Thursday, May 21, 2009

Leon Ma. Geurrero III



Si Leon Ma. Francisco Guerrero III ay isang manunulat na gumawa ng isang mahalagang talambuhay ukol kay Jose Rizal, ang The First Filipino, noong 1963. Isinalin din niya mula Espanyol patungong Ingles ang autobiograpiya ni Rizal na may titulong The Young Rizal, at ang Noli Me Tangere (Touch Me Not), 1961 at El Filibusterismo (Subversion), 1965.

Talambuhay

Ipinanganak siya noong 24 Marso 1915 sa Ermita, Maynila at supling nina Alfredo Leon Guerrero at Filomena Francisco, ang unang babaeng parmasyotika. Ang lolo niya ay ang nobelistang si Gabriel Beato Francisco. Samantalang ang kanyang kapatid, si Carmen Guerrero-Nakpil, ay isa ring manunulat. Ang pintor na si Lorenzo Ma. Guerrero ay kanya ring ninuno; ang mga makata at manunulat na sina Fernando Ma. Guerrero at Manuel Guerrero ay kanyang tiyuhin; ang makatang sina Nilda Guerrero-Barranco at Evangeline Guerrero-Zacarias, at ang manunulat at direktor na si Wilfrido Ma. Guerrero ay kanyang mga pinsan.

Siya ay ikinasal kay Anna Coromina noong 1938, at nang siya ay namatay, nagpakasal muli si Guerrero kay Margaret Burke kung saan siya ay may isang anak.
 
Edukasyon

Nagtapos siya ng hayskul noong 1931, at nakuha niya ang kanyang Batsilyer sa Sining, bilang summa cum laude noong 1935 sa Ateneo de Manila. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Batas, bilang summa cum laude sa Philippine Law School at pumasa sa pagsusulit para sa pagkaabogasya noong 1939. Nagsimula siyang magsulat sa kolehiyo bilang myembro ng pahayagan; at habang siya ay nasa paaralang pang-abogasya, sumali siya sa Philippines Free Press.
Mga Akda

    * His Honor, The Mayor, 1934
    * Last Days of Corregidor
    * Passion and Death of the USAFFE, 1943
    * Twilight in Tokyo, 1946
    * We Filipinos, 1984

Mga Parangal

    * Pinakamataas na gantimpala sa Rizal Biography Contest noong 1961
    * Premio Zobel para sa El si y el no (The Yes and the No), 1963
    * doctorate in the humanities, honoris causa mula sa Lyceum of the Philippines, 1971

Ilang araw bago siya namatay noong 24 Hunyo 1982, siya ay ginawaran ng Order of Mabini ni Pres. Ferdinand Marcos.

Tuesday, April 21, 2009

Gilbert Teodoro



Si Gilberto "Gilbert" Teodoro, Jr. ang bagong hirang na Kalihim ng Kagawaran ng Pambansang Depensa (Department of National Defense).

Talambuhay at Edukasyon

Si Teodoro ang nag-iisang anak nina Gilberto C. Teodoro, Sr., dating tagapamahala ng Social Security System, at ni Mercedes Cojuangco, dating miyembro ng Batasang Pambansa. Si Teodoro ay madalas iniuugnay sa kanyang tiyuhing si Eduardo Cojuangco, Jr., pinuno ng San Miquel Corporation.

Pagkatapos ng sekundaryang edukasyon sa Xavier School, siya ay maagang pumasok sa politika nang maging presidente ng Kabataang Barangay sa Tarlac noong 1980, at sa Kabataang Barangay Federation ng Gitnang Luzon noong 1985. Siya ay naging miyembro rin ng Sangguniang Panlalawigan ng Tarlac mula 1980 hanggang 1986.

Nagtapos si Teodoro ng kursong Bachelor of Science in Commerce, Major in Financial Institutions sa De La Salle University noong 1984. Nakakuha rin siya ng kursong abogasiya sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan siya ginawarang ng Dean's Medal for Academic Excellence. Nanguna si Teodoro sa bar exams noong 1989, bilang pinakabatang nanguna sa bar sa buong bansa.

Sa loob ng pitong taon, nahasa ang kanyang galing sa pagiging abogado sa EB Mendoza Law Firm. Matapos ang pitong taong karanasan, kumuha siya ng masteral degree sa Harvard Law School sa Estados Unidos. Nakapasa siya ng New York State Bar exams noong 1997.

Si Teodoro ang asawa Monica Louise Prieto, kinatawan ng Tarlac, at ama ni Jaime Gilberto Teodoro.

Karera

Siya ang pinakabatang kalihim na pumuwesto sa kagawaran sa edad na 43, nang siya ay hinirang noong Agosto 2007. Bilang pinuno ng Kagawaran ng Pambansang Depensa, siya ay nagsikap sa paggawa ng mga reporma upang gawing responsibo ang depensa at militar sa mga pangangailangan at hangarin ng mga Pilipino.

Bago siya naging kalihim, siya ay tumayong kinatawan ng unang distrito ng Tarlac sa tatlong magkakasunod na termino mula 1998. Sa kapulungan, nakuha niya ang puwestong Assistant Majority Leader (Ikalabing-isang Kongreso) at pinuno ng Nationalist People’s Coalition House Members. Siya rin ay naging miyembro ng House Contingent to the Legislative-Executive Development Advisory Council.
Halalan 2010

Isa si Teodoro sa mga tatakbo sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa darating na pambansang eleksyon sa Mayo 2010.

Kaugnayan

    * Integrated Bar of the Philippines - Miyembro
    * University of the Philippines Alumni Association - Miyembro
    * University of the Philippines Law Alumni Association - Miyembro
    * Harvard Alumni Association - Miyembro
    * Harvard Law Alumni Association - Miyembro
    * Philippine Military Academy Alumni Association - Miyembro
    * Philippine Air Force AC AA - Miyembro
    * Philippine National Police Foundation Inc. - Tagapamahala
    * Philippine Air Force Reserve - Koronel
    * National Defense College - Lecturer
    * AFP, General Command and Staff Course - regular assistant professor
    * Department of National Defense - Kalihim

Saturday, March 21, 2009

Francis Magalona (FrancisM)


Si Francis Magalona (ipinanganak Oktubre 4, 1964), kilala sa mga tawag na FrancisM, Kiko at The Mouth, ay isang Pilipinong rapper, manunulat ng awitin, artista, mananayaw, produyser, at direktor. Dahil sa pagiging bantog, binansagan siyang "Hari ng Rap" (King of Rap).

Talambuhay

Si Francis ay anak ng mga artista ding sina Tita Duran at Pancho Magalona. Anak niya si Maxene Magalona na isa ring artista.

Piling pilmograpiya

    * 1990 - Gumapang ka sa Lusak
    * Eat Bulaga!
    * Philippine Idol (Hurado)

Diskograpiya

    * 1990 Yo!
    * 1992 Rap is Francis M
    * 1993 Meron akong ano! (I have something!)
    * 1995 Freeman
    * 1996 Happy Battle (featuring his band "Hardware Syndrome")
    * 1998 The Oddventures of Mr. Cool
    * 1999 Interscholastic
    * 2001 Freeman 2
    * 2002 The Best of Francism
    * 2004 Pambihira Ka Pinoy (Single)
    * 2007 F Word

Saturday, February 21, 2009

Jaime Cardinal Sin






Si Jaime L. Sin ay kilala rin sa tawag na Jaime Sin at Jaime Lachica Sin(Pangalang Tsino: Xin Haimei, Xin Haimian). Siya ay naging kardinal ng Romano Katolikong Simbahan. Naging instrumento siya sa pagkatalo ng rehimen ni Marcos at sa pagkakaluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo noong 1986.



Talambuhay



Si Jaime L. Sin ay ipinanganak sa bayan ng New Washington, Aklan, sa Pulo ng Visayas noong 21 Agosto 1928. Siya ang ikapito sa siyam na mga anak nina Juan Sin at Maxima Lachica.



Nagsimulang maging misyonero si Kardinal Sin sa Jaro, Iloilo, at doon ay pumasok siya sa Jaro Archdiocesan Seminary of St. Vincent Ferrer. Naging ganap na pari siya noong 3 Abril 1954. Nagsilbi siya bilang pari ng Diyosesis ng Capiz mulang 1954 hanggang 1957. nagsilbi rin siya bulang rektor ng St. Pius X Seminary sa Lungsod Roxas mulang 1957 hanggang 1967. Habang nagsisilbi sa simbahan ay natamo niya ang batsilyer sa Edukasyon sa Immaculate Concepcion College noong 1959. Noong 1960 ay ginawa siyang domestikong prelado ni Papa Juan XXIII.


Humawak siya ng iba't ibang posisyon sa simbahang Katoliko.Mula sa pagiging pari hanggang sa maging Arsobispo ng Maynila noong 9 Marso 1974 . Ginawa siyang kardinal ng Papa paul VI noong 26 Mayo 1976, at inihalal na kasapi ng Synod of Bishops sa Roma.



Kilala si Kardinal Sin sa kaniyang partisipasiyon sa pagka-alis ng pangulo at diktador na si Pang. Marcos noong 1986. Nang ang ministro ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile, at ang Ikalawang Hepe de Estado Mayor, Fidel V. Ramos ay tumangging suportahan ang pagtatangka ni Marcos na manipulahin ang halalan at magsagawa ng pag-aaklas, nanawagan si Kardinal Sin sa mga Filipino sa Kalakhang Maynila na suportahan sina Enrile at Ramos. Libo-libo ang tumugon at dingsa ang dalawang kampo ng militar. Sa loob ng ilang araw ay tumungo na si Marcos sa Hawaii upang magtago at si Corazon Aquino naman ay nanumpa bilang pangulo.



Dahil sa Aklasang Bayan sa EDSA, si Kardinal Sin ay lumitaw na pangunahing puwersang moral sa polika sa Filipinas. Noong 1997 hanggang 1998 ay tinutulan niya ang pag aamyenda ng konstitusyon na magpapahintulot kay Pangulong Ramos sa ikalawang termino, at noong 1999–2000 ay sinuportahan niya ang pag-aakusa kay Pang. Joseph Estrada sa pagtangap ng milyon-milyon pera mula sa kita ng ilegal na pagsusugal. Paulit- ulit niyang hinihimok ang mga Filipino na bumoto ng wasto.




Kamatayan


Namatay si kardinal Sin noong 21 Hunyo 2005, sa edad na 76. Nagkaroon siya ng problema sa puso at bato na siyang naging dahilan ng kaniyang kamatayan.


Friday, February 13, 2009

Lope K. Santos



Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.


Talambuhay

Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.  Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.


Personal

Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero, 1900, at nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.



Pulitika

Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.


Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:

Balarila ng Wikang Pambansa
Banaag at Sikat, isang nobela