Artemio Garcia Ricarte
"Vibora" (Viper)
October 20, 1866 — July 31, 1945
Si Artemio Ricarte ay isang Heneral na filipino ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano. Ikinokosidera din siya bilang Ama ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army). Kilala si Artemio Ricarte bilang Heneral na kailanman ay hindi sumumpa o umayon sa pamumuno ng Amerika sa Pilipinas mula 1898 hanggang 1946.
Si Artemio Ricarte ay ipinanganak sa Batac, Ilocos Norte noong ika-20 ng Oktubre, 1866. Ang Kanyang mga magulang ay sina Faustino Ricarte at bonifacia Garcia. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Batac at nagpatuloy ng pag-aaral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran kung saan siya ay nagtapos ng Batsilyer ng Arte. At nag aral din sa Unibersidad ng Santo Tomas at Escuela Normal kung saan nagtapos siya ng kurso sa pagtuturo. Siya ay itinalaga sa bayan ng San Francisco de Malabon (General Trias, Cavite sa ngayun) upang mag superbisa ng isang paaralang primarya. Habang nasa cavite, nakilala niya si Heneral Mariano Alvarez na isa ring guro at kasali sa Pag-aaklas ng Cavite noong 1872.
Sumali si Artemio Ricarte sa Katipunan sa ilalim ng Koseho ng Magdiwang kung saan siya ay binigyan ng ranggo na Tenyente-Heneral at tinawag sa kapangalang "Vibora".
Ng Matapos ang Rebolusyong Pilipino noong Agosto 31, 1896, pinangunahan ni Artemio Ricarte ang paglusob sa mga natitirang Garison ng mga Espanyol sa San Francisco de Malabon kung saan tinalo niya ang pwersang Espanyol at tinangay ang ilang guwardiya sibil bilang mga Bilanggo ng Digmaan.
Digmaang Pilipino-Amerikano
Noong simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano siya ang Pinuno ng Operasyon(Chief ng Operations )ng pwersang Pilipino sa ikalawang sona sa paligid ng Maynila. Noong Hulyo 1900 siya ay nahuli sa Maynila at ipinatapon sa Guam kasama si Apolinario Mabini.
Pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano
Noong 1903, sina Ricarte at Mabini ay pinapayagang makabalik sa sa Pilipinas sa sa kundisyon na sila ay manunumpa ng katapatan sa bansang Amerika. Dumaong ang kanilang sinasakyang USS Thomas mula sa guam sa daungan ng Maynila. Nang hiniling sa kanila na gawin ang panunumpa, agad tumalima si Mabini sa panunumpa ngunit si Ricarte tumanggi. Dahil doon, si Ricarte ay pinalaya parin ngunit pinagbawalan na makatuntong sa Pilipinas. Ni hindi man lang tumuntong sa lupa si Ricarte ay agad na ipinatapon sa Hongkong sakay ng Barkong "Galic".
Noong Disyembre 1903, si Ricarte ay nagbalik sa Pilipinas bilang isang takas na pasahero sa barkong "Wenshang". Binalak niya na pagsamahing muli sa mga dating mga miyembro ng hukbo na kanyanag nakasama sa Rebosyung Pilipino. Sa pulong sa ilang mga dating kasapi at mga kaibigan, tinalakay niya ang kanyang pangkalahatang plano at ang pagpapatuloy ng rebolusyon. Pagkatapos sinabi niya sa pulong, ang ilan sa mga miyembro na nakaanib na sa mga Amerikano, partikular na ang dating General Pio del Pilar.
Dahil dito, ang gobyernong Amerikano ay naglaan ng pabuya sa sinumang makakahuli kay Artemio Ricarte patay man o buhay sa halagang $10,000.00. Sa mga sumunod na linggo, si Ricarte ay naglakbay sa buong gitnang Luzon at sinusubukang makakuha ng supporta para sa kanyang mga adhikain.
Noong unang bahagi ng 1904, Ricarte ay tinamaan ng isang sakit at siya ay naratay ng halos 2 buwan. Habang nagpapagaling, isang dating kasamahan na si Luis Baltazar ang nagsuplong sa Philippine Constabulary ng kanyang kinaroroonan sa Mariveles, Bataan. Marso 29, 1904, ng si Ricarte ay naaresto at ibinilanggo. Ginugol niya ang anim na taon sa Bilibid, habang nakakulong, siya nakakatanggap mula sa dating mga kasamahan sa rebolusyon at ilang kilalang mga Amerikano kabilang na ang dating Bise-Presidente ng Estados Unidos na si Charles W. Fairbanks.
Dahil sa mabuting asal, si Ricarte ay nagsilbi lamang 6 ng kanyang 11 taon na pagkakakulong. Noong Hunyo 26, 1910 siya ay inilabas mula sa Bilibid Prison. Ngunit bago lumabas ng Bilibid, kailangan niya munang manumpa sa gobyernong Amerikano ngunit siya ay tumanggi. Dahilan upang muli siyang ipatapon sa Hong Kong.
Ang kanyang pangalan ay paulit-ulit na nasangkot sa tuwing may pag-aalsa sa Pilipinas. Upang maging matahimik ang kanilang buhay kasama ang kanyang asawa, sila ay lumipat sa Yokohama, Japan. Habang nasa bansang Hapon, si Ricarte ay nagbukas ng isang maliit na restawran, na ang pangalan ay “Karihan Luvimin” at bumalik sa pagtuturo. Siya din ay sumulat ng librong "Himagsikan Nang manga Pilipino Laban sa Kastila" (Ang Revolution ng mga Pilipino Laban sa mga Espanyol) at inilathala sa Yokohama, Japan noong 1927.
Noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig( World War II) at sinimulang sakupin ng Japan ang Pilipinas, si Ricarte ay bumalik sa Pilipinas upang makatulong sa mga kapwa Pilipino. Noong Disyembre 1944, si Ricarte ay sapilitang nagtayo ng grupong Makapili sa utos ng mga mananakop na Hapon.
Pagkamatay
Bago pa matapos ang Ikalawang Digmaang pandaigdig at natatalo na ang mga Hapon, si Ricarte ay inalok ni Colonel Ota, na lumikas papuntang Japan ngunit si Ricarte ay tumanggi, at nagsasabing:
"Hindi ko kailangang magkubli sa bansang Hapon sa mga oras na ito at kritikal na sandali sapagkat ako ay kailangan ng aking mga kababayan, Mananatili ako rito hanggang sa aking huling hininga”
Dahil sa matinding pagtatago laban sa mga pwersang Amerikano at Filipino na mga umaatake sa kanya sa kadahilanang siya daw ay kakampi ng Bansang Hapon, nagkasakit si Ricarte at noong Hulyo 31, 1945 sa Hungduan, Mountain Province, Ifugao, si Ricarte namatay sa edad na 78.
Ang kanyang libingan ay natagpuan noong 1954 ng 9 taon mula ng siya ay mamatay na nahukay ng mga Treasure Hunters. Ang kanyang labi ay hinukay at dinala sa Maynila upang ilibing sa Libingan ng mga Bayani.
Noong Abril 2002, sa parehong lugar kung saan siya namatay, naglagay ng isang bantayog ang National Historical Institute sa pamumuno ni Gg. Ambet Ocampo kasama ang isang apong babae ni Artemio Ricarte na si Gng. Teodoro.
Salaysay ng kasaysayan
- Noong 1972, ang isang bantayog ang itinayo para kay Artemio Ricarte sa Yamashita Park sa Yokohama, Japan
- Ang bahay kung saan ipinanganak si Artemio Ricarte ayginawang Pambansang dambana sa Batac City,
- Isang bantayog din ang inilagay sa Poblacion, General Trias, Cavite para kay General Artemio Ricarte para sa mga naging laban at mga mabuti niyang nagawa sa Cavite