Monday, April 29, 2013

Julian A. Banzon


Julian A. Banzon (1908 - 1988)

Isang Pambansang Siyentipiko sa larangan ng Biophysical Chemistry

Isang Filipinong imbentor ng gasolina na nagmumula sa Niyog. Siya din ay natatanging Filipinong nagsulong ng teknolohiya ng pagproproseso ng Niyog. Siya rin ang nagpasimula ng Food Science and Technology sa Unibersidad ng Pilipinas.

Kilala rin siya dahil sa kanyang pagbigay karangalan sa punong niyog bilang isang mainam na mapagkunan ng pagkain.

Ipinanganak noong Marso 25, 1908 si Julian Banzon sa Balanga, Bataan. Siya ay panganay sa labingpitong magkakapatid. Si Manuel ang kanyang ama at si Arcadia naman ang kanyang ina.
Nag aral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) at nakapagtapos ng BS Chemistry (1930) sa edad na 22.

Dahil sa kanyang mga ambag, siya ay pinarangalan bilang:

Outstanding Chemistry Graduate ng UP Chemical Society noong 197
Chemist of the Year noong 1978
Distinguished Alumnus Award ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1986.

Ilan sa kanyang mga aral ay ang mga sumusunod:

Maaaring makagawa ng bigas mula sa cassava;

Maaaring makagawa ng iba't ibang uri ng gatas mula sa niyog bilang kapalit ng mga mamahaling gatas mula sa iba't ibang bansa gaya ng:

  • filled milk
  • toned milk
  • vegetable milk
  • synthetic milk

Maaaring magamit ang gata ng niyog upang ang gatas ng baka ay maging mas masarap na inumin

Matapos makapag-aral ay nagturo si Julian sa Kolehiyo ng Agrikultura sa UP, siya ay nabigyan ng scholarship sa University of Iowa, Estados Unidos para sa kanyang Doctorate Degree (Biophysical Chemistry). Ang kanyang dissertation ay maytitulong "Fermentative Utilization of Cassava-Butyl Acetonic Fermentation and Production of Alcohol."


   

Monday, December 24, 2012

Kapitan Juan Pajota



Si Kapitan Juan Pajota ay isang Pilipinong pinuno ng gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 

Kasama siya noon sa Pagsalakay sa Cabanatuan, isang pagkilos na naganap sa Pilipinas noong Enero 30, 1945 sa pagitan ng mga Pilipinong gerilya at mga Bantay Gubat ng Pamahalaan ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos (United States Army Rangers) na nagdulot sa mga pagpapalaya sa mga Amerikanong Bilanggo ng Digmaan (Prisoners of War POWs) na mahigit sa 516, mula sa isang kampo ng bilanggo ng digmaan ng mga Hapones malapit sa Cabanatuan.

Si Kapitan Juan Pajota ay nagmula sa Nueva Ecija, siya ay sumapi sa hukbong Gerilya kung tawagin ay USAFFE, isa siya sa mga kawal na kasama sa tinaguriang Fall of Bataan sa kalaunan siya ay naging pinuno ng mga gerilya.

Matapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumipat si Pajota sa Estados Unidos. Namatay siya nang atakehin sa puso noong 1976.

Isinalarawan ang katauhan ni Kapitan Juan Pajota sa pelikula ni John Dahl noong 2005 na The Great Raid (Ang Dakilang Pagsalakay). Ang batikang aktor na si Cesar Montano ang gumanap bilang Pajota.

Sunday, December 16, 2012

Talambuhay Ni Henry Sy Sr.



Si Henry Sy, Sr  ay ipinanganak noong ika 25 ng  Disyembre 1924 sa Xiamen China. Siya ay isang Chinese Pilipino na negosyante pinangunahan niya ang pagtatatag ng SM Malls, siya din Presidente ng SM Prime Holdings. Siya ang tinaguriang pinakamayaman sa Pilipinas.

Edukasyon

Nagtapos siya sa hayskul sa paaralang Chiang Kai shek College at at nagtapos ng Associate of Arts sa Far Eastern University noong 1950.

Negosyo

Noong 1958, itinatag ni Henry Sy Sr. ang isang maliit na tindahan ng sapatos sa Quiapo , Manila na pinangalanan niyang SM o Shoe Mart.  Noong Nobyembre 1972, ang maliit na tindahan ng sapatos naging SM Quiapo , ang unang SM department store at  December 25, 1985, itinatag niya ang kanyang unang SM Supermall , ang SM City North EDSA .

Mga anak
  • Teresita Sy-Coson
  • Henry Sy, Jr.
  • Hans Sy
  • Herbert Sy
  • Harley Sy

May Kumpanya na pag mamay-ari
  • SM Prime Holdings
  • SM Investments Corporation
  • Banco de Oro Universal Bank
  • Belle Corporation
  • Highlands Prime, Inc

Mga natanggap na awards

  • Management Man of the Year" by the Makati Business Club – 1999
  • Honorary Doctorate in Business Management by De La Salle University in January 1999
  • 40 Richest Filipinos of 2008
  • Forbes magazine Heroes of Philanthropy 2009
  • 1st Chinese-Filipino recipient of the PCE Big Brother of Filipino Entrepreneurs award (2006)
  • 1st Chinese-Filipino recipient of the PRA President's Award (2005)

Wednesday, December 12, 2012

Lakandula



Si Lakandula ay kilala bilang matapang na hari ng Tondo bago pa man dumating ang mga kastila.

Matapang niyang ipinaglaban ang tondo mula sa pananakop ng mga kastila noong 1570.

Kasama sina Rajah Matanda at Rajah Sulayman, ipinagtanggol nila ang Delta ng Ilog Pasig sa panahon ng pananakop ng mga kastila.

Ayon sa Notaryong Espanyol na si Hernando Riquel, ipinakikilala ni Lakandula ang kanyang sarili sa pangalang “Bunao Lakandula” samakatuwid ang kanyang pangalan ay “Bunao”. Nang siya ay maging Kristiyano siya ay binigyang pangalan na “Carlos Lakandula”.  Ang isang pang katawagan kay Lakandula ay “Gatdula”. Siya ay minsang natatawag na “Rajah Lakandula” ngunit ito ay mali sa kadahilanang ang “Rajah” ay kapareho lang naman ng “Lakan”.

Kamatayan

Kakaonti lamang ang mga nasusulat na nagbibigay kaalaman kung kailan namatay si Lakandula. Ngunit ayon kay Scott isang Historian, Umano pumanaw si Lakandula tatlong taon ang nakalipas ng pumanaw si Rajah Matanda kung saan naitalang namatay noong 1572.

Mga Kaanak

Ang lahi ni Lakandula ay halos matatagpuan sa ngayun ay kung tawagin ay probinsiya ng Pampanga siya ay mayroong anim na supling na sina:
  • Don Dionisio Capulong, panganay na anak, ang  Datu ng Candava, at tinatawag na "Batang Dula";
  • Don Magat Salamat, naging Lider ng Tondo kasabay ng kanyang pinsan na si Agustin de Legazpi matapos pumanaw si Lakandula, kung saan pinatay ng mga Espanyol dahil sa kanyang pakikidigma sa mga espanyol sa digmaang Espanyol at mga Lakan noong 1588
  • Don Phelipe Salonga, ang  Datu ng Pulu;
  •  Doña Maria Poloin, ang nag iisang anak na babae , na ikinasal kay Don Alonso Talabos;
  • Don Martin Lakandula, naging Paring Augustinian noong 1590
  • Don Luis Taclocmao (o Salugmoc), napatay noong  1603 sa kasagsagan ng Rebelyong Intsik.

Mga Kaanak sa Bagong Panahon

  • Dating Presidente  Diosdado Macapagal, ama ng dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo
  • Dating Senador  Jovito Salonga
  • Gonzalo Puyat, dating  nangungunang  Industrialista ng bansa
  • Dating Senador Gil Puyat
  • Lea Salonga, isang internasyunal Singer Aktres

Saturday, December 1, 2012

Juan Dela Cruz


Ang Juan de la Cruz ay isang pagsasagisag o katawagan na ginagamit sa Pilipinas upang katawanin ang mga Pilipino. Ito ay halos katumbas ng Uncle Sam at John Doe ng mga Amerikano. 

Kadalasang inilalarawan si Juan dela Cruz na nakasuot ng katutubong Salakot, Barong Tagalog, pantalon, at tsinelas. Ginagamit din ang terminong Juan dela Cruz upang banggitin ang pangkalahatang pag-iisip ng mga Pilipino. Ang katawagang ito ay nilikha ni Robert McCulloch Dick, isang mamamahayag na nagtatrabaho sa Manila Times noong unang bahagi ng ika-1900, pagkatapos niyang matuklasan na palasak ang katawagang ito para sa pangkalahatang Filipino.

Ang pangalan ay galing sa Wikang Kastila na nangangahulugang "Juan ng Krus". Karamihan sa mga Pilipino ay gumagamit ng mga apelyidong Kastila dahil sa 333 taong pananakop nito sa Pilipinas. Malaki rin ang naging papel ng Simbahang Katolika sa pagpapangalan ng mga sanggol, na halos karamihan sa binibinyagang sanggol ay ipinapangalan mula sa mga santo.

Kadalasang tinatawag ng mga aktibista si Juan dela Cruz bilang biktima ng imperyalismong Amerikano, dahil na rin sa dami ng mga karikaturang editoryal noong panahong Amerikano kung saan laging inilalarawan si Juan dela Cruz kasama si Uncle Sam.

Sunday, November 11, 2012

Agueda Kahabagan



Si Agueda Iniquinto Kahabagan ay kilala bilang si "Henerala Agueda".

Siya ay nagmula sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Kinikilala si Henerala sa kanyang katangi-tanging katapangan
Siya ay nakikitang nakadamit ng puti at may dalang Gulok at Riple sa magkabilang kamay habang nakikipaglaban

Si Henerala ay kinomisyon ni Heneral Miguel Malvar upang pamunuan ang isang kawan ng mga sundalo noong Mayo 1897. Siya ay isa sa mga nanguna kasama si Heneral Artemio Ricarte sa pagsalakay ng Garrison ng mga Espanyol sa San Pablo, Laguna noong Oktubre 1897. 

Pinaniniwalaan na si Heneral Pio del Pilar  ang nagrekomenda na mabigyang Titulo bilang Honoraryang Henerala si Henerala Agueda. Siya ang nag-iisang naitalang Henerala sa listahan ng mga Heneral ng Republika ng Pilipinas. Natamo niya ang ranggo noong Enero 4, 1899.

Thursday, September 15, 2011

Artemio Ricarte



Artemio Garcia Ricarte
"Vibora" (Viper)
October 20, 1866 — July 31, 1945

Si Artemio Ricarte ay isang Heneral na filipino ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano. Ikinokosidera din siya bilang Ama ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army). Kilala si Artemio Ricarte bilang Heneral na kailanman ay hindi sumumpa o umayon sa pamumuno ng Amerika sa Pilipinas mula 1898 hanggang 1946.

Si Artemio Ricarte ay ipinanganak sa Batac, Ilocos Norte noong ika-20 ng Oktubre, 1866. Ang Kanyang mga magulang ay sina Faustino Ricarte at bonifacia Garcia. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Batac at nagpatuloy ng pag-aaral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran kung saan siya ay nagtapos ng Batsilyer ng Arte. At nag aral din sa Unibersidad ng Santo Tomas at Escuela Normal kung saan nagtapos siya ng kurso sa pagtuturo. Siya ay itinalaga sa bayan ng San Francisco de Malabon (General Trias, Cavite sa ngayun) upang mag superbisa ng isang paaralang primarya. Habang nasa cavite, nakilala niya si Heneral Mariano Alvarez na isa ring guro at kasali sa Pag-aaklas ng Cavite noong 1872.

Sumali si Artemio Ricarte sa Katipunan sa ilalim ng Koseho ng Magdiwang kung saan siya ay binigyan ng ranggo na Tenyente-Heneral at tinawag sa kapangalang "Vibora".

Ng Matapos ang Rebolusyong Pilipino noong Agosto 31, 1896, pinangunahan ni Artemio Ricarte ang paglusob sa mga natitirang Garison ng mga Espanyol sa San Francisco de Malabon kung saan tinalo niya ang pwersang Espanyol at tinangay ang ilang guwardiya sibil bilang mga Bilanggo ng Digmaan.


Digmaang Pilipino-Amerikano

Noong simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano siya ang Pinuno ng Operasyon(Chief ng Operations )ng pwersang Pilipino sa ikalawang sona sa paligid ng Maynila. Noong Hulyo 1900 siya ay nahuli sa Maynila at ipinatapon sa Guam kasama si Apolinario Mabini.

Pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano

Noong 1903, sina Ricarte at Mabini ay pinapayagang makabalik sa sa Pilipinas sa sa kundisyon na sila ay manunumpa ng katapatan sa bansang Amerika. Dumaong ang kanilang sinasakyang USS Thomas mula sa guam sa daungan ng Maynila. Nang hiniling sa kanila na gawin ang panunumpa, agad tumalima si Mabini sa panunumpa ngunit si Ricarte tumanggi. Dahil doon, si Ricarte ay pinalaya parin ngunit pinagbawalan na makatuntong sa Pilipinas. Ni hindi man lang tumuntong sa lupa si Ricarte ay agad na ipinatapon sa Hongkong sakay ng Barkong "Galic".

Noong Disyembre 1903, si Ricarte ay nagbalik sa Pilipinas bilang isang takas na pasahero sa barkong "Wenshang". Binalak niya na pagsamahing muli sa mga dating mga miyembro ng hukbo na kanyanag nakasama sa Rebosyung Pilipino. Sa pulong sa ilang mga dating kasapi at mga kaibigan, tinalakay niya ang kanyang pangkalahatang plano at ang pagpapatuloy ng rebolusyon. Pagkatapos sinabi niya sa pulong, ang ilan sa mga miyembro na nakaanib na sa mga Amerikano, partikular na ang dating General Pio del Pilar.
Dahil dito, ang gobyernong Amerikano ay naglaan ng pabuya sa sinumang makakahuli kay Artemio Ricarte patay man o buhay sa halagang $10,000.00. Sa mga sumunod na linggo, si Ricarte ay naglakbay sa buong gitnang Luzon at sinusubukang makakuha ng supporta para sa kanyang mga adhikain.

Noong unang bahagi ng 1904, Ricarte ay tinamaan ng isang sakit at siya ay naratay ng halos 2 buwan. Habang nagpapagaling, isang dating kasamahan na si Luis Baltazar ang nagsuplong sa Philippine Constabulary ng kanyang kinaroroonan sa Mariveles, Bataan. Marso 29, 1904, ng si Ricarte ay naaresto at ibinilanggo. Ginugol niya ang anim na taon sa Bilibid, habang nakakulong, siya nakakatanggap mula sa dating mga kasamahan sa rebolusyon at ilang kilalang mga Amerikano kabilang na ang dating Bise-Presidente ng Estados Unidos na si Charles W. Fairbanks.

Dahil sa mabuting asal, si Ricarte ay nagsilbi lamang 6 ng kanyang 11 taon na pagkakakulong. Noong Hunyo 26, 1910 siya ay inilabas mula sa Bilibid Prison. Ngunit bago lumabas ng Bilibid, kailangan niya munang manumpa sa gobyernong Amerikano ngunit siya ay tumanggi. Dahilan upang muli siyang ipatapon sa Hong Kong.

Ang kanyang pangalan ay paulit-ulit na nasangkot sa tuwing may pag-aalsa sa Pilipinas. Upang maging matahimik ang kanilang buhay kasama ang kanyang asawa, sila ay lumipat sa Yokohama, Japan. Habang nasa bansang Hapon, si Ricarte ay nagbukas ng isang maliit na restawran, na ang pangalan ay “Karihan Luvimin” at bumalik sa pagtuturo. Siya din ay sumulat ng librong "Himagsikan Nang manga Pilipino Laban sa Kastila" (Ang Revolution ng mga Pilipino Laban sa mga Espanyol) at inilathala sa Yokohama, Japan noong 1927.

Noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig( World War II) at sinimulang sakupin ng Japan ang Pilipinas, si Ricarte ay bumalik sa Pilipinas upang makatulong sa mga kapwa Pilipino. Noong Disyembre 1944, si Ricarte ay sapilitang nagtayo ng grupong Makapili sa utos ng mga mananakop na Hapon.

Pagkamatay

Bago pa matapos ang Ikalawang Digmaang pandaigdig at natatalo na ang mga Hapon, si Ricarte ay inalok ni Colonel Ota, na lumikas papuntang Japan ngunit si Ricarte ay tumanggi, at nagsasabing:

"Hindi ko kailangang magkubli sa bansang Hapon sa mga oras na ito at kritikal na sandali sapagkat ako ay kailangan ng aking mga kababayan, Mananatili ako rito hanggang sa aking huling hininga”

Dahil sa matinding pagtatago laban sa mga pwersang Amerikano at Filipino na mga umaatake sa kanya sa kadahilanang siya daw ay kakampi ng Bansang Hapon, nagkasakit si Ricarte at noong Hulyo 31, 1945 sa Hungduan, Mountain Province, Ifugao, si Ricarte namatay sa edad na 78. 

Ang kanyang libingan ay natagpuan noong 1954 ng 9 taon mula ng siya ay mamatay na nahukay ng mga Treasure Hunters. Ang kanyang labi ay hinukay at dinala sa Maynila upang ilibing sa Libingan ng mga Bayani.
Noong Abril 2002, sa parehong lugar kung saan siya namatay, naglagay ng isang bantayog ang National Historical Institute sa pamumuno ni Gg. Ambet Ocampo kasama ang isang apong babae ni Artemio Ricarte na si Gng. Teodoro.

Salaysay ng kasaysayan

  • Noong 1972, ang isang bantayog ang itinayo para kay Artemio Ricarte sa Yamashita Park sa Yokohama, Japan
  • Ang bahay kung saan ipinanganak si Artemio Ricarte ayginawang Pambansang dambana sa Batac City,
  • Isang bantayog din ang inilagay sa Poblacion, General Trias, Cavite para kay General Artemio Ricarte para sa mga naging laban at mga mabuti niyang nagawa sa Cavite

Tuesday, September 6, 2011

Manny "Pacman" Pacquiao

Manny Pacquiao





Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, (ipinanganak ng Disyembre 17, 1978), ay isang Filipino na boksingero at pulitiko. Siya ay kilala sa palayaw na "Pacman". Siya ang kauna-unahang boksingero sa kasaysayan ng boksing na naging kampiyon sa walong pangunahing titulo sa pitong iba't-ibang klase ng timbang — Flyweight, Super Bantamweight, Featherweight, Super Featherweight, Lightweight, Light Welterweight and Welterweight. Siya din ang kauna-unahang boksingero na linyal na kampiyon sa apat na iba't-ibang klase ng timbang

 Kampiyon sa:

  • Flyweight
  • Featherweight
  •  Super Featherweight
  • Light Welterweight

Si Pacquiao ang kasalukuyang Kampiyon ng WBO World Welterweight (Super Champion) at Kampiyon ng The Ring Junior Welterweight. Siya din ay naitala sa listahan ng The Ring, ESPN, Sports Illustrated, NBC Sports, at About.com bilang pinakamahusay at pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.

Si Pacquiao ang dating Kampiyon ng IBO World Junior Welterweight, Kampiyon ng WBC World Lightweight, Kampiyon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampiyon ng WBC World Super Featherweight, Kampiyon ng The Ring World Featherweight, Kampiyon ng IBF World Junior Featherweight at Kampiyon ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion.

Ang Rekord ng mga laban ni Pacquiao:

52 Panalo, 3 Talo, 2 Draws, 38 Knockouts

1995

01-22 -- Edmund Enting Ignacio, Mindoro Occidental, Philippines, W 4
03-18 -- Pinoy Montejo, Mindoro Occidental, Philippines, W 4
05-01 -- Rocky Palma, Cavite, Philippines, W 6
07-01 -- Dele Decierto, Mandaluyong, Philippines, TKO 2
08-03 -- Flash Simbajon, Mandaluyong, Philippines, W 6
09-16 -- Arman Rocil, Mandaluyong, Philippines, KO 3
10-07 -- Lolito Laroa, Makati, Philippines, W 8
10-21 -- Renato Mendones, Puerto Princesa, Philippines, TKO 2
11-11 -- Rodulfo Fernandez, Mandaluyong, Philippines, TKO 3
12-09 -- Rolando Tuyugon, Manila, Philippines, W 10

1996

01-13 -- Lito Torrejos, Paranaque City, Philippines, TKO 5
02-09 -- Rustico Torrecampo, Mandaluyong, Philippines, KO by 3
04-27 -- Marlon Carillo, Manila, Philippines, W 10
05-20 -- Jun Medina, Manila, Philippines, TKO 4
06-15 -- Bert Batiller, General Santos City, Philippines, TKO 4
07-27 -- Ippo Gala, Mandaluyong, Philippines, TKO 2
12-28 -- Sung-Yul Lee, Muntinlupa, Philippines, TKO 2

1997

03-08 -- Michael Luna, Muntinlupa, Philippines, KO 1
04-24 -- Wook-Ki Lee, Makati, Philippines, KO 1
05-30 -- Ariel Austria, Almendras, Philippines, TKO 6
06-26 -- Chokchai Chockvivat, Mandaluyong, Philippines, KO 5
09-13 -- Melvin Magramo, Cebu, Philippines, W 10
12-06 -- Panomdej Or Yuthanakorn, South Cotabato, Philippines, KO 1

1998

05-18 -- Shin Terao, Tokyo, Japan, TKO 1
12-04 -- Chartchai Sasakul, Bangkok, Thailand, TKO 8 (Nanalo ng WBC Flyweight Title)

1999

02-20 -- Todd Makelin, Kidapawan, Philippines, TKO 3
04-24 -- Gabriel Mira, Quezon City, Philippines, KO 4
(Retained WBC Flyweight Title)
09-17 -- Medgoen Singsurat, Nakhon Si Thammarat, Thailand, KO by 3
(Pacquiao failed to make weight, lost WBC Flyweight title)
12-18 -- Reynante Jamili, Manila, Philippines, TKO 2

2000

03-04 -- Arnel Barotillo, Manila, Philippines, KO 4
06-28 -- Seung-Kon Chae, Manila, Philippines, TKO 1
10-14 -- Nedal Hussein, Antipolo City, Philippines, TKO 10

2001

02-24 -- Tetsutora Senrima, Manila, Philippines, TKO 5
04-28 -- Wethya Sakmuangklang, Kidapawan City, Philippines, TKO 6
06-23 -- Lehlohonolo Ledwaba, Las Vegas, NV, TKO 6
(Won IBF Super Bantamweight Title)
11-10 -- Agapito Sánchez, San Francisco, CA, Tech Draw 6
(For WBO Super Bantamweight Title) (Retained IBF Super Bantamweight Title)

2002

06-08 -- Jorge Eliecer Julio, Memphis, TN, TKO 2
(Retained IBF Super Bantamweight Title)
10-26 -- Fahprakorb Rakkiatgym, Davao City, Philippines, KO 1 (Retained IBF Super Bantamweight Title)

2003

03-15 -- Serikzhan Yeshmangbetov, Manila, Philippines, TKO 5
07-26 -- Emmanuel Lucero, Los Angeles, CA, TKO 3
(Retained IBF Super Bantamweight Title)
11-15 -- Marco Antonio Barrera, San Antonio, TX, TKO 11

2004

05-08 -- Juan Manuel Marquez, Las Vegas, NV, D 12
(For WBC Featherweight Title)
(For IBF Featherweight Title)
12-11 -- Fahsan (3K Battery) Por Thawatchai, Rizal, Philippines, TKO 4

2005

03-19 -- Erik Morales, Las Vegas, NV, L 12
09-10 -- Hector Velazquez, Los Angeles, CA, TKO 6

2006

01-21 -- Erik Morales, Las Vegas, NV, TKO 10
07-02 -- Oscar Larios, Manila, Philippines, W 12
11-18 -- Erik Morales, Las Vegas, NV, KO 3

2007
04-14 -- Jorge Solis, San Antonio, TX, KO 8
10-06 -- Marco Antonio Barrera, Las Vegas, NV, W 12

2008

03-15 -- Juan Manuel Marquez, Las Vegas, NV, W 12 (Won WBC Super Featherweight Title)
06-28 -- David Diaz, Las Vegas, NV, TKO 9 (Won WBC Lightweight Title)
12-06 -- Oscar De La Hoya, Las Vegas, NV, TKO 8

2009

05-02 -- Ricky Hatton, Las Vegas, NV, KO 2
11-14 -- Miguel Cotto, Las Vegas, NV, TKO 12
(Won WBO Welterweight Title)

2010

03-13 -- Joshua Clottey, Arlington, TX, W 12
(Retained WBO Welterweight Title)
11-13 -- Antonio Margarito, Arlington, TX, W 12 (Won Vacant WBC Light Middleweight Title)
Major World Titles:

    * WBC Flyweight World Champion (112 lbs)
    * IBF Junior Featherweight World Champion (122 lbs)
    * The Ring Featherweight World Champion (126 lbs)
    * WBC Super Featherweight World Champion (130 lbs)
    * The Ring Junior Lightweight World Champion (130 lbs)
    * WBC Lightweight World Champion (135 lbs)
    * The Ring Junior Welterweight World Champion (140 lbs)
    * WBO Welterweight World Champion (147 lbs)
    * WBC Super Welterweight World Champion (154 lbs)

Minor World Title:

    * IBO Junior Welterweight World Champion (140 lbs)

Lineal Championship Titles:

    * Lineal Flyweight World Champion (112 lbs)
    * Lineal Featherweight World Champion (126 lbs)
    * Lineal Super Featherweight World Champion (130 lbs)
    * Lineal Light Welterweight World Champion (140 lbs)

Regional/International Titles:

    * OPBF Flyweight Champion (112 lbs)
    * WBC Super Bantamweight International Champion (122 lbs)
    * WBC Super Featherweight International Champion (130 lbs)

Special Titles:

    * WBC Emeritus Champion
    * WBC Diamond Champion
    * WBO Super Champion

Si Pacquiao ang kinakatakutan ni Floyd Mayweather Jr. na makalaban sa ring. Laging binabanggit ni Mayweather ang pangalan ni Pacquiao sa tuwing pinapanayam ito ng mga reporter. Ngunit kapag hinamon ni Pacquiao ng laban sa ring, agad nakakapag-isip si Mayweather ng mga dahilan at plano upang maiwasan kalabanin si Pacquiao.
Sa nakalipas na May 7, 2011, si Pacquiao ay matagumpay na naidepensa ang kanyang titulo bilang WBO World Welterweight champion laban kay Shane Mosley sa pamamagitan ng unanimous decision sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Estados Unidos.

Sinabi ni Bob Arum na ang susunod na laban ni Pacquiao ay sa MGM Grand ulit na mangyayari sa  November 5, 2011 o kaya sa Thomas and Mack Center sa November 12, 2011. Haharapin niya sa ikatlong pagkakataon si Juan Manuel Marquez

Kasalukuyang nag eensayo si Pacquiao para sa nalalapit niyang laban kay Juan Manuel "El Dinamita" Marquez

Monday, August 15, 2011

Abu Sabaya (Aldam Tilao)


Aldam Tilao
"Abu Sabaya"
1962 - Hunyo 21, 2002

Abu Sabaya, na ang totoong pangalan ay Aldam Tilao (1962 - Hunyo 21, 2002) ay isa sa mga lider ng ​​Abu Sayyaf sa katimugang Pilipinas hanggang siya ay napatay ng mga operatiba ng Philippine Army noong 2002. Siya ay isang dating nag-aral ng engineering at pagpupulis at nanirahan sa ng ilang taon sa Saudi Arabia.

Bago siya namatay, ang pamahalaan ng Estados Unidos ay naglagay ng isang gantimpala na umabot ng $5,000,000 sa kanyang pagkakadakip dahil sa mga pangingidnap noong Mayo 2001 sa dalwang misyonaryong Amerikano missionaries at isa pang Amerikano na pinugutan ng ulo. Ayon sa mga dokumento ng  Philippine Army, si Abu Sabaya ay tumigil sa pag-aaral ng kursong kriminolohiya (Criminology) at sumali sa Moro National Liberation Front (MNLF), isang Islamic group. 

Si Abu Sabaya ay bihasa siya sa pagawa ng bomba at assasination. Ng magkaroon ng kasunduan ang MNLF at Pamahalaang Pilipino noong 1997, si Abu Sabaya ay umalis ng bansa at nagtrabaho sa Saudi Arabia. Sa kanyang pagbalik sa bansa, siya ay nakipag ugnayan kay Abdurajak Abubakar Janjalani, ang isa sa mga nagtayo ng Abu Sayyaf.  Si Sabaya ay inakusahan ng ilang mga kidnappings sa Basilan, siya ay akusado ng pagiging kasangkot sa 13 mga pangyayari ng kidnappings, kasama na ng isang Katoliko Romanong pari, mga mag-aaral at mga guro. 

Saturday, September 11, 2010

Francisco "Django" Bustamante


Francisco "Django" Bustamante
Ipinanganak noong December 29, 1963

Si Francisco Bustamante o Django ay isa sa mga maipagmamalaki ng ng lahing Filipino. Mula ng sampung taong gulang pa lamang si Django ay nagwagi na siya sa mga palaro ng bilyar sa ibang bansa, ilan dito ay:

  • The Munich Masters
  • The German 9-Ball Championship
  • The Japan 9-ball Championship.

Si Django ay kilala sa kaniyang kakaibang estilong pagsargo ng bola.

Ang kanyang mga napanalunan at Titulo ay ang mga sumusunod:

    * 2010 World 9-Ball Championship in Doha, Qatar - Champion
    * 2007 Pool & Billiard Magazine Fans' Top 20 Favorite Players, #7
    * 2007 Hard Times Summer Jamboree winner (One-pocket Division)
    * 2007 Hard Times Summer Jamboree winner (Nine-ball Division)
    * 2007 US Pro Tour Champion
    * 2006 World Cup of Pool winner
    * 2005 Masters Nine-ball Champion
    * 2005 Joss Northeast Nine-ball Tour Finale Champion
    * 2005 All-Filipino Billiards Open winner
    * 2005 Weert Open Ten-ball Ring Game winner
    * 2004 World Pool League Champion
    * 2003 ESPN International Challenge of Champions winner
    * 2002 All-Japan Nine-ball Champion
    * 2002 ESPN Sudden Death Seven-ball Champion
    * 2002 Gabriels Las Vegas International Nine-ball Champion
    * 2002 Peninsula Nine-ball Open winner
    * 2002 IBC Tour Stop 2 (Munich, Germany) winner
    * 2002 Motolite World Nine-ball Challenge winner
    * 2002 IBC Tokyo Nine-ball International winner
    * 2001 World Pool Masters winner
    * 2001 Turning Stone Casino Classic II winner
    * 2000 Motolite International Nine-ball Champion
    * 1999 ESPN International Challenge of Champions winner
    * 1999 Camel Tulsa Nine-ball Open winner
    * 1998 Camel Riviera Eight-ball Open winner
    * 1998 World Pool Masters winner
    * 1998 Camel Tulsa Nine-ball Open winner
    * 1998 Camel Columbus Ten-ball Open winner
    * 1998 Sands Regency Open 28 winner
    * 1997 Camel Kasson Open winner
    * 1997 Camel Denver Open winner
    * 1993 PBT Bicycle Club Invitational winner

Friday, March 26, 2010

Manuel A. Roxas



Si Manuel Acuna Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko sa Pilipinas. Siya ay nagsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas mula Mayo 1946 hanggang sa kanyang kamatayan noong Abril 1948.
Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. 

Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. 

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio Osmena. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. 

Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base. Siya ay sinundan ni Elpidio Quirino.

Wednesday, March 24, 2010

Sergio Osmeña



Si Sergio Osmena y Suico (Setyembre 9, 1878 - Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmena, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 - Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmena Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmena III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena.

Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmena ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon.

Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmena. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.

Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Korte Suprema na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmena ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.  Dalawampu't limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan.  Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmena-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmena ang humalili sa kanya. sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones. Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.  Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena ay namatay noong Oktubre 19, 1961.

Monday, March 22, 2010

Cory Aquino



Si María Corazón Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (Enero 25, 1933—Agosto 1, 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabingisang pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992).At tinaguriang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. 

Siya ay kabiyak ni Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino.

Pumanaw ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino noong Agosto 1, 2009 sa edad na 76. Nilibing siya noong Agosto 5, 2009. Tinuturing siyang Bayani ng sa ika-5 ng Agosto. Siya itinuturing na Bayani ng Rebolusyong EDSA ng 1986 na nagbalik sa malayang pamamahala sa Pilipinas. Bagamat nagsimula sa buhay politika bilang isang "karaniwang maybahay", kinikilala na siya ngayon ilang isang Simbolo ng Demokrasya sa buong Daigdig. Siya ang biyuda ng martir na si dating Senador Benigno Aquino. Inulan siya ng parangal sa pamamagitan ng mga dilaw na laso at konpeti bilang pagkilala sa kanyang dakilang kabayanihan.

Sunday, March 21, 2010

Jose P. Laurel


 




Si Jose Paciano Laurel y Garcia (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay pangulo ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.

Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915. Siya ay agad namatay . Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.

Saturday, March 20, 2010

Ferdinand E. Marcos



Si Ferdinand E. Marcos ang itinuturing na isa sa pinakamatalinong naging pangulo ng bansa, hindi lamang sa temang akademiko kundi pati sa kanyang ginawa upang mapanitili niya ang sarili sa posisyon sa loob ng mahigit dalawampung taon. Siya ang Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat silang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan.

Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Palagi siyang mayroong karangalang nakukuha magmula sa elementarya hanggang sa magtapos siya ng mataas na paaralan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas Siya nagtapos ng Mataas ng Paaralan noong 1933. Sa pamantasan ding iyon siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso, 1939. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis.

Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate at pagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong Pamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas.
Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo dito, si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo.

Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino at kahusayan ay pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala. Tinanghal siyang lawyer of the year at hinangaan ng mga kapwa abogado.

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naglingkod siya sa hukbong sandatahan ng Pilipinas. Nakasama siya sa Martsa ng Kamatayan at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng digmaan sa Kuta Santiago at Capas, Tarlac. Naging meydor siya bago bumalik sa sibilyang buhay.
Nagsimula ang kanyang pagpasok sa pulitika nang matapos ang digmaan. Kumandidato siya sa pagka- kongresista ng Ilocos Norte at siya ay nanalo. Ang unang pinagtuunan niya ng pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan at sa buong bansa na rin.

Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at naging assistant minority floor leader sa kongreso. Dito niya nakalapit si Daniel Romualdez na pinsan ni Imelda. Sa pamamagitan ni Daniel ay nagkakilala sila ni Imelda na naging Miss Manila (Ginang Maynila). Sinasabi na naging makulay ang pag- iibigan nina Ferdinand at Imelda. Ikinasal sila sa Huwes noong Mayo 1, 1954. Sina dating pangulong Ramon Magsaysay ang nagging ninong nila sa kasal. Tatlo ang kanilang naging anak, sina Imee, Ferdinand Jr. at Irene.  Hindi na napigil ang pag- imbulog ni Marcos sa larangan ng pulitika. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kongresista noong 1957 at senador naman noong 1959. Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulo naman si Eugenio Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas. Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, “Magiging Dakilang muli ang bansang ito!”  Totoo sa kanyang slogan, pinangatawanan ni Marcos ang pagbangon sa bansa mula sa mahirap na kalagayan nito. Nahaharap noon ang bansa sa malalaking suliranin tulad ng kakapusan ng salapi para sa edukasyon , tanggulang bansa, mga pagawain at para sa kalusugan. Gayunman, nakapagpagawa siya ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice.  

Ang mga magsasaka ay nabigyan ng mga kaalamang teknikal ukol sa modernong pagsasaka. Marami rin siyang naipagawang mga kalsada, tulay at School building. Nilabanan niya ang smuggling at sinimulan ang pakikipaglaban sa mga NPA.  Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcos bilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong ito ay unti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng malalaking problemang kinakaharap ng bansa. Tumaas ang presyo ng langis at kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin. Marami ang naghirap at nagutom. Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya at eskandalo.

Nagkaroon ng madadalas at malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng mga estudyante at taong simbahan. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Tulay ng Mendiola.  Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rallyista ang Partidong Liberal o Liberal Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa. Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar (Martial Law). Marami na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda, pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile.  Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa isang referendum noong Enero 19, 1973.  Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa Batas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban sa gobyerno. Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa gobyerno.  Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga tao ang maluhong pamumuhay ni Ginang Imaelda Marcos at ng mga anak nito. Marami ang nagsasabi na sa nararamdamang kahirapan ng bayan ay hindi na dapat namumuhay ang Unang Ginang na tila ba ito ay nasa isang mayamang bansa. Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao. Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga dayuhang mamumuhunan, pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge, Philcite at iba pa. Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan.  Gayunman ay hindi nawala ang takot sa mga mamamayan. Maraming mga opisyal ng pamahalaan at mga military ang kinatakutan ng mga tao adahil umabuso sa kapangyarihan. Lalong nagging mahigpit ang militar sa karapatang pantao. Ipinasara ang mga palimbagan ng diyaryo at magasin pati na ang mga istasyon ng radio at telebisyon. Wala nang maririnig sa radyo at telebisyon ay pawing mga papuri sa gobyerno.  Nagkaroon ng pakunwaring wakas ang Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045 na nilagdaan ni Marcos.

Sa kabila ng pagtatapos ng Martial Law ay hindi nahinto ang paglaganap ng kapangyarihan ng komunista sa bansa. Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng Presidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang kanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1986 at nakalaban niya si Cory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa.  Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman ang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman ng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At naganap ang makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Marcos.  Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga Amerikano sa Estados Unidos upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap sa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino.

Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sa bansa ang kanyang bangkay t inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyang sinilangang bayan. Namatay siya sa gulang na 72.

Friday, March 19, 2010

Manuel L. Quezon




Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan noong 1893.

Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.

Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.

Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.

Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin County, New York noong Agosto 1, 1944 sa gulang na 66. Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.

Thursday, March 18, 2010

Carlos P. Garcia




Carlos Polistico Garcia (1896 - 1971), presidente ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. 

Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939 - 1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.

Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.

Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.  Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.  Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75.

Wednesday, March 17, 2010

Ramon D. Magsaysay



Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramon "Monching" Magsaysay (Agosto 31, 1907 - Marso 17, 1957) ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang sa kanyang kamatayan.

Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.

Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbo ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.

Tuesday, March 16, 2010

Diosdado Macapagal



Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Duktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambodia.

Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal Arroyo, ang kasalukyang presidente ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal Arroyo, at Diosdado Macapagal Arroyo, Jr.

Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sa Pamantasan ng Santo Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.

Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22, 1962, at sa pagbubuo ng Maphilindo.

Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.  Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971.  Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.

Monday, March 15, 2010

Eldipio R. Quirino


Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890 - Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang ikaanim na pangulo ng Pilipinas. Nagsilbi siya mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953.

Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. 

Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.

Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.  Siya ang unang Ilokanong pangulo.