Corazon Aquino, na nagsilbi bilang pangulo ng Pilipinas mula 1986-1992.

Edukasyon

Nagtapos si Noynoy ng elementarya at sekundarya sa Ateneo de Manila University. Nagtapos din siya ng BA Economics sa nabanggit na unibersidad.

Karera

Siya ay kasapi ng Liberal Party, na siyang bandera ng oposisyon. Siya ay tumakbong kongresista noong 1998 at nagsilbi bilang Kinatawan ng 2nd District ng Tarlac hanggang 2007. Sa kanyang termino, siya ay nagsilbi sa mga sumusunod na komite:

* Civil
* Politikal
* Human Rights (Vice-Chairman),
* Public Order & Security,
* Transportasyon at Komunikasyon,
* Agrikultura,
* Bangko & Financial,
* karapatan sa pagboto at Electoral Reforms,
* Appropriations,
* Natural Resources,
* Trade & Industry (11th Kongreso)

Noong 2007, naihalal siya bilang senador sa ilalim ng Genuine Opposition, isang koalisyon na binubuo ng mga partido tulad ng Liberal Party.

Apilasyon

* Pacific Asia Network - Dating tagapagtaguyod
* Philippine Cooperative Center - Dating tagapagtaguyod
* National Cooperative Movement - Dating tagapagtaguyod
* Philippine Jaycees - Dating Presidente
* August Twenty-One Movement - Tagapagtaguyod
* Vice Chairman Liberal Party of the Philippines
* Secretary General Liberal Party of the Philippines
* Vice-Pres. for Luzon Liberal Party of the Philippines
* Secretary General Liberal Party of the Philippines
* Chairman of the Board Central Luzon Congressional Caucus

Tuesday, December 1, 2009

Benigno "Ninoy" Aquino Jr.



Si Benigno Servillano Aquino Aquino, Jr., mas kilala bilang Ninoy Aquino o Benigno S. Aquino, Jr., ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila (na matapos ay ipinangalang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino bilang parangal sa kanya) pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya ipinatapon. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagka-Pangulo ng kanyang maybahay, si Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong rehimeng Marcos. Ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. May mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si Aquino sa kanyang huling hantungan. Ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong 2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si Noynoy Aquino. At siya ay isa rin sa mga bayani ng Pilipinas. Ang kanyang bantayog ay makikita sa Lungsod ng Makati.

Si Ninoy ay ipinanganak noong ika-27 ng Nobyembre, 1932. Siya ay anak ng dating Assemblyman Benigno Aquino, Sr. at Aurora Aquino-Aquino ng Tarlac. Si Ninoy ay 17 taong gulang lamang ng matanyag sa pagiging isang korespondent ng digmaan sa Korea. Naging pinakabatang nahalal na punong-bayan sa Concepcion, Tarlac. Siya rin ay naging katidong teknikal ng mga pangulong sina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia. Noong panahon ng panunungkulan ni Diosdado Macapagal si Ninoy ay umanib sa Partido Liberal. Siya ang naging pangkalahatang kalihim ng partido na naging daan upang siya ay mahalal na pinakabatang senador noong 1967.

Nang ideklara ang Batas Militar (Martial Law), si Ninoy ay dinakip at nakulong ng maraming taon. Siya ay nagkaroon ng sakit sa puso at pinahintulutan naman na maoperahan sa Estados Unidos. Dahil sa pagnanasang maglingkod sa bayan at sambayanang Pilipino, bumalik si Ninoy sa Pilipinas. Subalit sa kanyang pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang mga adhikain sapagkat pagtuntong pa lang niya sa paliparan ng MIA, siya ay binaril at nalugmok sa Tarmac. Ang kanyang pagkamatay noong Agosto 21, 1983 ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng taong-bayan.

Nag-alsa ang milyung-milyong Pilipino at ito ay tinaguriang "People Power." Napatalsik ang dating Pangulong Ferdinand Marcos at iniluklok ang maybahay ni Ninoy na si Corazon Cojuangco Aquino bilang pangulo ng bansa.


Monday, November 30, 2009

Datu Zaldy Ampatuan




Si Datu Zaldy Ampatuan ay ipinanganak noong Agosto 22, 1967. Siya ang kasalukuyang Gobernador ng ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Siya ng dating namumuno sa Lakas-Christian Muslim Democrats for ARMM,ngunit inalis sa pwesto matapos masangkot sa maramihang pagpatay ang kanyang kapatid na si Datu Andal Ampatuan Jr.

Noong ika-8 ng Disyembre 2007, halos umulan ng tig iisang libong piso (P1,000 bills) sa Paliparang Ninoy Aquino o mas kilalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng ang mag amang Andal Ampatuan Sr. at Zaldy Ampatuan ay namigay ng pera na parang Santa Claus bago pa man sila bumiyahe papuntang Jeddah, Saudi Arabia. Tinatayang umabot sa 30 hanggang 40 minutos na sila ay namahagi ng pera.

Sultan Pakung "Pax" Mangudadatu




Si Sultan Pakung "Pax" Mangudadatu ay mas lalong kilala sa pangalang Pax mangudadatu. Siya ay nahirang na Congressman ng unang distrito ng Probinsiya ng Sultan Kudarat. Si Sultan Pax ay pinanganak sa Buluan Cotabato (Buluan, Maguindanao na sa ngayun). Siya ay nagsilbing Mayor ng Lutayan bago siya nahalal na Gobernador ng probinsiya noong 1998.

Si Sultan Pax at si Congressman Angelo Montilla ang nagtatag ng SK UNA Political Party.

Tinalo niya si Sultan Kudarat bise Gobernador Rose Jamison sa pagkandidato sa pagka Gobernador ng kanilang lalawigan at naukit sa kasaysayan na unang Muslim na Gobernador ng lalawigang halos mga Kristiyano ang mga namumuno.

Tumagal ng Siyam (9) na taon ang kanyang panunungkulan bilang Gobernador (1998-2007).

Noong 2004 siya ay nahalal na Congressman ng kanilang lalawigan at pumalit naman sa pagka Gobernador ang kanyang anak na si Datu Suharto Mangudadatu.

Tuesday, November 10, 2009

Epifanio C. de los Santos








Isinilang siya sa bayan ng Malabon noong Abril 7, 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang hasyendero na si Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay tumugtog ng piyano at alpa. Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon ng pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa mga araling akademiko sa Ateneo, ay nag-aral din siya ng musika at pagpipinta. Tinapos niya sa Ateneo ang Bachiller en Artes at pagkatapos ay kumuha ng Law sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Masugid siyang mambabasa ng iba't ibang babasahing pampanitikan lalung-lalo na ng mga nobelang sinulat ni Juan Valera, isang manunulat naKastila at may-akda ng isang nobela ng pag-ibig na kanyang kinalugdan, ang Pepita Jimenez. Dahil sa mahilig siyang magbasa, nagkaroon siya ng malaking koleksiyon ng mga aklat sa Sining at Panitikan. Sa katunayan, ang unang palapag ng kanyang tirahan sa Magallanes, Intramuros ay nagmistulang laybrari na naging tagpuan ng kanyang mga kaibigan na may hilig din sa Sining at pagsusulat tulad nina Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Rafael Palma, Jaime de Veyra at Clemente Zulueta. Isa rin siyang dalubwika natutuhan niya ang mga wikang dayuhan tulad ng Latin, Griyego, Kastila at Pranses.

Itinatag ni Don Panyong (tawag sa kanya) at ng kanyang kaibigang si Clemente Zulueta ang pahayagang La Libertad sa Malabon. Naging editor din siya ng pahayagang La Independencia. Sa pagsusulat sa pahayagang ito ay ginamit niya ang sagisag na G. Salon.

Naging District Attorney siya ng San Isidro, Nueva Ecija at doon din siya naging Kalihim Panlalawigan. Noong 1902 nahalal siyang Gobernador ng Nueva Ecija. Pagkatapos ng dalawang taon ay hinirang siyang miyembro ng Philippine Commission. Naglakbay siya sa iba't ibang bansa tulad ng Pransya, Inglatera, Espanya, Italya at iba pang mga bansa sa Europa upang bumisita sa mga aklatan at museo at mamili ng mga aklat para sa kanyang koleksyon sa sariling aklatan.

Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan - Bulakan at at Bataan. Noong 1918, hinirang siya ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison na Technical Director ng Philippine Census. At noong Mayo 16, 1925 itinalaga siya ni Gobernador Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng Philippine Library and Museum bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na binawian ng buhay.

Dalawang beses nag-asawa si Don Panyong. Ang kanyang unang asawa ay si Ursula Paez ng Malabon at ang pangalawa ay si Margarita Toralba ng Malolos. Ang isa niyang anak sa kanyang unang asawa ang nagmana sa kanya ng mahilig sa kasaysayan at pananaliksik. Nakilala siya bilang mahusay na manunulat ng kasaysayan, talambuhay at kolektor tulad ni Don Panyong.

Kung si Don Panyong ay di magaling na tagapagsalita (speaker) siya naman ay magaling na manunulat. Ang unang nalathalang sinulat ni Don Panyong ay ang Algo de Prosa (1909) isang koleksiyonng mga sanaysay at maikling kuwento. Ilan pa sa kanyang mga sinulatay Uteratura Tagala (1911), El Teatro Tagalo (1911), Nuestra Literatura (1913), El Proceso del Dr. Jose Rizal (1914), at Folklore Musical de Filipinas (1920).


Sinulat din niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Marcelo H. del Pilar, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila mula sa Tagalog ng Florante at Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa panitikang Pilipino.


Isa ring mahusay na musikero si Don Panyong. Mahusay siyang tumugtog ng piyano at gitara. Sa kanyang panahon ay tatlo lamang ang kinikilalang mahusay sa pagtugtog ng gitara sa buong Pilipinas -isa si Don Panyong at ang dalawa niyang kasama ay si Hen. Fernando Canon, isang rebolusyonaryo, at si Guillermo Tolentino, kilalang iskultor.

Mahusay din siya sa pagpipinta, lamang ay hindi niya ito nabigyan ng panahon upang ang kanyang kakayahan ay lalo pang pagyamanin at paunlarin.

Binawian ng buhay si Don Panyong noong Abril 28, 1928 sa Maynila sa eded na 57 dahil sa atake sa utak (cerebral attack). Bilang paggalang sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura, ang Highway 54 na nagdudugtog sa Lungsod ng Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay ipinangalang Abenida Epifanio de los Santos o kilala bilang EDSA.


Gloria Macapagal-Arroyo





Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat at kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.


Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko . Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004.


Isinilang na Maria Gloria Macapal ng pulitikong Diosdado Macapagal, at ng kanyang asawa, Evangelina Macaraeg Macapagal. Siya ay kapatid ni Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr. at Cielo Macapagal-Salgado. Nanirahan siya sa Lubao, Pampanga noong unang mga taon niya kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama. Sa edad na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa ina, sa Lungsod ng Iligan. Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati niya ang kanyang oras sa Mindanao at Maynila hanggang sa siya'y maglabing-isang taon. Mahusay siya sa Wikang Ingles, Wikang Tagalog, Kastila at iba pang wika sa Pilipinas.



Noong 1961, nang si Gloria ay 14 pa lamang, ang kanyang pamilya ay lumipat sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila. Isang bayan ang ipinangalan sa kanya, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption Convent, kung saan ay nakapagtapos siya bilang Valedictorian noong 1964.



Noong 1961, nang si Gloria ay 14 na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama ay nahalal na pangulo ng Pilipinas. Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Malakanyang sa Maynila. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption College at nakapagtapos na valedictorian noong 1964. Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang taon sa Walsh School of Foreign Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na kung saan ay naging kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton at napanatili ang pangalan nito sa talaan ng Dekano. Nakuha niya ang kanyang Batsilyer sa Arte sa Ekonomiks mula sa Assumption College, na kapagtapos na magna cum laude noong 1968. Noong 1968, napangasawa ni Gloria ang isang abugado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo na tubong Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya nang siya ay nasa kanyang kabataan pa lamang. Sila ay may tatlong anak, sina Juan Miguel (1969), Evangelina Lourdes (1971), at si Diosdado Ignacio Jose Maria (1974). Ipinagpatuloy ni Gloria ang kanyang pag-aaral at nakuha ang Master na degree sa Ekonomiks mula Ateneo de Manila noong 1978 at ang Doctoratena degree sa Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1985. Mula 1977 hanggang 1987, humawak siya ng mga posisyon sa pagtuturo sa iba't ibang mga paaralan, gaya ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila.


Noong 1987, siya ay inanyayahan ni Pangulong Corazon Aquino na lahukan ang pamahalaan bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya ay napromote bilang undersecretary pagkatapos ng dalawang taon.



Pangalawang Pangulo

Kinunsidera ni Arroyo na tumakbo bilang pangulo noong pambansang halalang 1998 subalit naimpluwensyahan ni Pangulong Fidel V. Ramos, at pinuno ng ng partido ng administrasyon Lakas-Christian Muslim Democrats na imbes na pangulo ay maging pangalawang pangulo na lamang at ng kandidatong si Ispiker Jose de Venecia, Jr. Nanalo si Arroyo bilang pangawalang pangulo na may malayong agwat, na nakakuha ng higit doble sa sumunod nitong katunggali, ang kandidatong pangawalang pangulo ni Estrada, si Edgardo Angara.

Nagsimula ang termino ni Arroyo bilang Pangalawang Pangulo noong Hunyo 30, 1998, Siya ay tinalaga ni Estrada na maging Kalihim ng Kagawaran ng Pangangalagang Panlipunan at Pagpapaunlad.

Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, upang ilayo ang kanyang sarili mula kay Estrada, na inakusahan ng korupsyon ng kanyang dating tagasuporta sa pulitika na si Chavit Singson, Punong lalawigan ng Ilocos Sur. Noong una ay hindi pa nagsasalita si Arroyo laban kay Estrada, subalit dahil sa mga kaalyado nito, ay sumalina rin ito sa panawagang magbitiw si Estrada sa pwesto.


Pagkapangulo

Noong Enero 20, 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pulitikal at malawakang pag-aaklas, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis ang suporta para kay Estrada. Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr..

Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal ng pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas, ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon.. Noong Marso 2, 2001, ang Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto.

Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Ang kanyang mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si Diosdado Macapagal at si Dra. Evangelina Macaraeg-Macapagal.

Noong Agosto 2, 1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo na nagtapos sa Ateneo Law School noong 1972. May tatlo silang mga anak na sina: Juan Miguel , Evangelina Lourdes , at Diosdado Ignacio