Thursday, September 15, 2011

Artemio Ricarte



Artemio Garcia Ricarte
"Vibora" (Viper)
October 20, 1866 — July 31, 1945

Si Artemio Ricarte ay isang Heneral na filipino ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano. Ikinokosidera din siya bilang Ama ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army). Kilala si Artemio Ricarte bilang Heneral na kailanman ay hindi sumumpa o umayon sa pamumuno ng Amerika sa Pilipinas mula 1898 hanggang 1946.

Si Artemio Ricarte ay ipinanganak sa Batac, Ilocos Norte noong ika-20 ng Oktubre, 1866. Ang Kanyang mga magulang ay sina Faustino Ricarte at bonifacia Garcia. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Batac at nagpatuloy ng pag-aaral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran kung saan siya ay nagtapos ng Batsilyer ng Arte. At nag aral din sa Unibersidad ng Santo Tomas at Escuela Normal kung saan nagtapos siya ng kurso sa pagtuturo. Siya ay itinalaga sa bayan ng San Francisco de Malabon (General Trias, Cavite sa ngayun) upang mag superbisa ng isang paaralang primarya. Habang nasa cavite, nakilala niya si Heneral Mariano Alvarez na isa ring guro at kasali sa Pag-aaklas ng Cavite noong 1872.

Sumali si Artemio Ricarte sa Katipunan sa ilalim ng Koseho ng Magdiwang kung saan siya ay binigyan ng ranggo na Tenyente-Heneral at tinawag sa kapangalang "Vibora".

Ng Matapos ang Rebolusyong Pilipino noong Agosto 31, 1896, pinangunahan ni Artemio Ricarte ang paglusob sa mga natitirang Garison ng mga Espanyol sa San Francisco de Malabon kung saan tinalo niya ang pwersang Espanyol at tinangay ang ilang guwardiya sibil bilang mga Bilanggo ng Digmaan.


Digmaang Pilipino-Amerikano

Noong simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano siya ang Pinuno ng Operasyon(Chief ng Operations )ng pwersang Pilipino sa ikalawang sona sa paligid ng Maynila. Noong Hulyo 1900 siya ay nahuli sa Maynila at ipinatapon sa Guam kasama si Apolinario Mabini.

Pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano

Noong 1903, sina Ricarte at Mabini ay pinapayagang makabalik sa sa Pilipinas sa sa kundisyon na sila ay manunumpa ng katapatan sa bansang Amerika. Dumaong ang kanilang sinasakyang USS Thomas mula sa guam sa daungan ng Maynila. Nang hiniling sa kanila na gawin ang panunumpa, agad tumalima si Mabini sa panunumpa ngunit si Ricarte tumanggi. Dahil doon, si Ricarte ay pinalaya parin ngunit pinagbawalan na makatuntong sa Pilipinas. Ni hindi man lang tumuntong sa lupa si Ricarte ay agad na ipinatapon sa Hongkong sakay ng Barkong "Galic".

Noong Disyembre 1903, si Ricarte ay nagbalik sa Pilipinas bilang isang takas na pasahero sa barkong "Wenshang". Binalak niya na pagsamahing muli sa mga dating mga miyembro ng hukbo na kanyanag nakasama sa Rebosyung Pilipino. Sa pulong sa ilang mga dating kasapi at mga kaibigan, tinalakay niya ang kanyang pangkalahatang plano at ang pagpapatuloy ng rebolusyon. Pagkatapos sinabi niya sa pulong, ang ilan sa mga miyembro na nakaanib na sa mga Amerikano, partikular na ang dating General Pio del Pilar.
Dahil dito, ang gobyernong Amerikano ay naglaan ng pabuya sa sinumang makakahuli kay Artemio Ricarte patay man o buhay sa halagang $10,000.00. Sa mga sumunod na linggo, si Ricarte ay naglakbay sa buong gitnang Luzon at sinusubukang makakuha ng supporta para sa kanyang mga adhikain.

Noong unang bahagi ng 1904, Ricarte ay tinamaan ng isang sakit at siya ay naratay ng halos 2 buwan. Habang nagpapagaling, isang dating kasamahan na si Luis Baltazar ang nagsuplong sa Philippine Constabulary ng kanyang kinaroroonan sa Mariveles, Bataan. Marso 29, 1904, ng si Ricarte ay naaresto at ibinilanggo. Ginugol niya ang anim na taon sa Bilibid, habang nakakulong, siya nakakatanggap mula sa dating mga kasamahan sa rebolusyon at ilang kilalang mga Amerikano kabilang na ang dating Bise-Presidente ng Estados Unidos na si Charles W. Fairbanks.

Dahil sa mabuting asal, si Ricarte ay nagsilbi lamang 6 ng kanyang 11 taon na pagkakakulong. Noong Hunyo 26, 1910 siya ay inilabas mula sa Bilibid Prison. Ngunit bago lumabas ng Bilibid, kailangan niya munang manumpa sa gobyernong Amerikano ngunit siya ay tumanggi. Dahilan upang muli siyang ipatapon sa Hong Kong.

Ang kanyang pangalan ay paulit-ulit na nasangkot sa tuwing may pag-aalsa sa Pilipinas. Upang maging matahimik ang kanilang buhay kasama ang kanyang asawa, sila ay lumipat sa Yokohama, Japan. Habang nasa bansang Hapon, si Ricarte ay nagbukas ng isang maliit na restawran, na ang pangalan ay “Karihan Luvimin” at bumalik sa pagtuturo. Siya din ay sumulat ng librong "Himagsikan Nang manga Pilipino Laban sa Kastila" (Ang Revolution ng mga Pilipino Laban sa mga Espanyol) at inilathala sa Yokohama, Japan noong 1927.

Noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig( World War II) at sinimulang sakupin ng Japan ang Pilipinas, si Ricarte ay bumalik sa Pilipinas upang makatulong sa mga kapwa Pilipino. Noong Disyembre 1944, si Ricarte ay sapilitang nagtayo ng grupong Makapili sa utos ng mga mananakop na Hapon.

Pagkamatay

Bago pa matapos ang Ikalawang Digmaang pandaigdig at natatalo na ang mga Hapon, si Ricarte ay inalok ni Colonel Ota, na lumikas papuntang Japan ngunit si Ricarte ay tumanggi, at nagsasabing:

"Hindi ko kailangang magkubli sa bansang Hapon sa mga oras na ito at kritikal na sandali sapagkat ako ay kailangan ng aking mga kababayan, Mananatili ako rito hanggang sa aking huling hininga”

Dahil sa matinding pagtatago laban sa mga pwersang Amerikano at Filipino na mga umaatake sa kanya sa kadahilanang siya daw ay kakampi ng Bansang Hapon, nagkasakit si Ricarte at noong Hulyo 31, 1945 sa Hungduan, Mountain Province, Ifugao, si Ricarte namatay sa edad na 78. 

Ang kanyang libingan ay natagpuan noong 1954 ng 9 taon mula ng siya ay mamatay na nahukay ng mga Treasure Hunters. Ang kanyang labi ay hinukay at dinala sa Maynila upang ilibing sa Libingan ng mga Bayani.
Noong Abril 2002, sa parehong lugar kung saan siya namatay, naglagay ng isang bantayog ang National Historical Institute sa pamumuno ni Gg. Ambet Ocampo kasama ang isang apong babae ni Artemio Ricarte na si Gng. Teodoro.

Salaysay ng kasaysayan

  • Noong 1972, ang isang bantayog ang itinayo para kay Artemio Ricarte sa Yamashita Park sa Yokohama, Japan
  • Ang bahay kung saan ipinanganak si Artemio Ricarte ayginawang Pambansang dambana sa Batac City,
  • Isang bantayog din ang inilagay sa Poblacion, General Trias, Cavite para kay General Artemio Ricarte para sa mga naging laban at mga mabuti niyang nagawa sa Cavite

Tuesday, September 6, 2011

Manny "Pacman" Pacquiao

Manny Pacquiao





Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, (ipinanganak ng Disyembre 17, 1978), ay isang Filipino na boksingero at pulitiko. Siya ay kilala sa palayaw na "Pacman". Siya ang kauna-unahang boksingero sa kasaysayan ng boksing na naging kampiyon sa walong pangunahing titulo sa pitong iba't-ibang klase ng timbang — Flyweight, Super Bantamweight, Featherweight, Super Featherweight, Lightweight, Light Welterweight and Welterweight. Siya din ang kauna-unahang boksingero na linyal na kampiyon sa apat na iba't-ibang klase ng timbang

 Kampiyon sa:

  • Flyweight
  • Featherweight
  •  Super Featherweight
  • Light Welterweight

Si Pacquiao ang kasalukuyang Kampiyon ng WBO World Welterweight (Super Champion) at Kampiyon ng The Ring Junior Welterweight. Siya din ay naitala sa listahan ng The Ring, ESPN, Sports Illustrated, NBC Sports, at About.com bilang pinakamahusay at pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.

Si Pacquiao ang dating Kampiyon ng IBO World Junior Welterweight, Kampiyon ng WBC World Lightweight, Kampiyon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampiyon ng WBC World Super Featherweight, Kampiyon ng The Ring World Featherweight, Kampiyon ng IBF World Junior Featherweight at Kampiyon ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion.

Ang Rekord ng mga laban ni Pacquiao:

52 Panalo, 3 Talo, 2 Draws, 38 Knockouts

1995

01-22 -- Edmund Enting Ignacio, Mindoro Occidental, Philippines, W 4
03-18 -- Pinoy Montejo, Mindoro Occidental, Philippines, W 4
05-01 -- Rocky Palma, Cavite, Philippines, W 6
07-01 -- Dele Decierto, Mandaluyong, Philippines, TKO 2
08-03 -- Flash Simbajon, Mandaluyong, Philippines, W 6
09-16 -- Arman Rocil, Mandaluyong, Philippines, KO 3
10-07 -- Lolito Laroa, Makati, Philippines, W 8
10-21 -- Renato Mendones, Puerto Princesa, Philippines, TKO 2
11-11 -- Rodulfo Fernandez, Mandaluyong, Philippines, TKO 3
12-09 -- Rolando Tuyugon, Manila, Philippines, W 10

1996

01-13 -- Lito Torrejos, Paranaque City, Philippines, TKO 5
02-09 -- Rustico Torrecampo, Mandaluyong, Philippines, KO by 3
04-27 -- Marlon Carillo, Manila, Philippines, W 10
05-20 -- Jun Medina, Manila, Philippines, TKO 4
06-15 -- Bert Batiller, General Santos City, Philippines, TKO 4
07-27 -- Ippo Gala, Mandaluyong, Philippines, TKO 2
12-28 -- Sung-Yul Lee, Muntinlupa, Philippines, TKO 2

1997

03-08 -- Michael Luna, Muntinlupa, Philippines, KO 1
04-24 -- Wook-Ki Lee, Makati, Philippines, KO 1
05-30 -- Ariel Austria, Almendras, Philippines, TKO 6
06-26 -- Chokchai Chockvivat, Mandaluyong, Philippines, KO 5
09-13 -- Melvin Magramo, Cebu, Philippines, W 10
12-06 -- Panomdej Or Yuthanakorn, South Cotabato, Philippines, KO 1

1998

05-18 -- Shin Terao, Tokyo, Japan, TKO 1
12-04 -- Chartchai Sasakul, Bangkok, Thailand, TKO 8 (Nanalo ng WBC Flyweight Title)

1999

02-20 -- Todd Makelin, Kidapawan, Philippines, TKO 3
04-24 -- Gabriel Mira, Quezon City, Philippines, KO 4
(Retained WBC Flyweight Title)
09-17 -- Medgoen Singsurat, Nakhon Si Thammarat, Thailand, KO by 3
(Pacquiao failed to make weight, lost WBC Flyweight title)
12-18 -- Reynante Jamili, Manila, Philippines, TKO 2

2000

03-04 -- Arnel Barotillo, Manila, Philippines, KO 4
06-28 -- Seung-Kon Chae, Manila, Philippines, TKO 1
10-14 -- Nedal Hussein, Antipolo City, Philippines, TKO 10

2001

02-24 -- Tetsutora Senrima, Manila, Philippines, TKO 5
04-28 -- Wethya Sakmuangklang, Kidapawan City, Philippines, TKO 6
06-23 -- Lehlohonolo Ledwaba, Las Vegas, NV, TKO 6
(Won IBF Super Bantamweight Title)
11-10 -- Agapito Sánchez, San Francisco, CA, Tech Draw 6
(For WBO Super Bantamweight Title) (Retained IBF Super Bantamweight Title)

2002

06-08 -- Jorge Eliecer Julio, Memphis, TN, TKO 2
(Retained IBF Super Bantamweight Title)
10-26 -- Fahprakorb Rakkiatgym, Davao City, Philippines, KO 1 (Retained IBF Super Bantamweight Title)

2003

03-15 -- Serikzhan Yeshmangbetov, Manila, Philippines, TKO 5
07-26 -- Emmanuel Lucero, Los Angeles, CA, TKO 3
(Retained IBF Super Bantamweight Title)
11-15 -- Marco Antonio Barrera, San Antonio, TX, TKO 11

2004

05-08 -- Juan Manuel Marquez, Las Vegas, NV, D 12
(For WBC Featherweight Title)
(For IBF Featherweight Title)
12-11 -- Fahsan (3K Battery) Por Thawatchai, Rizal, Philippines, TKO 4

2005

03-19 -- Erik Morales, Las Vegas, NV, L 12
09-10 -- Hector Velazquez, Los Angeles, CA, TKO 6

2006

01-21 -- Erik Morales, Las Vegas, NV, TKO 10
07-02 -- Oscar Larios, Manila, Philippines, W 12
11-18 -- Erik Morales, Las Vegas, NV, KO 3

2007
04-14 -- Jorge Solis, San Antonio, TX, KO 8
10-06 -- Marco Antonio Barrera, Las Vegas, NV, W 12

2008

03-15 -- Juan Manuel Marquez, Las Vegas, NV, W 12 (Won WBC Super Featherweight Title)
06-28 -- David Diaz, Las Vegas, NV, TKO 9 (Won WBC Lightweight Title)
12-06 -- Oscar De La Hoya, Las Vegas, NV, TKO 8

2009

05-02 -- Ricky Hatton, Las Vegas, NV, KO 2
11-14 -- Miguel Cotto, Las Vegas, NV, TKO 12
(Won WBO Welterweight Title)

2010

03-13 -- Joshua Clottey, Arlington, TX, W 12
(Retained WBO Welterweight Title)
11-13 -- Antonio Margarito, Arlington, TX, W 12 (Won Vacant WBC Light Middleweight Title)
Major World Titles:

    * WBC Flyweight World Champion (112 lbs)
    * IBF Junior Featherweight World Champion (122 lbs)
    * The Ring Featherweight World Champion (126 lbs)
    * WBC Super Featherweight World Champion (130 lbs)
    * The Ring Junior Lightweight World Champion (130 lbs)
    * WBC Lightweight World Champion (135 lbs)
    * The Ring Junior Welterweight World Champion (140 lbs)
    * WBO Welterweight World Champion (147 lbs)
    * WBC Super Welterweight World Champion (154 lbs)

Minor World Title:

    * IBO Junior Welterweight World Champion (140 lbs)

Lineal Championship Titles:

    * Lineal Flyweight World Champion (112 lbs)
    * Lineal Featherweight World Champion (126 lbs)
    * Lineal Super Featherweight World Champion (130 lbs)
    * Lineal Light Welterweight World Champion (140 lbs)

Regional/International Titles:

    * OPBF Flyweight Champion (112 lbs)
    * WBC Super Bantamweight International Champion (122 lbs)
    * WBC Super Featherweight International Champion (130 lbs)

Special Titles:

    * WBC Emeritus Champion
    * WBC Diamond Champion
    * WBO Super Champion

Si Pacquiao ang kinakatakutan ni Floyd Mayweather Jr. na makalaban sa ring. Laging binabanggit ni Mayweather ang pangalan ni Pacquiao sa tuwing pinapanayam ito ng mga reporter. Ngunit kapag hinamon ni Pacquiao ng laban sa ring, agad nakakapag-isip si Mayweather ng mga dahilan at plano upang maiwasan kalabanin si Pacquiao.
Sa nakalipas na May 7, 2011, si Pacquiao ay matagumpay na naidepensa ang kanyang titulo bilang WBO World Welterweight champion laban kay Shane Mosley sa pamamagitan ng unanimous decision sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Estados Unidos.

Sinabi ni Bob Arum na ang susunod na laban ni Pacquiao ay sa MGM Grand ulit na mangyayari sa  November 5, 2011 o kaya sa Thomas and Mack Center sa November 12, 2011. Haharapin niya sa ikatlong pagkakataon si Juan Manuel Marquez

Kasalukuyang nag eensayo si Pacquiao para sa nalalapit niyang laban kay Juan Manuel "El Dinamita" Marquez

Monday, August 15, 2011

Abu Sabaya (Aldam Tilao)


Aldam Tilao
"Abu Sabaya"
1962 - Hunyo 21, 2002

Abu Sabaya, na ang totoong pangalan ay Aldam Tilao (1962 - Hunyo 21, 2002) ay isa sa mga lider ng ​​Abu Sayyaf sa katimugang Pilipinas hanggang siya ay napatay ng mga operatiba ng Philippine Army noong 2002. Siya ay isang dating nag-aral ng engineering at pagpupulis at nanirahan sa ng ilang taon sa Saudi Arabia.

Bago siya namatay, ang pamahalaan ng Estados Unidos ay naglagay ng isang gantimpala na umabot ng $5,000,000 sa kanyang pagkakadakip dahil sa mga pangingidnap noong Mayo 2001 sa dalwang misyonaryong Amerikano missionaries at isa pang Amerikano na pinugutan ng ulo. Ayon sa mga dokumento ng  Philippine Army, si Abu Sabaya ay tumigil sa pag-aaral ng kursong kriminolohiya (Criminology) at sumali sa Moro National Liberation Front (MNLF), isang Islamic group. 

Si Abu Sabaya ay bihasa siya sa pagawa ng bomba at assasination. Ng magkaroon ng kasunduan ang MNLF at Pamahalaang Pilipino noong 1997, si Abu Sabaya ay umalis ng bansa at nagtrabaho sa Saudi Arabia. Sa kanyang pagbalik sa bansa, siya ay nakipag ugnayan kay Abdurajak Abubakar Janjalani, ang isa sa mga nagtayo ng Abu Sayyaf.  Si Sabaya ay inakusahan ng ilang mga kidnappings sa Basilan, siya ay akusado ng pagiging kasangkot sa 13 mga pangyayari ng kidnappings, kasama na ng isang Katoliko Romanong pari, mga mag-aaral at mga guro.