Monday, November 30, 2009

Datu Zaldy Ampatuan




Si Datu Zaldy Ampatuan ay ipinanganak noong Agosto 22, 1967. Siya ang kasalukuyang Gobernador ng ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Siya ng dating namumuno sa Lakas-Christian Muslim Democrats for ARMM,ngunit inalis sa pwesto matapos masangkot sa maramihang pagpatay ang kanyang kapatid na si Datu Andal Ampatuan Jr.

Noong ika-8 ng Disyembre 2007, halos umulan ng tig iisang libong piso (P1,000 bills) sa Paliparang Ninoy Aquino o mas kilalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng ang mag amang Andal Ampatuan Sr. at Zaldy Ampatuan ay namigay ng pera na parang Santa Claus bago pa man sila bumiyahe papuntang Jeddah, Saudi Arabia. Tinatayang umabot sa 30 hanggang 40 minutos na sila ay namahagi ng pera.

Sultan Pakung "Pax" Mangudadatu




Si Sultan Pakung "Pax" Mangudadatu ay mas lalong kilala sa pangalang Pax mangudadatu. Siya ay nahirang na Congressman ng unang distrito ng Probinsiya ng Sultan Kudarat. Si Sultan Pax ay pinanganak sa Buluan Cotabato (Buluan, Maguindanao na sa ngayun). Siya ay nagsilbing Mayor ng Lutayan bago siya nahalal na Gobernador ng probinsiya noong 1998.

Si Sultan Pax at si Congressman Angelo Montilla ang nagtatag ng SK UNA Political Party.

Tinalo niya si Sultan Kudarat bise Gobernador Rose Jamison sa pagkandidato sa pagka Gobernador ng kanilang lalawigan at naukit sa kasaysayan na unang Muslim na Gobernador ng lalawigang halos mga Kristiyano ang mga namumuno.

Tumagal ng Siyam (9) na taon ang kanyang panunungkulan bilang Gobernador (1998-2007).

Noong 2004 siya ay nahalal na Congressman ng kanilang lalawigan at pumalit naman sa pagka Gobernador ang kanyang anak na si Datu Suharto Mangudadatu.

Andres Bonifacio



Si Andres Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.


Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tundo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Melsic subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.


Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de japon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.


Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa himagsikan at digmaan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kanyang itinatag. Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang mangagawa ang pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).


Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may isang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.


Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulong Hari ng Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong Agosto 23, 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang mga cedula.


Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director).


Nang sinubukan ng mga miyembro ng lupon ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang kakayahan ni Andres Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil. Ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaki na si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng Mayo, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis). Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang labi niya.

Sunday, November 29, 2009

Marcelo H. Del Pilar



Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangngalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal at La Frailocracia Filipina. Isinulat rin niya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapangabusong prayle.

Talambuhay

Isinilang si del Pilar sa isang nayon sa Kupang, Bulacan, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaitan. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Marianas noong 1872.

Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Jose at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880.

Naging isang mabuting manananggol si del Pilar. Ar naging dalubhasa sa paghawak ng arnis at pagtugtog ng biyulin, piyano at plawta. Nakilala rin siya sa sagisag na Plaridel, na dinakila at kinilala bilang isang mahusay na dakilang propagandista. Noong 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga pari at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya. Pagdating sa Espanya ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat.

Namatay siya sa sakit na tuberculosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona sa gulang na 46.

Friday, November 27, 2009

Manny Villar



Si Manuel Bamba Villar ay isang pulitiko at negosyante na ipinanganak noong Disyembre 13, 1949 at kabilang sa listahan ng mga pinakamayamang Pilipino ng Forbes Asia noong Oktubre 2007.

Siya ngayon ang kasalukuyang Pangulo ng Senado ng Pilipinas.

Talambuhay

Si Villar ay ang ikalawa sa siyam na anak nina Curita Bamba, isang seafood dealer, at Manuel Montalban Villar Sr., isang empleyado ng gobyerno. Ipinanganak noong Disyembre 13, 1949 sa Moriones, Tondo, Maynila, nagsimula siyang magtrabaho sa murang edad bilang katulong ng kanyang ina sa pagtitinda ng pagkaing-dagat (seafood) sa Divisoria. Sa kanyang pagsusumikap ay siya na rin ang nagpaaral sa sarili. Nagtapos siya ng elementarya sa Holy Child Catholic School noong 1962 at ng hayskul sa Mapua Institute of Technology noong 1966.

Isa pa rin siyang working student pagdating ng kolehiyo bilang seafood trader. Matapos ng ilang taon ay nakatapos rin siya ng undergraduate at master's degree sa Business Administration and Accountancy sa Unibersidad ng Pilipinas. Sinubukan rin niyang magtrabaho sa prestihiyosong Sycip, Gorres, Velayo & Co. (SGV & Co.), ngunit umalis din kinalaunan upang ipagpatuloy ang kanyang negosyong seafood delivery. Sa maikling panahon ay nagtrabaho rin siya bilang financial analyst sa Private Development Corporation of the Philippines, ngunit nagbitiw din agad sa tungkulin at nagsimula ng panibagong negosyo na kaugnay sa construction.

Sa kanyang negosyo sa construction niya napag-isip-isip na simulan ang muling pagtatayo ng isa pang negosyo--ang pagbebenta ng bahay at lupa. Simula noon ay itinuring si Villar bilang isa sa mga haligi ng industriya ng real estate sa Pilipinas.

Buhay pulitika

Noong 1992 ay sinubukan niya ang swerte sa larangan ng pulitika--tumakbo siya bilang Kongresista ng Las Piñas at Muntinlupa, at nanalo. Naatasan naman siya bilang Tagapangulo ng Kongreso noong 1998, at ginamit ang kanyang mga nalalaman sa ekonomiya at pamamahala (management) bilang bahagi ng economic team ng Kongreso.

Pagdating ng 2001 ay sinubukan niyang tumakbo para sa isang posisyon sa Senado, at muling nanalo. Sa suporta ng kanyang mga kapwa senador ay naihalal siya bilang Pangulo ng Senado noong Hulyo 2006. Humawak rin siya ng mga posisyon sa iba't ibang komite.

Bilang politiko, patuloy ang kanyang pagtataguyod ng kahalagahan ng sipag at tiyaga upang maabot ang mga pangarap ng mga Pilipino.

Mga parangal at pagkilalang natanggap

Dahil sa kanyang mga nagawa bilang isang matagumpay na negosyante at pulitiko, tumanggap siya ng iba't ibang parangal at pagkilala mula sa iba't ibang organisasyon:

    * Pangulo, Partido Nacionalista.
    * Itinampok sa Far Eastern Economic Review dahil sa kanyang tagumpay bilang isang negosyante. Kaugnay nito ay naitampok rin ang kanyang talambuhay sa mga sikat na magasin tulad ng Asiaweek, Forbes, AsiaMoney at Asian Business Review.
    * Philippine Jaycess Ten Outstanding Young Men Award, 1986
    * Agora Award for Outstanding Achievement in Marketing Management, 1989
    * Philippine Institute of Certified Public Accountants Most Outstanding CPA, 1990
    * Most Outstanding UP Alumnus, 1991
    * Honoris Causa sa iba't ibang kolehiyo:
          o Doctor of Science, Adamson University
          o Doctor of Humanities, Bataan Polytechnic State College
          o Doctor of Humanities, Bulacan State University
          o Doctor of Humanities, Cagayan State University
          o Doctor of Humanities, Central Luzon State University
          o Doctor of Humanities, Foundation University (Dumaguete)
          o Doctor of Humanities and Entrepreneurship, Laguna State Polytechnic College
          o Doctor of Development Management, Pangasinan State University
          o Doctor of Business Administration, Nueva Ecija University of Science and Technology
          o Doctor of Entrepreneurial Management, Ramon Magsaysay Technological University
          o Doctor of Humanities, Romblon State College
          o Doctor of Public Administration, Tarlac State University
          o Doctor of Humanities, Wesleyan University-Philippines
          o Doctor of Technology in Entrepreneurial Management, WVCST

Monday, November 23, 2009

Juan Nakpil



Si Juan Nakpil (1899-1986), unang Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura, ay ang unang Pilipino na nakasama sa American Institute of Architects.

Ipinanganak siya noong 26 Mayo 1899 sa Quiapo, Maynila at supling nina Julio Nakpil at Gregoria de Jesus.



Edukasyon at Karera

Nagtapos siya sa Manila High School noong 1917 at kumuha ng pagka-inhinyero sa Unibersidad ng Pilipinas. Habang nasa UP, nag-aral siya ng malayang pagguhit, pagpipinta, at decorative arts sa ilalim ni Fabian de la Rosa at Fernando Amorsolo, at sa eskultura, sa ilalim naman ni Maestro Ocampo.

Matapos ang dalawang taon, nagpunta siya sa Estados Unidos at pumasok sa University of Kansas, kung saan natamo niya ang kanyang Batsilyer sa Agham sa civil engineering noong 1922. Nagpunta rin siya sa Pransiya noong 1925 at kumuha ng kursong Arkitektura sa Fountainbleau School of Fine Arts, kung saan natanggap naman niya ang kanyang diploma d'architecture. Nakamit niya ang kanyang M.D. sa Harvard University sa ilalim ng Joseph Evelynth fellowhip.

Sa kanyang pagbabalik sa Maynila noong 1926, naging assistant architect siya ng Bureau of Public Works. Sumapi rin siya sa Andres Luna de San Pedro firm at naging tagadisenyo ng Don Gonzalo Puyat.

Mga Dinisenyong Istruktura

    * Geronimo de los Reyes Building
    * UP administration building and library
    * Quezon Institute
    * gusali ng Social Security System
    * State and Ever Theaters
    * International Eucharistic Congress altar, 1937
    * Magsaysay Building
    * Rizal Theater
    * Capitol Theater
    * Captain Pepe Building
    * Manila Jockey Club
    * Avenue Hotel and Theater
    * Rufino Building
    * Philippine Village Hotel
    * Philippine Trust Building

Isinailalim din niya sa restorasyon ang Quiapo Church at ang bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna.

Mga Parangal

    * Architect of the Year, 1939, 1940, 1946
    * Gintong medalya ng pagkilala mula sa Institute of Architects, 1950
    * Most Outstanding Professional in Architecture, 1951 mula sa Philippine Association of Board Examiners
    * Honorary correspondent member ng Societe de Architectes par le Gouvernement Francais, 1952
    * Chevalier de la legion d'Honneur, 1955
    * Presidential Medal of Merit mula kay Presidente Ramon Magsaysay noong 1955
    * correspondent member ng Colegio de Arquitectos de Chile, 1956
    * Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, 1968
    * Republic Cultural Heritage Award, 1971
    * Rizal Pro Patria Award, 1972
    * Pambansang Alagad ng Sining, 1973

Binawian siya ng buhay noong 7 Mayo 1986 sa gulang na 87 at inilibing sa Libingan ng mga Bayani.

Saturday, November 21, 2009

Ildefonso Santos



Si Ildefonso P. Santos ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong ika-23 ng Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago.

Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.

Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang Pambansang Wika, siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's College. Nagturo rin siya sa Baguio Vocational Normal School. Hindi lamang siya guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata.

Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog noong panahon ng Amerikano. Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya. Isa raw siya sa mahusay at maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang kanyang mga tula ay simple at karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin siyang naisulat tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init.

Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Arkitektura noong taong 2000.


Tuesday, November 17, 2009

Wenceslao Q. Vinsons





Si Wenceslao Q. Vinsons ay naging Gobernador at tinitingalang lider ng mga gerilya sa Bicol ay isinilang noong Septyembre 28, 1910 sa Camarines Norte. Matalino siyang anak nina Gabino Vinzons at Engracia Quinito. Naging masigasig na estudyante si Wenceslao mula pagkabata. Tinapos niya ang elementarya sa maliit na bayan ng Indan at naging valedictorian siya ng Camarines Norte High School.

Ang buhay sa kamaynilaan ay totoong pakikipagsapalaran. Ipinakita ni Wenceslao ang talino niya nang makapasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Inihalal siya dito bilang presidente ng Student Council at tinanghal na Editor-in-Chief ng Philippine Collegian. Tinapos niya sa nasabing unibersidad ang Bachelor of Laws.

Noong 1933 ay pumangatlo siya sa bar examination. Ang kagalang-galang na katauhan at ang tayog ng kaisipan ay naging puhunan niya upang maging delegado siya sa Constitutional Convention noong 1934. Sa gulang na 23, nahalal siya bilang namumukod tanging kabataan sa larangan ng pulitika.

Ang pagiging pulitiko at tagapaglingkod sa bayan ay nagkakaugnay. Kapag nagtagumpay ka sa pulitika ay higit na malawak ang maitutulong mo sa mga tao. Ito ang naging panuntunan ni Wenceslao kaya batang-bata pa lang ay tumulong na siyang sumuporta sa mga lider kandidato ng bansa. Sa labanang Aguinaldo bersus Quezon bilang pangulo, masigasig niyang ikinampanya si Aguinaldo. Sa init ng kabataan ni Wenceslao, may mga pagkakataong nadadarang siya sa sining ng pagtatalumpati kaya nahahabla sa libelo at sedisyon. Sa sistematikong pagpapaliwanag niya sa hukom ay lagi at lagi siyang naaabswelto.

Ang katapatang maglingkod sa bayan ang naghatid sa kaniya upang mahalal na Gobernador ng Camarines Norte noong 1940.

Nang dumating ang mga Hapon noong 1941 ay nanawagan si Wenceslao sa mga boluntaryong nais sumama sa grupo ng mga gerilyang itinatag niya. Naniniwala siyang kailangan ang sariling sikap upang labanan ang mga mandirigmang kaaway ng bayan. Bilang isang tunay na lider, gusto niyang pangalagaan ang mga kababayan na nasasakupan sa mga oras ng kagipitan. Ipinag-utos ng Gobernador sa lahat ng may nakaimbak na palay at mais na mamahagi ng mga produkto sa bawat pamilyang nangangailangan nito.  Pinagbawalan niya ang mayayamang mangangalakal na huwag magtamasa ng sobrang tubo sa anumang bagay na ipinagbibili nila. Ang mga may karamdaman naman para sa kaniya ay dapat lang kaagad malunasan ng libreng gamot at instrumentong pangmedisina lalo na sa panahon ng giyera.

Para kay Wenceslao, kung sa panahon ng kapayapaan ay tumutulong ang gubyerno, lalo itong dapat mamuno sa pag-abot ng kamay sa oras na dinidigma ang mga tao. Sa panahon ng labanan, pinagbuklud-buklod ng Gobernador ang mga damdamin ng mga kababayan niya. Pinagsama-sama niya ang mga puso ng mga gerilya. Maraming kaaway na napatay ang mga tauhan ng abugado. Napalawak niya sa buong kabikulan ang mga tagasunod niya. Sa pakikipagtulungan sa iba pang pinuno ng karatig lalawigan ay nakatikim si Wenceslao ng maraming tagumpay sa digmaan. Isa rito ang pagsalakay niya sa mga kulungang panlalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur at Sorsogon kung saan pinakawalan niya ang maraming Pilipino at Amerikanong nabihag ditto.

Ang pasaning krus ay dumating kay Wenceslao nang ituro siya ng isang Makapiling nagngangalang Villaluz bilang lider ng mga gerilya. Sa sobrang galit ng mga Hapon ay pinarusahan ang Gobernador. Tinakot siya ng mga kaaway na papatayin daw kung hindi ibibigay ang listahan ng mga kasamang gerilya na nagsisipagtago sa mga liblib na pook. Inalok ng mga Hapon ang Gobernador na bibiyayaan ng maraming handog itaguyod lang nito ang Co-Prosperity Sphere na itinitindig ng mga singkit. Bigo ang mga Hapon sapagkat nanindigan ang makabayang nagmamahal sa pagka-Pilipino ng mga Pilipino. Sa sobrang galit ni Major Tsuneoka Noburo ay binayoneta ng Hapon ang Gobernador na ikinasawi nito.

Ang katapangan ni Wenceslao Vinzons sa panahon ng kapayapaan at digmaan ay kabayanihang dapat hangaan ng sambayan. Sa panahon ng digmaan, kinalimutan niya ang sariling kapakanan maitindig lamang ang minimithi nating kalayaan. Iyan ang totoong kadakilaan.
           
Para sa mas malawak na kaalaman tungkol kay Wenceslao Q. Vinsons bisitahin ang websayt na ito http://www.freewebs.com/vinzonstree/

Thursday, November 12, 2009

Fidel V. Ramos



Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez.


Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Msters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.

Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award.

Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider - opososyon si Benigno S. Aquino Jr.

Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkobsa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa.

Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran.

Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

Wednesday, November 11, 2009

Manuel L. Quezon




Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan noong 1893.


Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.

Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.

Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.

Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin County, New York noong Agosto 1, 1944 sa gulang na 66. Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.



Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.

Tuesday, November 10, 2009

Mar Roxas



Si Manuel "Mar" Araneta Roxas (Ipinanganak noong Mayo 13, 1957) ay isang senador ng Pilipinas na apo ng dating presidente Manuel Roxas at anak ng dating senador na si Gerry Roxas.


Iniluklok siya sa puwesto noong 2004, at nagtamo ng 19,237,888 na mga boto--ang pinakamataas na bilang na nakuha ng sinumang kandidato sa kasaysayan ng halalan sa bansa.


Talambuhay


Si Roxas ay ipinanganak sa Maynila at isa sa tatlong anak nina Judy Araneta at Gerardo "Gerry" Roxas. Ang iba pa ay sina Maria Lourdes at ang namayapang kongresistang si Gerardo Roxas Jr.


Nakapagtapos ng elementarya at hayskul si Roxas sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1970 at 1974, at nakakuha ng antas sa Economics mula sa Wharton School of Economics ng University of Pennsylvania noong 1979. Matapos nito ay nagtrabaho siya sa New York bilang investment banker, at sa Allen and Company kung saan siya ay naging assistant vice president.


Sa kainitan ng isyung politikal sa Pilipinas noong dekada 80, bumalik siya ng bansa noong Disyembre 26, 1985 upang sumanib sa alyansang sumusuporta kay Cory Aquino matapos magtawag ng isang snap election si Ferdinand Marcos. Bilang suporta, isa rin si Roxas sa naglunsad ng mga serye ng talakayan kasama ang mga Amerikanong mangangalakal noong nagpunta si Cory Aquino sa Estados Unidos noong Setyembre 1986.


Noong mamatay ang kanyang kapatid na kongresista na si Gerardo Roxas Jr. sa sakit na kanser, napagdesisyunan ni Mar Roxas na tumakbo sa halalan upang halinhan sa pwesto ang kanyang kapatid.

Buhay pulitika


Bago siya pumasok sa mundo ng pulitika, sinimulan na niya ang pagtataguyod sa mga isyu ng edukasyon, kabuhayan (sa pamamagitan ng small and medium enterprise), kalusugan, at katapatan sa gobyerno.


Nagsimula ang kanyang karera bilang pulitiko sa kanyang pagtakbo bilang kongresista noong 1993, kung saan ginawa niyang panukala ang karapatan sa mura at de-kalidad na mga gamot at pagtatanggol sa mamimili. Sa kanyang termino, naitalaga siya bilang Majority Floor Leader.


Ang ilan sa mga batas na kanyang isinulat bilang miyembro ng Kamara ay ang mga sumusunod:


    * Republic Act No. 8759 - Pagkakaroon ng Public Employment Service Office sa bawat munisipalidad na magsisilbing employment facilitation and information center;

    * Republic Act No. 8748 - Mga pagbabago sa Special Economic Zone Act;

    * Republic Act No. 8756 - Pagtatayo ng regional headquarters ng mga kumpanya upang mahikayat ang mga ito na maglaan ng maraming trabaho para sa mga Pilipino;

    * Republic Act No. 7880 (Roxas Law) - Pantay-pantay na paghahati ng educational capital budget sa lahat ng mga probinsya.


Matapos magsilbi sa Kongreso, naatasan siya noong panunungkulan ni Joseph Estrada bilang kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI). Bilang kalihim ng DTI, isinulong niya ang pagkakaroon ng SME (small and medium enterprise) lalo na sa mga palengke, na itinuturing niya bilang mahalagang bahagi ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Dahil sa pagmumungkahing ito ay tinawag siyang Mr. Palengke. Patuloy pa rin ang kanyang pagtataguyod sa karapatan ng mga mamimili sa pamamagitan ng Presyong Tama, Gamot Pampamilya kung saan nakinabang ang milyun-milyong Filipino na nangangailangan ng mura at de-kalidad na gamot.


Habang naglilingkod bilang kalihim ng DTI, tuloy pa rin ang kanyang pagtataguyod sa karapatan sa edukasyon sa pamamagitan ng paglulunsad ng Personal Computers for Public Schools (PCPS) kung saan nabigyan ang 2,000 pampublikong paaralan ng 30,000 na mga kompyuter sa buong bansa.



Sa kanyang pagtakbo sa Senado, umani siya ng pinakamaraming bilang ng boto ng kahit sinong kandidato at kanya pa ring ipinagpatuloy ang mga programang kanyang nasimulan. Siya ang nagpasimuno sa pagsasabatas ng Republic Act No. 9502, o ang Cheaper and Quality Medicines Act of 2008.

Personal na buhay




Siya ngayon ay ikinasal sa sikat na brodkaster ng ABS-CBN na si Korina Sanchez



Mga parangal na natanggap



    * Kinilala si Roxas noong 1996 ng World Economic Forum bilang isa sa mga Global Leaders of Tomorrow".

    * Kasama si Roxas sa isang lathala ng Asiaweek magazine noong 1999 bilang Political Leader of the New Millenium.

    * Ginawaran siya ng gobyerno ng Singapore bilang panlabing-anim na Lee Kuan Yew Fellow.

    * Ipinagkaloob ng E-Services Philippines noong Pebrero 16, 2007 kay Roxas ang E-Champion Award bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa upang gawing sikat na outsourcing destination ang Pilipinas.

    * Binigyang-parangal rin si Roxas noong Setyembre 18, 2007 ng Palanca Awards Gawad Dangal ng Lahi ni CP Group Chairman Carlos Palanca III, Palanca Foundation Director General Sylvia Palanca-Quirino, at Deputy Director General Christine Quirino-Pacheco bilang pagkilala sa kanyang mga katangian bilang isang lider.

Joseph Ejercito Estrada


Joseph Estrada / Jose Marcelo Ejercito





Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap, ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong Unang Republika.



Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero, at ni Maria Marcelo.

Si Ejército Marcelo ay ipinanganak sa Tondo, ang isa sa mga mahihirap bahagi ng Manila. Siya ay ang anak ng Emilio Ejército, Sr (1898-1977), isang maliit na sweldong pamahalaan kontratista, at María Marcelo (1905-2009), isang maybahay. Siya ang ikawalo sa 10 mga magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Antonio Ejercito (1932-2005), Emilio Ejercito, Jr (George Estregan) (1939-1988), Dr. Pilarica Ejercito, abogado Paulino Ejercito, Petrocinia E. de Guzman, Marita , at Jesse Ejercito.

Asawa niya (ang dating Doktor at unang ginang ng bansa na naporma-senador) na si Luisa Pimentel at nagkaroon ng tatlong anak: Jose Ejercito, Jr. (mas mahusay na kilala bilang "Jinggoy Estrada"; dating Alkalde ng San Juan naporma senador / kasal kay Precy Vitug), Jackie Ejercito (kasal kay Beaver Lopez), at Jude Ejercito (kasal kay Weng Ocampo). Joseph Estrada matugunan ang kanyang asawa Loisa Pimentel habang nagtatrabaho bilang isang katulong sa National Center for Mental Health (NMCH) sa Mandaluyong City.

Siya rin ay may mga anak mula sa apat na sa labas ng matrimonyo relasyon, kasama Joseph Victor "JV" Ejercito (mula sa mga taong tanyag sa lipunan Guia Gómez) na gunawa rin ng pangalan para sa kanyang sarili sa pulitika sa para sumusunod sa mga yapak ng kanyang ama bilang kasalukuyang alkalde ng San Juan City . Pagsanjan, Laguna Mayor Emilio Ramon P. Ejercito III, na kilala sa Philippine Showbiz na si George Estregan, Jr, o ay Ejercito, ay ang kanyang pamangking lalaki.

Sa panahon ng 2000 pagtataluwalagsa pamamaraan, nagkaroon si Estrada ng maraming panlabas ng relasyon at mga anak.



Bilang isang aktor at direktor

Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula.

Bilang pulitiko

Pinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll.



Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.


Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “Three Outstanding Senators of the Year”. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992.


Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Epifanio C. de los Santos








Isinilang siya sa bayan ng Malabon noong Abril 7, 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang hasyendero na si Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay tumugtog ng piyano at alpa. Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon ng pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa mga araling akademiko sa Ateneo, ay nag-aral din siya ng musika at pagpipinta. Tinapos niya sa Ateneo ang Bachiller en Artes at pagkatapos ay kumuha ng Law sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Masugid siyang mambabasa ng iba't ibang babasahing pampanitikan lalung-lalo na ng mga nobelang sinulat ni Juan Valera, isang manunulat naKastila at may-akda ng isang nobela ng pag-ibig na kanyang kinalugdan, ang Pepita Jimenez. Dahil sa mahilig siyang magbasa, nagkaroon siya ng malaking koleksiyon ng mga aklat sa Sining at Panitikan. Sa katunayan, ang unang palapag ng kanyang tirahan sa Magallanes, Intramuros ay nagmistulang laybrari na naging tagpuan ng kanyang mga kaibigan na may hilig din sa Sining at pagsusulat tulad nina Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Rafael Palma, Jaime de Veyra at Clemente Zulueta. Isa rin siyang dalubwika natutuhan niya ang mga wikang dayuhan tulad ng Latin, Griyego, Kastila at Pranses.

Itinatag ni Don Panyong (tawag sa kanya) at ng kanyang kaibigang si Clemente Zulueta ang pahayagang La Libertad sa Malabon. Naging editor din siya ng pahayagang La Independencia. Sa pagsusulat sa pahayagang ito ay ginamit niya ang sagisag na G. Salon.

Naging District Attorney siya ng San Isidro, Nueva Ecija at doon din siya naging Kalihim Panlalawigan. Noong 1902 nahalal siyang Gobernador ng Nueva Ecija. Pagkatapos ng dalawang taon ay hinirang siyang miyembro ng Philippine Commission. Naglakbay siya sa iba't ibang bansa tulad ng Pransya, Inglatera, Espanya, Italya at iba pang mga bansa sa Europa upang bumisita sa mga aklatan at museo at mamili ng mga aklat para sa kanyang koleksyon sa sariling aklatan.

Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan - Bulakan at at Bataan. Noong 1918, hinirang siya ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison na Technical Director ng Philippine Census. At noong Mayo 16, 1925 itinalaga siya ni Gobernador Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng Philippine Library and Museum bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na binawian ng buhay.

Dalawang beses nag-asawa si Don Panyong. Ang kanyang unang asawa ay si Ursula Paez ng Malabon at ang pangalawa ay si Margarita Toralba ng Malolos. Ang isa niyang anak sa kanyang unang asawa ang nagmana sa kanya ng mahilig sa kasaysayan at pananaliksik. Nakilala siya bilang mahusay na manunulat ng kasaysayan, talambuhay at kolektor tulad ni Don Panyong.

Kung si Don Panyong ay di magaling na tagapagsalita (speaker) siya naman ay magaling na manunulat. Ang unang nalathalang sinulat ni Don Panyong ay ang Algo de Prosa (1909) isang koleksiyonng mga sanaysay at maikling kuwento. Ilan pa sa kanyang mga sinulatay Uteratura Tagala (1911), El Teatro Tagalo (1911), Nuestra Literatura (1913), El Proceso del Dr. Jose Rizal (1914), at Folklore Musical de Filipinas (1920).


Sinulat din niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Marcelo H. del Pilar, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila mula sa Tagalog ng Florante at Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa panitikang Pilipino.


Isa ring mahusay na musikero si Don Panyong. Mahusay siyang tumugtog ng piyano at gitara. Sa kanyang panahon ay tatlo lamang ang kinikilalang mahusay sa pagtugtog ng gitara sa buong Pilipinas -isa si Don Panyong at ang dalawa niyang kasama ay si Hen. Fernando Canon, isang rebolusyonaryo, at si Guillermo Tolentino, kilalang iskultor.

Mahusay din siya sa pagpipinta, lamang ay hindi niya ito nabigyan ng panahon upang ang kanyang kakayahan ay lalo pang pagyamanin at paunlarin.

Binawian ng buhay si Don Panyong noong Abril 28, 1928 sa Maynila sa eded na 57 dahil sa atake sa utak (cerebral attack). Bilang paggalang sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura, ang Highway 54 na nagdudugtog sa Lungsod ng Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay ipinangalang Abenida Epifanio de los Santos o kilala bilang EDSA.


Gloria Macapagal-Arroyo





Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat at kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.


Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko . Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004.


Isinilang na Maria Gloria Macapal ng pulitikong Diosdado Macapagal, at ng kanyang asawa, Evangelina Macaraeg Macapagal. Siya ay kapatid ni Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr. at Cielo Macapagal-Salgado. Nanirahan siya sa Lubao, Pampanga noong unang mga taon niya kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama. Sa edad na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa ina, sa Lungsod ng Iligan. Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati niya ang kanyang oras sa Mindanao at Maynila hanggang sa siya'y maglabing-isang taon. Mahusay siya sa Wikang Ingles, Wikang Tagalog, Kastila at iba pang wika sa Pilipinas.



Noong 1961, nang si Gloria ay 14 pa lamang, ang kanyang pamilya ay lumipat sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila. Isang bayan ang ipinangalan sa kanya, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption Convent, kung saan ay nakapagtapos siya bilang Valedictorian noong 1964.



Noong 1961, nang si Gloria ay 14 na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama ay nahalal na pangulo ng Pilipinas. Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Malakanyang sa Maynila. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption College at nakapagtapos na valedictorian noong 1964. Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang taon sa Walsh School of Foreign Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na kung saan ay naging kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton at napanatili ang pangalan nito sa talaan ng Dekano. Nakuha niya ang kanyang Batsilyer sa Arte sa Ekonomiks mula sa Assumption College, na kapagtapos na magna cum laude noong 1968. Noong 1968, napangasawa ni Gloria ang isang abugado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo na tubong Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya nang siya ay nasa kanyang kabataan pa lamang. Sila ay may tatlong anak, sina Juan Miguel (1969), Evangelina Lourdes (1971), at si Diosdado Ignacio Jose Maria (1974). Ipinagpatuloy ni Gloria ang kanyang pag-aaral at nakuha ang Master na degree sa Ekonomiks mula Ateneo de Manila noong 1978 at ang Doctoratena degree sa Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1985. Mula 1977 hanggang 1987, humawak siya ng mga posisyon sa pagtuturo sa iba't ibang mga paaralan, gaya ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila.


Noong 1987, siya ay inanyayahan ni Pangulong Corazon Aquino na lahukan ang pamahalaan bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya ay napromote bilang undersecretary pagkatapos ng dalawang taon.



Pangalawang Pangulo

Kinunsidera ni Arroyo na tumakbo bilang pangulo noong pambansang halalang 1998 subalit naimpluwensyahan ni Pangulong Fidel V. Ramos, at pinuno ng ng partido ng administrasyon Lakas-Christian Muslim Democrats na imbes na pangulo ay maging pangalawang pangulo na lamang at ng kandidatong si Ispiker Jose de Venecia, Jr. Nanalo si Arroyo bilang pangawalang pangulo na may malayong agwat, na nakakuha ng higit doble sa sumunod nitong katunggali, ang kandidatong pangawalang pangulo ni Estrada, si Edgardo Angara.

Nagsimula ang termino ni Arroyo bilang Pangalawang Pangulo noong Hunyo 30, 1998, Siya ay tinalaga ni Estrada na maging Kalihim ng Kagawaran ng Pangangalagang Panlipunan at Pagpapaunlad.

Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, upang ilayo ang kanyang sarili mula kay Estrada, na inakusahan ng korupsyon ng kanyang dating tagasuporta sa pulitika na si Chavit Singson, Punong lalawigan ng Ilocos Sur. Noong una ay hindi pa nagsasalita si Arroyo laban kay Estrada, subalit dahil sa mga kaalyado nito, ay sumalina rin ito sa panawagang magbitiw si Estrada sa pwesto.


Pagkapangulo

Noong Enero 20, 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pulitikal at malawakang pag-aaklas, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis ang suporta para kay Estrada. Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr..

Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal ng pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas, ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon.. Noong Marso 2, 2001, ang Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto.

Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Ang kanyang mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si Diosdado Macapagal at si Dra. Evangelina Macaraeg-Macapagal.

Noong Agosto 2, 1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo na nagtapos sa Ateneo Law School noong 1972. May tatlo silang mga anak na sina: Juan Miguel , Evangelina Lourdes , at Diosdado Ignacio


Monday, November 9, 2009

Dr. William T. Torres

Dr. William T. Torres




Ama ng Internet ng Pilipinas (Father of Philippine Internet)

Si Dr. William Torres ay ang unang Pilipinong nagkamit ng Ph.D. sa kursong Computer Science noong 1971. Ang kaniyang pagtitiyaga at pagsusumikap ay nagbigay-daan sa upang makinabang ang mga mamamayan sa paggamit ng koneksyon sa internet. Siya ang kasalukuyang pangulo ng Mosaic Communications at isang aktibong partisipante ng iba't-ibang programang edukasyonal gayun din mga programa ng gobyerno na tumutukoy sa information technology. Iminungkahi niyang magkaroon ng koneksyon sa internet noong 1992. Sa tulong ng dating kalihim ng Department of Science and Technology Secretary Ricardo Gloria, nakapaglikha sila ng PH-Net.

Dolphy Quizon

Rodolfo V. Quizon




Si Rodolfo V. Quizon o mas kilala sa tawag na Dolphy ay isang artistang Pilipino. Siya ang tinaguriang "Hari ng Komedya" sa larangan ng showbiz sa Pilipinas. Nagsimula siyang lumabas sa pelikula sa produksyon ng ama ni Fernando Poe Jr. si Fernando Poe para sa pelikulang Dugo ng Bayan. Nakilala siya nang maging kontratadong artista siya ng Sampaguita Pictures at gawin ang una niyang pelikula dito, ang Sa Isang Sulyap Mo Tita. Naging malaking patok ito sa takilya bagay na binigyan siya ng kanyang unang starring role sa Jack & Jill kung saang ginampanan niya ang papel ng isang baklang kapatid ng tomboy naman na si Lolita Rodriguez.

Lino Brocka

Lino Brocka



Si Catalino Ortiz Brocka (1939-1991), na mas nakilala bilang Lino Brocka, ay isa sa mga pinakamahusay na direktor sa Pilipinas na pinarangalan at kinilala, maging sa ibang bansa. Tinalakay niya sa kanyang mga pelikula ang mga paksa na pilit iniiwasan sa lipunan.

Ipinamalas niya rin ang pagiging diretso sa kanyang mga ideya at opinyon na malinaw ring matutunghayan sa kanyang mga pelikula. Kung kaya't hanggang ngayon ay patuloy na pinapanood at hinahangaan ng mga tao mula sa iba't ibang henerasyon dahil na rin sa mga sitwasyon at ideyang tumutugma sa kahit anong panahon dito sa bansa.

Melanie Marquez

Melanie Marquez




Si Mimilanie Laurel Marquez ay isang artista sa telebisyon at pelikula dito sa Pilipinas. Ngunit bukod dito, siya ay isa ring prodyuser, manunulat ng kanyang libro, at nag-eendorso rin ng mga produkto. Bago mag-artista, siya ay nanalo sa Miss International at naging isang modelo. Taong 1979 nang siya ay lumaban sa ibang bansa dala-dala ang pangalan ng Pilipinas at nagwagi ng 1979 Miss International sa Tokyo, Japan.

Matapos noon, ipinagpatuloy naman niya ang kanyang karera sa pamamagitan ng pagpasok maging sa pagmomodelo sa iba't ibang larangan, na naglagay sa kanya bilang modelo maging sa harapan ng mga magasin sa loob at labas ng bansa. Hindi naglaon, napabilang siya bilang isa sa mga supermodel sa buong mundo, nilakbay niya ang Estados Unidos at Europa, pero nagbalik din siya.

Gloria Diaz

Gloria Diaz





Si Gloria Aspillera Diaz o mas kilala bilang si Gloria Diaz sa mundo ng telebisyon at pelikula sa Pilipinas ay kinikilalang isang mahusay na aktres. Bago siya maging isang premyadong aktres, siya muna ay nakilala bilang kauna-unahang Pilipina na nagwagi at nakapag-uwi ng korona ng Miss Universe

Lea Salonga

Lea Salonga




Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga ay mas kilala bilang Lea Salonga. Ipinanganak siya noong 22 Pebrero 1971. Una siyang nakilala sa The King and I ng Repertory Philippines noong siya'y pitong taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inirekord ni Lea ang awiting Small Voice. Iyon ang naging simula nang pagiging mabango ng kaniyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mang-aawit sa Pilipinas. Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya ay napiling gumanap bilang Kim sa tagumpay na musikal na Miss Saigon noong 1989.

Nagtamo siya ng mga gantimpala mula sa pinakarespetadong tagapaggawad ng parangal, at itinanghal bilang kauna-unahang Filipina na nagkamit ng Laurence Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap bilang Kim. Noong 1993, si Lea ay gumanap bilang Eponine, isang batang ulila sa Broadway production na Les Misérables. Si Lea rin ang umawit ng A Whole New World sa pelikulang Aladdin sa boses ni Princess Jasmine at Fa Mulan para sa Mulan at Mulan II noong 1998 at 2004. Ang tagumpay ni Lea sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa ang siyang nagbukas ng oportunidad sa iba pang Filipino entertainers upang makilala at kinalaunan ay nag-alay din ng karangalan sa ating bansa.

Regine Velasquez

Regine Velasquez





Si Regina Encarnacion Ansong Velasquez o mas nakilala ng publiko bilang si Regine Velasquez ay isang mang-aawit, artista, prodyuser ng rekord, at host sa telebisyon. Mas kilala rin siya bilang Asia's Songbird dahil sa pagsikat niya maging sa ibang bansa sa kanyang husay sa pagkanta.

Caloy Loyzaga

Carlos "Caloy" Loyzaga







The Great Difference ang taguri kay Carlos M. Loyzaga o Caloy Loyzaga, na maibibilang sa magagaling na manlalaro ng basketbol sa Filipinas. Si Loyzaga ang namuno sa koponan ng Filipinas na nag-uwi ng Tansong Medalya at ang Mythical Team sa 1954 FIBA World Championship.

Lydia De Vega

Talambuhay ni Lydia de Vega





Si Lydia de Vega, na kilala ngayon bilang Lydia de Vega-Mercado, ang itinuring na pinakamabilis na babaeng tumakbo sa paligsahan sa Asya noong dekada 1980. Dalawang ulit siyang nakapag-uwi ng medalyang ginto sa Asian Games sa takbuhang may layong 100 metro, ang isa noong 1982 Asiad, at ang ikalawa ay noong 1986. Noong Asiad Games sa Seoul, South Korea, nagwagi ng medalyang pilak si Lydia sa takbuhang may layong 200 metro. Dalawang medalyang ginto ang nakamit niya sa Southeast Asian Games na ginanap sa Maynila noong 1981. Siya ang kauna-unahang babaeng lumahok at tumakbo sa lárang ng atletika noong Olimpiyada. Noong 1983, ipinakita ni Lydia ang kaniyang husay sa pagtakbo nang muling makamit niya ang medalyang ginto sa SEA Games na ginanap sa Singapore noong 1993.