Sunday, November 29, 2009

Marcelo H. Del Pilar



Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangngalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal at La Frailocracia Filipina. Isinulat rin niya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapangabusong prayle.

Talambuhay

Isinilang si del Pilar sa isang nayon sa Kupang, Bulacan, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaitan. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Marianas noong 1872.

Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Jose at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880.

Naging isang mabuting manananggol si del Pilar. Ar naging dalubhasa sa paghawak ng arnis at pagtugtog ng biyulin, piyano at plawta. Nakilala rin siya sa sagisag na Plaridel, na dinakila at kinilala bilang isang mahusay na dakilang propagandista. Noong 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga pari at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya. Pagdating sa Espanya ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat.

Namatay siya sa sakit na tuberculosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona sa gulang na 46.

No comments:

Post a Comment